Jethro P.O.V's
Nandito ako ngayon sa court it's 9:30pm in the evening hindi muna ko umuwi ng bahay mas gusto ko muna dito ngayon. Makapaglabas muna ng galit, dahil sa nakita ko kaganina. Buti nga ay hindi pa sumusuko tong bola kanina ko pa to hinahagis kung saan-saan at pilit kong dinadaan sa laro ang pag-lalabas ko ng galit ko.
Flashback...
Hindi ko na pigilan pa nung biglang hatakin nung tarantado na yon ang first love ko. Kanina ko pa sila hinahanap pero wala. Sakto naman nakita ko si Gabriella na kaklase rin namin.
"Gabriella? Nakita mo ba si Melody?" tanong ko sakanya.
"Ayt parang oo don banda lumiko" sabi niya.
"Sige salamat ah..." sabi ko sakanya at agad akong pumasok dito sa room kung saan parang may party na nagaganap. Sa pagkakaalam ko ang party o sayawan ay magaganap bago matapos ang 2 weeks celebration ng school. Bat parang napaaga ata?.
Habang naglalakad ako papunta don sa bakanteng upuan bigla kong nakita si Melody na nakatalikod pupuntahan ko na sana siya ng makita kong kasama niya parin ang ungas kong karibal. Hindi ko maipaliwanag pero ramdam na ramdam ko yung sakit yung tipong sagad hanggang bone marrow. Lalo na't nakikita kong parang masaya siya sa piling ng lalaking yon.
Mas pinili ko na lang na umalis sa lugar na yon, ayokong isipin niya na isa kong malaking epal sa buhay niya pero ngayon lang yan sa susunod ay hindi ko na hahayaan na mangyari yon ulit.
End of flashback...
Nakaramdam din ako nang pagod at nang tipong nabawasan na yung sakit na nararamdaman ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa malamig na sahig. Kung alam niya lang...na kung gaano ko siya kamahal na yung tipong para kong gago na pinagmamasdan sila kahit na sobrang sakit tiniis ko kasi mahal kita Melody Magbanua pero hindi pa huli ang lahat dahil ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sayo.
Melody P.O.V's
Nandito ako ngayon sa hallway ng school at naglalakad mag-isa habang nakaheadphone. Wala ngayon si Beshue dahil nasa competition siya ng cheerdance nila kasama niya rin si Nathan sweetheart niya. Ako lang tuloy mag-isa dito hinahanap ko naman si Topak mukhang wala pa siya.
Makapunta muna nga sa locker ko wala pa naman akong kasama kaya kukunin ko yung pocket book ko para may pagkaabalahan naman ako. Pagbukas ko ng locker ko agad kong kinuha ang pocket book, napansin ko naman may isang maliit na paper bag agad ko tong kinuha at tinignan ko ang laman nito. Nakita ko naman ang cute na stuff toy na SpongeBob at ang dalawang letter.
"I Like you...
Even if you don't know me,
Even everytime you hurt me so much,
I still love you no matter what happens..."-Mr.S
"Sobrang sakit na makita kong may kasama kang iba, na sa tingin ko ay dapat ako na lang sana siya:( "
-Mr.S
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa pwesto kung nasan ang puso ko. Ewan ko kung bumabalik ba yung sakit ko sa puso? o dahil pakiramdam ko ay nakasakit ako ng kapwa ko?.
"Boss okay ka lang ba ha?" nag-aalalang tanong ng kakarating lang na si Jethro.
"Oo okay lang ako" tipid kong sabi at pinilit kong ngumiti para hindi na siya mag-alala pa. Sana naman ay hindi na bumalik yung sakit ko.
"Sino nagbigay nyan sayo boss?" tanong niya sabay turo niya sa stuff toy at don sa letter na nakita niya sa locker ko.
"Bigay yan ni Mr.S" tipid kong sabi buti naman ay nawala na ang pananakit sa puso ko.
"Sino ba yung Mr.S na yon? Nagseselos na ko ah" inis niyang sabi sabay pout.
Haha parang abnormal tong si Jethro, ang cute niya para siyang batang hindi na bigyan ng piso hahaha."Hindi ko rin alam hehe" sabi ko habang siya nakapout parin.
"Wala tsk selos ako don" sabi niya na parang batang nagmamaktol.
"Haha itigil mo nga yan para kang baliw djan" natatawa kong sabi sakanya.
"Whaha sige na nga, by the way samahan mo ko magpractice ng kakantahin ko para sa audition ng singing club boss?" sabi niya.
"Sige ba basta ikaw" nakangiti kong sabi sakanya at pumunta kami kung san kami laging natambay dito sa likod ng court. May mga puno kasi dito tas may duyan at mga upuan na puwede tambayan.
Tsaka maganda dito at laging mahangin kaya dito na lang kami pumunta dahil tahimik at nakakarelax.
"Ano yung kakantahin mo?" tanong ko sakanya.
"Ahmm...Bakit ba ikaw" nakangiti niyang sabi sakin at inilabas niya na ang gitara na dala nya.
"Para kanino mo inidededicate yung song Topak?" tanong ko.
"Para sa first love ko boss" sabi niya at may malapad na ngiti sa labi niya.
"Ayieee humuhugot haha" asar ko sakanya.
"Oyy di ah, sige boss sisimulan ko nang kantahin" nakangiti niyang sabi at parang nagblush pa siya ng konti haha.
"Okay sige!" excited kong sabi at sinimulan niya ng mag-gitara.
(Bakit ba ikaw by Michael Pangilinan)
Mula ng aking masilayan..
Tinataglay mong kagandahan...
Di na maawat ang puso sayo ay magmahal...
Laman ka nang puso't isipan..
Hindi na Kita maiiwasan...
Pag-ibig ko sana ay pagbigya---aann...Habang kinakanta niya yung Bakit ba ikaw nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko na tila ba sakin niya sinasabi yung mga katagang yon.
Bakit ba ikaw na iisip ko at hindi na mawala-wala pa...
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba...
Ayaw nang paawat ng aking damdamin tunay na Mahal ka na a---aa-hhhh...
Sana'y hayaan mong ibigin Kita ahh...
Maghihintay parin at aasa..Ewan ko ba pero parang natatamaan ako don sa kinakanta ni Topak. Tas feel na feel niya pa yung pagkanta hayst. Napansin ko naman na huminto na si Topak sa pagkanta.
"Bakit huminto ka?" tanong ko sakanya.
"Next time ko na lang itutuloy dahil basta... hehe" walang emosyon niyang sabi.
"Oo naman, para sayo eh" nakangiti niya rin sabi.
"Pero infernes Topak ang ganda ng boses mo ah panigurado maiinlove yung mga babae sa singing club" panunukso ko sakanya ng konti.
"Whaha sana nga pati yung first love ko maiinlove din sakin" sabi niya sabay ngumiti ng pilit.
"Haha oo panigurado maiinlove yan sayo yung first love mo..." nakangiti kong sabi sakanya. Tumango lang siya ngumiti ng mapakla.
To be continued...
===================>
I'll try my best to do more exciting every single chapter of this story😍😘
Lab yaahhh all😊😘
Thank you for reading😘💕
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...