Chapter 8: I'm here for you!

1K 44 0
                                    

Melody P.O.V's

Nandito kami ngayon sa classroom. Syempre eto nagdi-discuss si Ma'am about sa new lesson namin. Ang tagal matapos ng time namin sa subject na to. Yung kasunod pa naman na subject favorite ko.

"Beshue? Okay ka lang ba?" tanong ko kay Ashley.

"Beshue hindi ko na kaya tong pageenglish ni Ma'am nakakaloka" nage-emote niyang sabi.

"Hindi naman ah? Naiintindihan ko naman yung lesson?" sabi ko.

"Ikaw kasi matalino ka eh ako hindi huhu" sabi nya.

"Hindi naman ako matalino marunong lang" sabi ko.

"Pero kaiyak to si Ma'am nakaka-nosebleed" sabi nya.

"Wag kang mag-alala Beshue next na yung favorite natin subject RECESS! wohhh!" ngiti kong sabi.

"Oo nga noh Beshue makakasurvive din ako! Sa ngalan ng RECESS!" masigla niyang sabi.

Tapos na ang klase namin at pumunta na kami ngayon ni Beshue sa canteen. Napansin ko naman na kanina pa pala wala si Jethro. Asan na kaya yung si Topak?.

"Sino ba hinahanap mo Beshue? Kanina ka pa kase palinga-linga djan eh" sabi niya.

"Si Topak?" sabi ko.

"Ah si Bro Jethro nasa training yon ngayon ng tennis tsaka alam mo Beshue bukod sa basketball player rin siya dito sa school. Magaling din siya sa Tennis at Kumanta! San ka pa!" mangha niyang sabi.

Dami naman sinabi nitong bespren ko pero infernes gwapo rin kaya si Jethro.

"Wow! Ang galing naman niya" mangha ko rin sabi.

"Tsaka bukod sa gwapo, mabait at gentelman. Marami ring mga babaeng nagkakandarapa sakanya ang dami ngang nagbibigay sakanya ng love letters at kung ano-ano" sabi niya.

"Oo nga eh napansin ko rin yan sakanya" sabi ko.

"Pero ewan ko ba sakanya kung bakit kahit isang babae dito sa school wala siyang pinatulan" inis nyang sabi.

"Baka dahil don sa First Love nya Beshue" sabi ko.

"Hala wala pa sakin siyang nababanggit about sa First Love nya! Ang daya" malungkot nyang sabi.

*Tingk *tingk *tingk

"Wait lang beshue may nagtext sakin" sabi niya at agad niya naman binasa ang text message.

"Oh ano raw sabi?" tanong ko.

"Pinapapunta kami ni Couch para magpractice ng cheerdance namin kasi next week na raw ang laban" sabi niya.

"Sige beshue okay lang, kahit ako lang magisang magre-recess" nakangiti kong sabi.

"Sige thank you Beshue ah babawi na lang ako sayo next time babye" paalam niya sakin sabay umalis na siya.

Pumasok na ko dito sa canteen at agad naman akong bumili ng spagetti, sandwich, juice at chips. Oyy kahit matakaw ako hindi naman ako nataba. Kaya go lang ng go hahaha! Paglingon ko napansin ko na pumasok ang grupo ni Virus dito sa canteen saya ko na sana eh kaso nay nakita akong nilalang na ayaw ko naman makita ang malas ko naman. Naghahanap ako ng bakanteng table na puwede ko maupuan at yon may nakita ako sa bandang likuran medyo malayo sa pwesto nila Virus. Kaso kaylangan ko munang dumaan sa pwesto nila Virus dahil wala naman ibang daanan eh punyeta!. Napansin ko na nakatingin siya sakin kunyari ay hindi ko siya nakita. Naglalakad ako ngayon na para bang hindi ko siya este sila napansin ng biglang...

*Boooggggsshhh!!

Naramdaman kong may paang sadyang tinalisod ako para ng dahilan madapa ako at matapon rin sa uniform ko ang pagkain ko. Nagtawanan naman lahat ng tao sa canteen. Bukod don pinagbubulungan nila ako t*ngna niyo bulong ba yan?! Bat rinig ko tsk.

"Grabe ang tanga ni ate hahaha!"

"Maglalakad na lang nadapa pa!"

"LT ang p*ta! Whahaha"

"Tangna naman maglakad haha!"

"Tinalisod siya ni Baby Prince ko hahaha!"

Agad na lang ako tumayo at hindi ko na lang sila pinansin pa. Pumunta na lang ako don sa dulo at tumungo sa mesa. Halos isang oras na kong nakaupo dito habang umiiyak ng nakatungo. Basta wala kong pakielam kung late na ko sa next subject ko huhu!. Naramdaman ko na may nagbaba ng pagkain sa harapan ko pero hindi ko agad pinansin ito dahil akala ko uupo lang siya sa harapan ko.

Agad kong inangat ang ulo ko at tinanggal ang salamin ko para punasan ito at isinuot ko to ulet. Nakita ko na ang lalaking yon ah! Teka kuya! Saglit lang! Kaso hindi siya lumingon at nagmadali siya paalis. Tinignan ko naman kung ano tong iniwan niya sa mesa. Isang sandwich at juice napansin ko na may note na nakalagay sa panyong iniwan niya...

I'm here for you!

-Mr.S

Naalala ko tong panyo na to! Ganitong-ganito ang itsura ng panyo ng lalaking nagabot sakin. Nang umiyak ako don sa hagdan. Ikaw nga... Ikaw nga yung lalaking yon. Muli akong napaisip kung sino ka ba talaga? Sino ka nga ba? yon na naman ang katanungan na iwan sa aking isipan.

Papunta ako ngayon sa cr para linisin tong uniform ko. Ang problema ko wala kong extra na uniform hayst. Nagulat ako ng makasalubong ko si Jethro.

"Boss? Ano nangyari sayo?" nagaalala niyang tanong sakin.

"Ah eh wala to natapunan lang ako ng pagkain" sabi ko sabay ngumiti sakanya ng mapait.

"Halika" sabi niya sabay hatak niya sakin papunta sa locker niya pagtapos ay inabot niya sakin ang P.E uniform niya.

"Yan muna suotin mo" sabi niya at agad naman niya kong sinamahan papunta sa cr.

Nagbihis ako kaagad buti hindi masyadong maluwag sakin tong P.E uniform niya pagtapos ay lumabas na ko sa cr.

"Thank you talaga sayo Topak ah" nahihiya kong sabi.

"Wala yun! Basta ikaw" nakangiti niyang sabi.

"Halika na punta na tayo sa room" yaya ko sakanya.

At agad na kaming pumunta sa room buti na lang nandjan palagi si Jethro. Naisip ko na naman ang misteryosong lalaki na yon hayst... Sino nga ba siya? Ito ang isang malaking katanungan sakin ngayon.

To be continued...

===================>

I'll try my best to do more exciting every single chapter of this story😍😘

Lab yaahhh all😊😘

Thank you for reading😘💕

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon