Nathan P.O.V's
Nandito ako ngayon sa kotse ni Matthew napansin ko namang wala si Pareng Matthew at si Tyron kasi ang nagdadrive. Naalala ko namang napaaway nga pala kami kanina shit bawal ako umuwi sa bahay na ganito itsura ko kundi sesermonan na naman ako ni Mom. Kaya sinabi ko na lang kanina kay Tyron na idiretso sa bahay nila Wifey ko. Magkagalit pa nga kami eh dapat makikipagbati na ko sakanya kaso naasar ako don sa lalaking nagabot sakanya ng flowers at teddy bear nung nasa classroom kami.
Natatawa na lang rin ako sa tuwing naalala ko yung eksena namin sa school kanina.Flashback...
Patabog akong lumabas ng classroom dahil naasar ako don sa lalaking nagbigay sakanya ng flowers at teddy bear. Tsk hindi niya ba alam na may boyfriend na yung babaeng gusto niya at soon to be papakasalan ko pa! yung mokong na yon pagnakasalubong ko yon sa corridor ewan ko lang kung ano yung magawa ko sakanya. Napansin ko naman parang may sumusunod sakin siguro si Wifey to panigurado susuyuin ako nito hehe.
"Hubby ko?! Hintayin mo naman ako!" sabi niya habang tumatakbo papunta sakin mabilis kasi akong maglakad kaya hindi niya ko maabutan. Lumingon ako sakanya ng konti mukhang naasar na siya. Huminto ako para maabutan niya ko at nagkunwari akong hindi ko siya kilala at nababadtrip sakanya haha.
"Bakit mo ko tinatawag na hubby? Sino ka miss?" tanong ko sakanya at naningkit naman ang mata niya dahil sa sinabi ko haha ang cute talaga ng girlfriend ko. Napansin kong hawak niya pa pala yung binigay sakanya nung panget na lalaki. Naglalakad na ko palayo ng bigla niyang isigaw ang buong pangalan ko.
"Hoy Nathan Cosico! Hindi mo ko kilala huh?!" irita niyang sabi sakin. Agad ko naman siyang nilapitan kinuha ko yung hawak niyang flowers at teddy bear itinapon ko yon sa malapit na basurahan.
"Sorry miss ah ang alam ko lang kasi ang mom ko lang ang tumatawag sakin sa buong pangalan ko at yung babaeng mahal ko.." sabi ko sakanya at ngumiti bago maglakad palayo pinisil ko ang pisngi niya.
"Teka... Sino yon?!" tanong niya sakin habang nakapamewang.
"Si Ashley Dela Cruz walang iba" seryoso kong sabi sakanya at kinindatan ko siya tumalikod na ko para maglakad sana palayo nang yakapin niya ko ng mahigpit mula sa likuran ko.
"Bati na kasi tayo hubby ko please.." sabi niya habang nakayakap parin sakin. Hindi ako puwedeng bumigay shit ang sweet kasi nitong girlfriend ko eh.
"Baka nagkakamali ka lang miss sorry ah..." sabi ko sakanya. Buti na lang hindi ako bumigay haha. Naglalakad na ko palayo ng sinabi niyang...
"Sige bahala ka tatawagan ko yung lalaking yon!" banta niya sakin kumunot bigla ang noo ko dahil narinig. Aba ano ipagpapalit pa ko?! agad naman akong naglakad pabalik sakanya.
"Subukan mo lang naman eh makakapatay ako ng wala sa oras" seryoso kong sabi sakanya natulala naman siya dahil don. Tinakot niya pa ko na tatawagan niya yung panget na yon tsk mas hamak na mas gwapo at sweet ako kesa don sa mokong na yon. Naglakad na ko ulit palayo.
"Sorry na hubby binibiro lang naman kita eh hehe! Sige na kausapin mo na ko" sabi niya habang nagmamadaling pumunta sakin. Natakot kaya ako sa sinabi nyang yon tsk hindi ko nga kayang mawala sya sakin eh tsaka papakasalan ko pa siya.
End of flashback...
Napapangiti na lang ako ng wala sa oras pagnaalala ko yung mga manunuyo niya sakin kanina haha. Ang cute niya pa lalo pagtinatawag niya kong hubby sa totoo lang miss na miss ko na yung mga kulitan namin at yung pagtawag ko sakanya ng wifey ko ewan ko ba kung pano ko natiis na hindi siya kausapin at pansinin ng ilang araw. Basta makikipagbati na nga ko sa sweetheart myhoneyloves ko.
