Chapter 59: Sooth Behind

301 16 2
                                    

Melody P.O.V's

Pauwi na mamaya si Mama at iniisip ko kung dapat ko parin bang sabihin ang nangyari sakin. Alam kong masasaktan ko si Mama o magagalit siya sakin pagsinabi ko pero karapatan ng sarili kong ina ang malaman ang mga ganon klaseng bagay. Kaya mamayang gabi mismo pagtapos ng hapunan sasabihin ko kay Mama ang lahat ng nangyari. Hindi ko talaga maiwasang isipin ang mga bagay bagay sa tuwing naglalakad ako at ako lang magisa katulad na lang ngayon. Papunta na ko sa classroom ng makasalubong ko ang walang buhay na si Beshue. Halata pa lang rito na malalim ang iniisip nito at sobrang lungkot. Hindi man lang nito napansin na nadaanan niya ko. May mali talaga napansin ko na ito nung pauwi pa lang kami galing resort. Oo nga pala, hindi ko na siya natanong tungkol doon dahil na sa nangyari kagahapon. Wala sa sarili akong napangiti ng sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya sakin kagahapon.

"Just please stay with me and trust me by all of your heart."  ito na naman jusko sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Kaya ayokong lagi siyang nakikita. Dahil parang lagi na lang tinatabol ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya.

Hindi ko na malayang nandito na pala ko sa classroom. Agad akong nakaramdam ng kakaibang atmosphere sa mga taong nakapaligid sakin. Walang ng bato, walang nanglait sakin, at walang kahit anong nangyari masama bago ko makarating sa classroom. Halos lahat ng tao sa school ay parang mabait sakin. Anong nangyari? Anong nakain ng mga ito? Umupo na lang ako sa may upuan ko tsaka binati si Beshue at Topak na nasa tabi kong dalawa. Napansin ko namang wala pa sila Virus sa may likuran namin. Hays tama na nga, bakit ba lagi ko na lang hinahanap ang nilalang na iyon.

"Oyy Beshue?." tawag ko kay Beshue para kunin ang atensiyon nito. Nang hindi ito tumingin sakin ay agad akong tumingin kay Topak na mukhang nagaalala na rin kay Beshue.

"Topak, alam mo ba kung anong nangyari kay Beshue?." pabulong kong tanong dito.

"Hindi rin Boss e, mukhang wala sa sarili si Bro Ashley." pabulong din na sabi nito sakin. Tatanungin ko na sana ulit si Beshue ng nakatingin na pala ito samin ngayon.

"Ayos lang ako, wala namang nangyari kulang lang talaga ko sa tulog." sabi nito habang nakangiti. Kulang daw sa tulog pero bat hindi ako naniniwala sa sinasabi nito nararamdaman ko talaga may mali.

"Bakit ka naman kulang sa tulog Bro Ashley?." tanong naman ni Topak na hindi rin na kumbinsi sa sinabi nito samin.

"Na pasobra ko ng basa ng libro." sabi nito habang kinukuha ang lecture notes nito sa bag niya.

"Yung totoo Beshue?." paninigurado kong tanong dito. Agad naman itong tumingin samin ng nakangiti.

"Oo nga ayos lang ako wag na kayong magalala tsaka salamat sa concern Beshue at Bro Jethro." nakangiti nitong sabi at sakto namang dumating na ang teacher namin sa Math.

Napatingin ako sa likuran naminnat wala parin ang mga nilalang na yon. Nasaan kaya siya ngayon? May klase tas wala siya sa classroom. Hindi kaya absent siya? Hays dapat nagfo-focus ako dito sa lesson namin sa Math hindi sa nilalang na yon. Ilang subject nadin ang lumipas at sa wakas break time na. Kanina pa talaga kumakalam ang tiyan ko pero bago yon pupunta muna akong library para isauli ang mga librong hiniram ko. Wala kong kasama ngayon dahil si Beshue may practice daw at si Jethro naman ay may aasikasuhin daw. Habang naglalakad papunta ng library ay may kamay na humawak sa kamay ko. Agad kong tinignan kung sino yon at bumilis agad ang tibok ng puso ko ng makita kong siya yon.

"Anong ginagawa mo?." tanong ko rito at akmang aagawin ang kamay ko sakaniya.

"Hawak ang kamay mo." sabi nito habang nakangiti.

"Nakakahiya, napapatingin satin ang ibang mga estudyante." sabi ko rito at inagaw ang kamay ko rito.

"I don't care." walang pakielam nitong sabi at agad na kinuha ang sakin ang mga librong bitbit ko. Magkahawak kamay kaming pumunta sa library. Hindi na ko nagtaka pa kung pinagtitinginan at pinaguusapan na kami ngayon.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon