Chapter 32: Fireworks

675 26 0
                                    

Melody P.O.V's

Pinark ko muna yung bike ko at naglakad na ko papunta sa kabilang building para maglakad-lakad habang nakaheadphone hindi ko masyadong nilakasan yung music dahil gusto ko rin damhin ang hangin tsaka baka mamaya may tumawag sakin hindi ko marinig. Maaga pa naman kaya masarap maglakad-lakad habang nakikinig ng nakakarelax na song.

"Sige na Tyron pansinin mo na ko... hindi kita papadaanin hanggang hindi mo ko pinapansin!"

Nang marinig ko yung boses nung babae agad akong nagtago sa gilid. Para tignan kung sino yun nakita ko yung babaeng kinukulit si Tyron na nakapout. Patuloy niya parin tong kinukulit kahit sinusungitan lang siya nito at hindi pinapansin. Ang lakas ng loob nung girl na kulitin si Tyron wala nga masyadong na ngungulit kay Tyron kasi nakakatakot siya lagi ba naman masungit at parang galit kaya kahit gwapo siya yung ibang girls hindi na nagtangkang lumapit sakanya pero iba tong si Ate hehe.

"Ang tagal na kitang gusto pero bakit hindi mo parin ako pinapansin?!" angal niya kay Tyron kaso hindi lang siya kinibo nito at naglakad na to palayo habang yung babae naman tumakbo papunta sakanya tumingkayad ito sabay binatukan niya si Tyron haha magkaheight lang kami nung babae eh matangkad rin si Tyron katulad nila Virus at Topak pagtapos ay kumaripas siya ng takbo. Nagulat naman si Tyron dahil don kaya hinabol niya rin yung babae. Ang cute nila haha bagay nga sila nung babae eh kahit na may pagkachildish yung babae halata kasi pero ang sweet talaga nila panoorin. Pero kaylangan ko nang umalis baka malate pa ko tsaka makita pa ko ni Tyron dito baka magalit pa yon hehe. Umalis na ko don at papunta na ko sa room ng saktong paglingon ko may nakita akong sweet na sweet na dalawang nilalang na nasa harapan ko habang naglalakad din papunta sa classroom namin. Ayieee bati na sila Beshue at Nathan kaya eto nilalanggam na naman ako dito dahil sa kasweetan nila kakilig haha. Nilapitan ko sila at kinalabit para kasing di nila ko napapansin na nasa likuran na nila ko dahil sa sobrang sweet nila eh hehe.

"Oyy beshue ah, hindi mo sinabi sakin na bati na pala kayo ah" kinikilig kong sabi sakanya at natawa naman ng bahagya si Beshue siguro dahil sa reaksyon ko haha. Pagtingin ko kay Nathan napansin kong puro siya pasa tas may ilang sugat na may band aid na.

"Kagabi lang kasi kami nagkabati Beshue hehe" nahihiya niyang sabi hindi niya kasi pinapakita kay Nathan kung pano siya kiligin siguro dahil aasarin siya nito.

"Ahh ganon ba ayieeee" sabi ko sabay hinapas ko ng konti yung braso niya at natawa na lang rin siya. Nakakatuwa naman kasing makita na okay na sila yung back to the normal na sila tas sweet na sila ulit.

"By the way anong nangyari sayo Nathan?" tanong ko nacurious kasi ako mukha kasi siyang na paaway kung saan man.

"Ah kasi napaaway kami kagabi buti nga dumating si Matthew tsaka tumulong din si Jethro..." sabi niya at dumiretso na sila ni Beshue ng room. Ibigsabihin baka na bugbog din si Topak at Virus baka mamaya kung ano ng nangyari sakanya. Kaya agad akong nagmadaling tumakbo papuntang room. Napahinto na lang ako kailan nasa harap na ko ng room naisip ko kasi na bakit ba ko nagaalala sa nilalang na yon? eh mukhang kaya niya naman yung sarili niya eh, tama yun pa siya si Matthew Acosta sigurado kong kayang-kaya niya yon. Kaya pumasok na lang ako ng room na at naupo sa upuan ko kunyari di ko alam yung nangyari sakanila. Paglingon ko kay Jethro wala naman siyang gaanong pasa at nilingon ko naman sila Virus. Nakita ko si Xyler may band aid sa pisngi may mga pasa rin sila Zach at Tyron naman may mga konting pasa at sugat din. Tinignan ko si Matthew sobrang dami niyang pasa at sugat na nagamot na tas meron syang mahabang bandage sa braso niya kahit na natakpan yon ng konti nung uniform niya kita ko parin yon. Mukhang hindi naman nila ko napansin kaya kunyari nagsulat na lang ako sa notebook ko pero hindi ko maiwasang isipin sila lalo na si Virus nakakainis naman kasi eh! Ano bang problema niya at nagpabugbog siya ng ganon?! tsk. Tatanungin ko na lang sila Zach kasi baka mamaya kung ano pa isipin nila pagsi Virus yung tinanong ko.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon