Chapter 64: Fine

281 16 0
                                    

Nathan P.O.V's

It's been five days since the accident. Hindi parin nagigising si Melody at Jethro. Halos dito na tumira ang best friend ko ng dahil sa insidenteng kagagawan ni Veron. Kahit na laging nagbabantay sa hospital si Prince inaasikaso parin nito ang kaso kay Veronica. Dahil dapat lang na pagbayaran nito ang kasalanang nagawa niya. Tuwing gabi bumibisita ang iba pa naming kaibigan dito sa Hospital para makibalita sakanilang dalawa. Melody's condition right now is stable unlike Jethro. Jethro's Family is really worried about him because his condition right now is grievous. Pagkatapos na pagkatapos pa lang noon ng operation ni Jethro sinabi na samin ng doctor na pag hindi ito nagising sa loob ng isang linggo maybe his condition become worse than we thought. Maaring tuluyan itong ma-coma dahil masyadong naapektuhan ang ulo nito dahil sa lakas nang pagtama ng ulo nito sa kung saan. Siya ang unang nakaalam na nandoon si Melody nakaka-guilty na hindi kami agad nakapunta para tulungan siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi namin ito natulungan agad kahit na hindi ko ito ganoon ka-close nagaalala ko dito dahil kaibigan na rin ang turing ko dito. Napabuntong-hininga na lang ako at ng lingonin ko ang bahaging iyon ng hospital na kita ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Flashback...

Pagkatapos kong malaman ang lahat ng iyon kay Xyler nagpalipas muna ko ng oras dito sa may rooftop ng hospital. I'm overfilled right now and i need some air to breathe. Nakarinig ako ng mga yabag na papunta sa kinatatayuan ko kaya agad kong nilingon kung sino ito. Nakita kong papalapit sakin si Ashley. Agad kong nilapitan ito hindi pa man ako nakakapagsalita ay niyakap na ako nito ng sobrang higpit.

"Sorry... Akala ko pati ikaw nasaktan na rin. Sobra akong nagalala." humahagulhol nitong sabi habang yakap-yakap parin ako nito ng sobrang higpit. Bahagya kong hinagod ang likuran nito.

"Don't say sorry because it's not your fault Sweetheart." mahinahon kong sabi dito habang patuloy na pinapakalma ito at yakap ito ng sobrang higpit. Kinalas nito ang pagkakayakap ko sakaniya at umiiyak na hinarap ako.

"Look at you, y-you have this bruises in your arms and your fo---." umiiyak nitong sabi habang hinahawakan ang mga galos at sugat kong hindi ko pa pala nagamot. Agad pinahid ang mga luhang bumabagsak sa mga pisngi nito sa pamamagitan ng mga kamay ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at pinaglandas ang noo naming dalawa.

"Sshhh... Wala kang kasalanan, kaya naman wag mo sisihin ang sarili mo sa mga nangyari. Mabuti na lang at wala ko doon baka kung ano na rin ang masamang nangyari sayo. Hindi ko kakayanin na may masamang mangyari sayo." sabi ko dito at yumakap ito sakin ng sobrang higpit. Niyakap ko naman ito pabalik.

Nang tumahan na ito sa pagiyak naupo kami dito sa may rooftop. Binanggit ko dito na may importante akong sasabihin kaya naman nanatili muna kami dito ng ilang pang saglit.

"Yung nangyari sa Resort.." bitin ko sa sasabihin ko at tinignan ko ito ng diretso sa mga mata. Habang ito naman ay naghihintay sa sasabihin ko. Wala na ang galit sa mga mata nito kaya nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"All of those sh*t is Froilan's planned to make us separate. The girl who kissed me on the front of the Dessert Resto and the tim---. " bigla nitong pinutol ang pagpapaliwanag ko ng takpan nito ang bibig ko.

"Bakit ka ba kinakabahan? Alam ko na ang lahat. No need to explain, after what happened with us in that day. I cried out loud the pain in my heart and then the days past that im not with you I finally realized that you will never do that kind of thing on me. Na sobrang maling pinaniwalaan ko ang nakita ko dahil ang Nathan na nakilala ko ay yung taong hindi ako sasaktan. Yung boyfriend kong mahal na mahal ako at never gagawin ang bagay na iyon." nakangiting sabi nito sakin. Automatiko na lang gumuhit ang mga ngiting ito sa mga labi ko.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon