Third Person P.O.V's
Sobrang dami ng nangyari at habang nakatayo ito ngayon sa entablado tila ba'y isa-isang bumalik sa alaala nito ang lahat. Kung paano siya nagsimula sa paaralan na ito at kung paano niya nakilala ang lalaking nasa tabi niya ngayon. Ngayon ay magkakasama silang nagpapakuha ng litrato sa entabladong ito kung saan nasaksihan ng lahat ang pag-abot sakanila ng kaniya-kaniya nilang diploma.
"Ito ang espesiyal na araw na hinintay naming lahat. Sobrang daming hamon ang nilagpasan namin para lang makarating dito at makatayo sa entabladong ito. Panibagong pagsubok na naman ang haharapin naming lahat, mga parating na panibagong pagsubok na magpapatibay sa bawat isa sa amin at malalagpasan namin ng magkasama."
Bawat isa sakanila ay may kaniya-kaniyang solong litrato kasama ang mga magulang nila sa entabladong ito. Graduate na sila ngayon ng junior high at panibagong yugto na naman ang kanilang haharapin. Pagkatapos magpakuha ng litrato kasama ang mga magulang nila. Napagdesisyonan ng mga ito na kumuha ng litrato nilang magkakasama. Masasaya silang nakangiti sa bawat litrato na kuha gamit ang kamerang dala ni Ashley. Kompleto silang lahat doon si Prince at Melody na nakangiti sa harapan ng camera ng magkasama. Si Ashley at Nathan na kasama ring nagpakuha ng litrato habang naka-akbay pa si Nathan sa kaniyang kasintahan. Si Tyron at Denise na masayang nakatingin sa isa't isa. Dahil sa mautak na plano ni Kupido halos magkalapit lang ngayon sa isa't isa si Xyler at Athena. Habang nagpapakuha ito ng litrato ay sinadyang lumapit ni Xyler ng bahagya dito para makasama ito sa picture. Bago pa man pindutin ni Ashley ang click button ay inakbayan naman ni Zach si Sam na nasa hindi kalayuan nito. Hindi inakala ni Xyler at Zach na ganito kagaling si Kupido para makasama nila sa picture ang mga babaeng bumihag sa mga puso nila.
Ang sabi nga nila ang sugat ay unti-unti ring maghihilom sa paglipas ng panahon. Kung hindi man para satin ang pagkakataong iyon, maaring may tunay na nakalaan para satin. Si Jethro ay masaya na ngayon sa Canada at masaya ito para sa babaeng minahal niya sa loob ng mahabang panahon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang babaeng nakilala nito sa Canada ay naging kaibigan nito. Ito rin ang naging isa sa mga dahilan niya para manatili sa bansa ito. Hindi niya lubos akalain na mapapalapit siya sa babaeng hindi niya naman naisip lapitan o kausapin. Nang malaman ng Mom ni Jethro na nasa Canada si Melanie para magtrabaho para sa pamilya nito na nasa Pilipinas at hindi ito nakapagtapos ng pagaaral ay agad nitong kinupkop iyon. Naisipan niyang pagaralin ito sa paaralan mismo kung saan nagaaral si Jethro at sa mansion na nila ito magtrabaho habang nagaaral bilang isang kasambahay sakanila. Naglalakad-lakad sila ngayon dito sa isa sa mga parke dito sa may Canada. Tahimik lang silang dalawa ni Melanie at mukhang walang balak pareho ang dalawa na basagin ang katahimikang namamagitan sakanilang dalawa. Sadyang tadhana ang gagawa ng paraan para magkalapit ang dalawa. Habang naglalakad ang dalawa ay may mabilis na motor ang papunta sa direksiyon ni Melanie. Muntik ng mahagip ang dalaga dahil sa mabilis na paparating na motor pero agad na hinawakan ni Jethro ang pulsahan nito at hinatak ito papalapit sakaniya dahilan para mayakap niya ito para hindi ito tuluyang mahagip ng motor."Bakit ba lagi mo na lang pinapahamak ang sarili mo ha?." inis nitong tanong dito. Simula ng makilala niya si Melanie ay lagi niya itong prinoprotektahan sa kahit anong anggulo.
"S-sorry, hindi ko naman kasi napansin Sir. Jethro." paghingi nito ng umanhin dito. Hindi na siya nagsalita pa sa halip ay kinalas niya ang pagkakayakap niya rito at hinawakan ang kamay nito at naglakad nang muli. Hindi batid ni Jethro kung bakit ba lagi siyang nagaalala para sa babaeng ito. Pero sapat na sakaniya na makitang ligtas ito at nasa tabi niya kahit na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ito mananatili sa tabi niya.
"Sabi nga ni Bill Russell 'To love someone is nothing, to be loved by someone is something, but to be loved by the one you love is everything'. Ganon ang pakiramdam na magkaroon ng isang Nathan Cosico sa buhay ko. I'll never regret for loving him, kahit na ang dami pa niya noong mga babaeng pinaluha. Nung una ay inakala ko pang baka isa rin ako sa mga babaeng paluluhain niya pero nagkamali ako. Nabago ko ang paniniwala nito sa mga babae. Totoo ngang kakaiba ang dalang hiwaga ng pag-ibig para baguhin ang isang tao. Dahil ako mismo naranasan ko iyon." sabi nito sa isipan nito habang masayang naghahain ng makakain nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...