Chapter 37: Worried

579 26 2
                                    

Prince P.O.V's

Kanina ko pa sinusundan sila Melody tsaka si Jethro. Hindi niya kasi ako pinasama sa pupuntahan nila tsk. Kaya ito todo sunod ako sakanila tsaka gusto kong malaman yung mga mangyayari. Pumasok na sila sa flower shop nung Tita ni Jethro. Hindi naman ako puwedeng pumasok don sa loob kaya pasimpleng dadaan na lang ako para makita ko ng konti kung anong nangyayari. Pumunta muna ko dito sa kabilang tawiran kita ko naman dito ang flower shop tsaka baka mamaya bigla pang lumabas si Melody makita niya pa ko baka kung ano pang maiisip niya. Sakto naman may mini store dito ng waffle kanina pa ko nagugutom eh. Makabili nga ng tatlo kahit makalima pa kong waffle di naman maapektuhan ang abs ko. Agad naman akong na tapos sa pagkain ng waffle. Nakita ko naman siyang lumabas ng flower shop. San kaya siya pupunta? Bat di siya nagpasama kay Jethro tsk pasaway talaga tong babaeng to. Napansin ko namang nakangiti siya habang nakatingin sa cellphone niya. Nakakainlove talaga yung ngiti hayst. Bigla naman nawala yung ngiti niya sa labi niya habang naglalakad at napabuntong hininga na lang. May problema kaya siya ngayon ko lang siyang nakita na ganya eh. Sinundan ko lang siya ng sundan hanggang sa makarating ulit siya sa harap ng flower shop. Parang wala siya sa sariling naglalakad mula pa kaganina. I-text ko na lang kaya siya sakto may no. naman niya ko ayt fvck wala na pala kong load. Makapagpaload na nga ng 500 kaasar naman kung kelan may itetext ako tsaka wala kong load shit. Buti may malapit dito na puwedeng mapaloadan. Agad naman akong pumunta sa tindahan para magpaload natatanaw ko pa naman siya mula dito.

Pagtapos kong magpaload nagulat ako ng paglingon ko kung saan siya nakatayo parang naluluha na ang mga mata niya habang nakatingin sa direksyon yon. Kung nasan ang isang pamilya yung Tatay, Nanay at yung Batang Babae. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung lungkot at galit na nararamdaman niya ngayon. Hanggang sa umiyak na siya parang sinasaksak ako ng makita kong umiyak siya ng ganyan. Ewan ko kung bakit siya nagkakaganyan nung makita niya yung pamilyang yon. Gusto ko siyang puntahan sa kabilang kalsada kaso paalis na siya papunta siya sa direksyon kung saan ang tawiran habang nakahawak siya sa parte kung nasan ang puso niya. Fvck! may sakit ba siya?! para kasi siyang hihimatayin sa itsura niya. Kaya agad akong tumakbo para makapunta don sa tawiran medyo may kalayuan din mula rito pero tumakbo parin ako ng napakabilis. Baka mamaya kung ano pa ang mangyari sakanya fvck. Nakita ko siyang tumatawid na nakatingin lang siya sa direksyon gusto niyang puntahan habang iyak siya ng iyak. Kaya mas binilisan ko pa ang takbo hindi ko kaya kung may masamang mangyari sakanya wala na kong pakielam kung may mabunggo akong ibang tao basta ang mahalaga mapuntahan ko lang siya. Nandito na ko ngayon sa harap ng tawiran bigla pang bumuhos ang malakas na ulan shit at nakita ko siyang unti-unting natumba. Para kong binugbog ng walang kalaban-laban, yan yung pakiramdam ng makita ko siyang nakahandusay sa malamig na kalsada. Tumakbo ako papunta sakanya wala na kong pakielam kung green light na kahit na sagasaan pa nila ko fvck! basta i need to save her.

"Melody! melody!" sigaw ko sa pangalan niya habang tumatakbo papunta sakanya. Nang makalapit na ko sakanya iniga ko ang ulo niya sa hita ko wala na talaga siyang malay at sobra na rin siyang namumutla. Kaya agad ko na siyang binuhat dire-diretso akong nagmamadaling tumawid ng kalsada kahit na maraming sasakyan ang dumadaan. Kaylangan ko na siyang madala sa hospital baka kung ano pang mangyari sakanya. Pagkapasok na pagkapasok ko sakanya sa kotse pumasok na rin ako at agad na nagmaneho ng mabilis papunta sa pinakamalapit na hospital. Kapit ka lang Melody hindi mo ko puwedeng iwan hangga't di pa tayo magka-apeliyido. Nandito na kami ngayon sa hospital agad naman kaming sinalubong at inasikaso ng mga nurse at doctor ng hospital. Dadalhin siya sa loob ng emergency room kaya bago nila ipinasok si Melody sa loob ng E.R pinigilan ko muna sila kasi may gusto kong sabihin sakanya. Umaasa kong maririnig niya tong sasabihin ko.

"Wag mo kong iiwan ha..." sabi ko sakanya habang nakayakap sakanya tsaka ipinasok na siya sa E.R hindi ko namalayang may mga luhang nangingilid na sa loob ng mga mata ko. Gusto ko na lang maiyak at suntukin tong pader na to. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa pader dahil sa hindi ako mapakali sa maaring mangyari. Fvck! di ko na nga alam kung ano bang dapat kong gawin sa mga oras na to.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon