Melody P.O.V's
Nang malaman kong tatlong araw akong walang malay at magaapat na araw na ko dito sa hospital. Kinulit ko sila kaagad pagtapos akong icheck ng doctor kung ano ba ang nangyari sakin bago ko mapunta dito sa hospital.
"Mama?! Ano po ba kasing nangyari sakin? Sabihin niyo na po nakalabas na kaya yung doctor" pamimilit ko kay Mama nakatingin naman samin sila Beshue, Topak at Virus na walang imik.
"Oo na sige na nga..." napipilitang sabi sakin ni Mama. Yon sasabihin din naman pala ni Mama eh. Ewan ko ba kung bakit hindi ko matandaan yung nangyari.
"Ah Tita? Beshue? Bibili muna kami sa labas ah.." paalam samin ni Beshue tsaka hinatak niya palabas si Jethro at Prince. Nagnod lang ako sakanila at ngumiti.
"Okay sige bumalik rin kayo kaagad ahh" nakangiting sabi sakanila ni Mama. Tinignan ko ulit si Mama at umalis naman siya sa pagkakaupo sa upuan malapit sa kama. Lumapit siya sa mesa sabay tumingin siya sakin ng nakangiti. Nakita kong tinignan niya ang tatlong basket ng prutas na may mga kasamang cards na nakadikit doon pati ang tatlong bouquet ng yellow roses. Kanino kaya galing yon? hindi kaya kay--.
"Anak simula nung unang araw mo dito sa hospital may misteryosong lalaki na nahuhuli kong dumadalaw sayo na laging may dalang basket ng prutas, isang bouquet ng bulaklak at paper bag na may lamang pagkain" sabi sakin ni Mama. Hindi kaya tama ako ng hinala na si Mr.S yon. Ang tagal niya na rin kasing hindi nagpaparamdam sakin.
"Talaga po Mama? Nakita niyo po ba yung mukha niya? Sino daw po siya?" sunod-sunod kong tanong kay Mama. Nagtataka lang rin tumingin sakin si Mama.
"Hindi ko rin alam anak pero alam kong mabuti siyang bata, ayaw naman kasi niyang ipakita ang mukha niya sakin pero may nabasa kong nakalagay sa card kung kanino galing yon..." seryosong sabi sakin ni Mama. Siya ba talaga ang nagpapadala nung basket ng prutas pati nung mga bulaklak at pagkain o akala ko lang na siya yon?.
"Ano pong nakalagay sa card?" tanong ko kay Mama na medyo kinakabahan pa. Imbis na sabihin sakin ni Mama kung sino yon mas pinili niyang iabot sakin ang tatlong cards na nakadikit sa basket ng prutas. Agad ko naman tong binasa at tama nga ko naghinala na siya nga yon.
To: Melody
Sorry hindi man lang kita natulungan nung araw na yon. Nihindi ko nga magawang magpakita man lang sayo sa tuwing gising ka. Sorry, sorry talaga. Magpagaling ka please at sana sa pagpunta ko ulit dito gising ka na para makita muna yung mukha ko.
From: Mr.S
To: Melody
Pangalawang araw ko nang palihim na binibisita ka dito sa hospital. Alam kong nagtataka kung bakit ilang linggo akong hindi nagparamdam sayo dahil may isang bagay akong pinagisipan. Inisip ko nang maburi kung itutuloy ko pa ba ang plano kong magpakilala at magpakita sayo ng tuluyan. Napagdesisyonan ko na naituloy yon. Alam kong sawang-sawa ka na magbasa na lang ng mga sinulat ko sa sticky note o sa kung ano man kaya itutuloy ko yon. Kaya please magpagaling ka na...
From: Mr.S
To: Melody
Pangatlong araw ko na to. Alam mo namiss kita ng sobra. Bat ganon hindi ka parin gumigising? Please naman magpagaling ka na...
From: Mr.S
Ang tiyaga rin ni Mr.S hindi ko akalain na hanggang ngayon magpaparamdam parin siya. Buti naman na pagdesisyonan niya na ang tungkol don. Nakatingin lang sakin si Mama na parang malungkot siya na masaya. Si Mama kasi yung tipo ng tao na kahit minsan nahihirapan na siya mas pinipili niya yon sarilinin. Kaya nagaalala talaga ko sakanya sa tuwing hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya dahil baka naglilihim na naman siya sakin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...