Hindi ko na lang namalayang nandito na pala kami sa harapan ng bahay nila Wifey. Kaya pagkababa ni Tyron ng kotse agad ko nang ginising sila Xyler at Zach. Buti naman okay na tong mga loko-loko kong kaybigan lalo na tong si Xyler itong gagung to yung may kagagawan kung bat kami napaaway eh. Palabas na kami nung bar nang mabunggo niya si Brax tas yon nagkainitan at nagsimula na yung gulo. Nakababa na kami ng kotse at nagdoor bell na si Tyron agad namang lumabas si Wifey ko na gulat na gulat ng makita niya yung mga itsura namin nakacap ako kaya mukhang hindi niya ko na mukhaan. Bago kami makapasok nakita kong huminto yung kotse ni Jethro panigurado nabugbog din yung dalawang yon. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob pinaupo kami ni Wifey sa sofa."Nasan si Hubby ko?! Kasama niyo ba siya?!" nagaalala niyang tanong kayla Xyler. Nagtinginan naman sila Matthew at Jethro nakakarating lang pati sila Tyron, Zach at Xyler. Agad namang lumapit sakin si Wifey ko at tinanggal niya ang cap na suot ko nagpout ako sakanya nakita ko ang ekspresyon niyang malungkot at nagagalit nang makita niya ang mukha ko. Naku pag siya ang nagtampo o nagalit grabe pa naman good luck sakin huhu.
"Hoy Mr.Nathan Cosico bat ganyan yung mukha at katawan mo puro pasa at sugat huh?!" nagaalala pero galit nyang tanong sakin.
"Ahh ehh kas---i wifey ko nagkaasaran kami nila Xyler di ba Xyler?" sabi ko sabay tumingin kay Xyler. Omuo ka xyler kundi lagot ako nito shit.
"Hindi kaya napaaway kasi kami nila Nathan kanina" sabi ni Xyler at ngumiti pa sya sakin ng nakakaasar. Patay ka sakin bukas tsk.
"Sorry na wifey ko... Tsaka wala lang naman to eh" sabi ko sabay nagpiece sign sakanya. Lumapit sya sakin akala ko babatukan niya ko dahil galit sya pero hindi niyakap niya ko ng mahigpit na mahigpit.
"Nagaalala kaya ako..." malungkot niyang sabi parang umiiyak siya iba kasi yung tono ng boses niya. Iniharap ko siya sakin at umiiyak nga siya.
"Pano kung may nangyaring masama sayo huh?!" sabi niya habang umiiyak parin. Pinunasan ko ang mga luhang bumaba sa mga pisngi niya sobra talaga syang nagalala sakin.
"Wala naman nangyaring masama wifey ko eh kaya wag ka nang umiyak" nakangiti kong sabi sakanya pinunasan kong muli ang luha niya sabay nagpout siya sakin.
"Kita mo to wifey ko? Mawawala rin to tsaka gwapo parin naman ako ah.." sabi ko habang tinuturo ang pasa ko sa pisngi at nagpogi sign ako sakanya sabay kindat.
"Bwuset ka! Halika nga dito gagamutin pa natin yang mga sugat mo..." sabi niya sabay sinuntok niya ko sa braso ng mahina. Ang sweet talaga ng girlfriend ko.
"Ang cheesy niyo!" reklamo ni Xyler na iinggit ka lang eh haha.
"Bigla tuloy akong nainggit maggi-girlfriend na nga rin ako" sabi naman ni Tyron habang nakapout isa pa tong lokong to eh.
"Tsk inggit naman kayo palibasa walang girlfriend eh" nakangisi na sabi ni Matthew kala mo naman tong isa may girlfriend wala naman na iinggit ka lang rin naman eh haha.
"Bakit may girlfriend ka?!" sabay-sabay na sabi nila Jethro, Xyler, Tyron at Zach habang nakatingin sakanya ng masama.
"Wala!.." nakangiti niyang sabi sabay napakamot na lang haha.
"Yon naman pala eh haha!" natatawa kong sabi sakanya. Pagdating ni Wifey agad niyang inabutan sila Jethro ng panyo na may yelo. Sabay lumapit siya sakin at dinampian niya ng yelo ang mga pasa ko.
"Sorry wifey ko bati na tayo?" nakangiti kong tanong sakanya. Nagnod lang sya sakin.
"Wag ka nang makikipagaway ulit huh?" nakapout niyang tanong sakin.
"Promise!.." sabi ko sakanya sabay wink at kiniss ko ang forehead niya. I'm lucky to have a girlfriend like her.
To be continued...
A/N: Sorry kung ngayon lang update ni Author sana nagustuhan niyo hehe. May namuong pagkakaybigan kayla Matthew at Jethro😍 tas ang magsweetheart wala ng tampuhan ayieee😄💕. Abang abang lang sa next update sa Wensday chapter 32 to 33 muawhhh lab y'all💖. Salamat sa walang sawang pagsuporta niyo guys!!!😍😘💕
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...