Melody P.O.V's
Tatlong araw ko ng hindi nakikita si Jethro sa school hanggang ngayon hindi parin siya nagpaparamdam saming lahat. Nagaalala na ako na baka kung ano na ang nangyari sakaniya. Alam kong nasaktan ko siya pero may mga bagay tayo na hindi natin puwede ipilit. Ayokong masaktan pa siya lalo o paasahin mas makakabuti na magkaibigan lang kami katulad ng dati. Ang sakit isipin na sa mga oras na sasaktan ko siya ng hindi ko alam mas nasasaktan ako bilang kaibigan niya. Naniniwala ako na may babaeng tunay na magmamahal sayo ng buo katulad ng pagmamahal mo sakin Topak. Naglalakad na ako ngayon palabas ng building namin ng may isang babaeng lumapit sakin.
"Pinapatawag ka ni Pres. Acosta sa may likod nitong building." sabi nito sakin ng pormal pero nakangiti. Para naman akong VIP ng dahil sa may paganito pa talaga. Nagtext na ako kay Mama para magpaalam baka mamaya ay magalala ito sakin.
Tumango lang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa likod nitong building. Malapit na akong lumiko papasok sa likod ng building ng may mga brasong kumapit sakin. Hindi ko man lang ito nagawang lingonin dahil may panyo itong itinakip sa ilong at bibig ko dahilan para unti-unti akong makaramdam ng antok. Unti-unti ng nagdilim ang paligid.
Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng malamig na tubig at may yelong bumuhos sa katawan ko. Nasa harapan ko ngayon ang isang lalaki na hindi pamilyar sakin kung sino. Nakatali ako ngayon sa isang upuan. Tanging may liwanag lang dito sa may kinauupuan ko kung saan ako mismo nakatali halos ang buong paligid ko ay sobrang dilim at wala na akong makita pang iba. Nihindi ko rin matukoy na saang lugar ako ngayon. Pero ang babaeng papalapit ngayon sa harapan ko ang pinaka-pamilyar sakin sa lahat.
"Veron..." tawag ko sa pangalan nito at masama ang tingin dito. Nakangiti lang itong tumingin sakin.
"Well, my dear. best. fake. friend." sabi nito at bawat salita ay may diin.
"Ganiyan ka ba talaga kapeke?." sarcastic kong tanong dito. Unti-unti pa itong lumapit sakin at hinakawan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay. Sobrang higpit kaya sobra ding sakit pero hindi ko pinakita sakaniyang nasasaktan ako.
"Yes, but I'm not like you! You're a slut! Inagawa mo siya sakin!." sigaw nito habang hawak-hawak parin ang magkabilang pisngi ko. Pinilit kong alisin ang kamay niya sa mga pisngi ko ng igalaw-galaw ko ang leeg at ulo ko.
"Wala akong inaagaw sayo Veron!." sigaw ko dito ng maalis ko ang pagkakahawak nito sa pisngi ko.
"Kaya bakit mo ba ginagawa sakin ito?!." tanong ko dito. Hindi ko siya maintindihan ganiyan ba talaga siya kadesperada para gawin ang ganitong klaseng bagay.
"You deserve this, you b*tch! Inagawa mo ang dapat na sakin and now i will get what's mine!." galit nitong sigaw sakin at ngumiti pa ito.
"Hindi ka matatagumpay sa lahat ng binabalak mo Veron." sabi ko dito na bakas ang galit ko sa aking mukha.
"Well, hindi ka naman na nila mahahanap pagsunog ka na." sabi nito na nagawa pangtumawa pagkatapos non. Nakaramdam ako muli ng takot ng dahil doon pero hindi ko iyon pinakita sakanila. Nagulat na lang ako ng lumapit sakin ang isa sa mga lalaking nakaitim pero walang takip ang mukha. Pumunta ito sa may likuran ko at may tinanggal na tila kung ano. Tinanggal pala nito ang pagkakatali ko sa upuan pero may tali parin pala ako sa paa at kamay. Hindi ko alan kung paano ako makakalabas dito basta ang alam ko lang ngayon sana may dumating dito na taong tutulong sakin para makaalis dito. Bigla na lang ako binitbit ng lalaking ito na para ba akong sako ng bigas. Nagpupumiglas naman ako at nagsisigaw.
"Tulonggg! Tulongan niyo ko! Tulonnggg!." sigaw ko habang nagpupumiglas. Pero mukhang walang nakakarinig sakin.
"Wag ka ng mag-aksaya pa ng lakas mo Miss walang makakarinig sayo dito." sabi nito na mukhang nasisiyahan pa sa mga nangyayari sakin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with that Bully (Completed)
Teen Fiction"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I hope that you will enjoy every single chapter of this story. Date Start: July 21, 2018 Date Posted:...