Chapter 56: Unrequited Love

273 11 0
                                    

Melody P.O.V's

Hindi ko alam kung saan niya ba ako balak dalhin. Wala kong magawa nihindi ko man lang matanggal ang pagkakahawak niya sakin. Kanina ko pa pinipilit agawin ang pulsuhan ko sa pagkakahawak niya pero wala akong sapat na lakas para maalis iyon. Bigla na lang siyang huminto sa paglakad at marahas na binitawan ang pulsuhan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi pagtapos niyang bitawan iyon. Halos bumakat na ang kamay niya sa pulsuhan ko. Tinignan ko siya ng masama. Kitang-kita ko sakaniya ang pagkadisgusto at inihilamos pa nito ang dalawa niyang kamay sa kaniyang mukha. Halatang nagtitimpi lang siya. Ako din naman nagtitimpi na sa lahat ng mga pakulo niya.

"Why do you let him kissed you huh?!." galit nitong tanong sakin tsaka marahas akong isinandal nito sa malaking bato na malapit samin. Hawak niya ng mahigpit ang magkabilang braso ko.

"Bakit ka ba nagagalit ha?!" balik tanong ko sakaniya at hindi na ako nakapagtimpi pa. Naiinis na ko sa lahat ng mga kinikilos niya hindi naman dapat ganon ang kilos ng lalaking may fiancée na.

"Because you're mine! All mine!." sigaw nito sakin at mas dumoble lalo ang pagkakahawak nito sakin. Sobrang lapit ng mukha niya sakin kitang-kita ko ang matatalim niyang mga mata na nakapukol sakin. Pero hindi ako nagpatinag tinignan ko rin siya ng masama.

"Hindi mo ako pagaari at hinding-hindi ako magiging iyo." madiin kong sabi habang nakatingin sakaniya. Dahil alam kong nasa iba na siya at hindi na magiging akin pa.

Bigla na lang nawala ang emosiyon sa mga mata nito at hinalikan ako ng marahan na ikinagulat ko. Itulak ko siya agad papalayo ayoko nang unahan pa ako ng karupukan. Hahalikan niya pa kong muli nang pigilan ko siya. Nabalot bigla ng malungkot na emosiyon ang mga mata nito habang nakatitig sakin. Ipinaglandas nito ang mga noo namin dalawa at binanggit ang mga katagang nagpapagulo sa isip ko.

"Sakin ka lang Melody. Hindi ka puwede sa iba dahil para sakin ka lang nakalaan." sabi nito habang nakalandas parin ang mga noo naming dalawa. Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko inilayo ko din ang sarili ko sakaniya. Nagsimula na kong maglakad palayo sakaniya. Ayoko ng bigyan ang sarili ko ng ikakasakit ng sarili kong puso. Bago pa man ako makalayo may mga bisig na lumukob sakin para mapahinto ko sa pagalis.

"Please.. Stay with me." pakiusap sakin ni Virus habang yakap-yakap ako mula sa likuran.

"Tama na please. Ayoko na." pagmamakaawa ko sakaniya habang pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak kanina pa.

"May fiancée ka Prince. Ikakasal na kayo. Puwede bang tigilan mo na ang lahat ng ito please lang." sabi ko habang hindi ko na napigilan pa ang mga luhang naguunahang bumagsak sa mga pisngi ko.

"Tigilan ang alin?." confused na tanong nito sakin. Ibigsabihin hindi niya na iintindihan mismo kahit ang mga bagay na ginagawa niya para sakin. Pinilit kong alisin ang pagkakayakap niya sakin gaano pa man ito kahigpit. Humarap ako sakaniya at sinabi ang lahat ng gusto kong sabihin.

"Tigilan mo na ang lahat ng ito. Ang pagmamalasakit mo sakin, ang pagyakap mo sakin, ang pagiging maalaga mo sakin. Ang lahat ng bagay na hindi mo naman dapat na ginagawa para sakin, tigilan muna please lang!." sabi ko habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko na kayang itago pa ang lahat lahat sa loob ko.

"Dahil sobrang sakit na!." sabi ko habang tinuturo-turo ang parte kung nasaan ang puso ko. Mabilis akong naglakad palayo ayoko ng pakinggan pa ang mga sasabihin niya. Ayoko ng mahulog pa lalo sakaniya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa dalhin na lang ako ng mga sarili kong paa sa bar nitong resort. Umorder ako ng maiinom. Ibinuhos ko lahat ng nararamdaman ko habang umiinom.

"Hindi niya alam kung gaano kahirap sakin na makitang masaya siya sa iba. Na ibang tao ang gusto niya at mismong bagong kaibigan ko pa ang taong iyon. Sa tuwing may sinasabi siya o may ginagawa na mga bagay para sakin, sa tuwing inililigtas niya ko sa mga taong gustong manakit sakin. Sobrang saya ko. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pero hindi ko akalain na sobrang mali pala na hinayaan kong mahulog ang loob ko sakaniya. Sana sa iba na lang ako nagkagusto baka hindi pa ganito ang inabot ko. Hahaha baka nga, pero hindi. Ayoko sa iba siya lang ang lalaking gugustuhin ko hanggang huli." hindi ko alam kung sino ba ang kausap ko habang lasing na lasing ako. Basta ang alam ko kailangan ko lang ngayon ng taong masasabihan ng mga nararamdaman ko ngayong mga oras na ito. Unti-unti na kong nakaramdam ng pagkahilo at antok. Nagdilim na lang ang buong paligid.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon