Chapter 33: The Return

560 26 1
                                    

Third Person P.O.V's

Tuwang-tuwa na naglalakad ang isang dalaga habang hila hila niya ang kaniyang maleta. Masaya siya na nakabalik na siya dito sa pilipinas dahil gustong-gusto niya ng makitang muli ang binatang naiwan niya rito. Gusto niyang ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan na naputol noon.

"Mom i'm really excited to see him..." sabi niya sa kanyang ina na nasa kabilang linya.

"Are you sure anak na ayaw mo magpasundo sakin djan sa airport?" tanong ng kanyang ina. Umaasa siya na sa salubungin siya ng ngiti ng kanyang pinakamamahal sa oras na makita siya nitong muli kahit na sobrang tagal na ng nakalipas mahal na mahal niya parin ito.

"Yes mom I call a taxi na lang" ang sabi niya habang may ngiti sakanyang labi.

"Okay anak take care bye" sabi ng kanyang ina at binaba na ang tawag. Habang tinatabi niya ang cellphone niya sa bag niya may binatang nakabunggo sakanya. Nahulog ang ilang gamit niya at inabot sakanya ito nung binata.

"Sorry miss.." paghingi ng paumanhin nung binata sakanya at umalis na.

Hindi nila alam na malaki ang magiging papel nila sa buhay ng isa't isa. Ang binatang nakabungguan nung dalaga ay galing sa lugar kung saan na natili siya ng dalawang taon. Iniwan niya ang babaeng mahal niya dito sa pilipinas nung mga panahon na yon dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya. Bumalik siya dahil gusto niya rin ituloy yung pagmamahalan nila nung dalagang binalikan niya dito sa pilipinas. Kahit walang tiyak na kasiguraduhan na natatanggapin pa ba siya nitong muli. Bumalik parin siya dahil gusto niyang itama yung mga pagkakamali niyang yon na mas sinunod niya ang mga magulang niya kesa sa nararamdaman niya. Sumakay na ang binata sa kotse ng kanyang ina at paglingon niya sa bintana ng kotse nakita niyang muli ang dalagang nabangga niya kanina. Masyadong mapaglaro ang tadhana dahil hindi nila alam na magkikita pa silang muli sa parehas na dahilan at sitwasyon.

To be continued...

A/N: Hello my geminiders👽 sorry kung ngayon lang nakapagud si Author dahil masyadong busy sa school kahit na december na at malapit na ang christmas busy pa rin😂😅 Abangan nyo ang mga magbabalik kung manggugulo ba sila o magiging kaybigan nila Melody?😊 Tsaka marami pang magaganap mga geminiders ko ayieee😍😅.
Salamat sa walang sawang pagsuporta niyo at sa mga dadating pa salamat sainyo😍😘😊💕 I lab y'all my geminiders✨

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon