Chapter 8

1.2K 70 3
                                    

Karine Santos
NAKAMASID lamang si Karine sa nobyong si Douglas habang inaayos nito ang mga damit niya sa isang closte na naroroon sa kuwartong pansamantala niyang tutuluyan sa hideout ng team nito. Noong sabihin ni Douglas na gusto siya nitong dalhin dito para mas mapanatag ang kalooban nito, hindi na tumutol si Karine. Nag-resign na rin siya sa trabaho. But in her heart, she felt scared. At hindi niya alam kung bakit.
Lumingon sa kanya si Douglas, kumunot ang noo. Mahabang sandaling nakatitig lamang sila sa isa’t isa bago ito humakbang palapit sa kanya.
“Ayos ka lang ba?” mahinahong tanong ni Douglas. “Ayaw mo ba dito?”
“Hindi naman. Pero hindi ko kasi gustong umasa lang sa iba.” Bumuntong-hininga si Karine. “Kailangan ko ring magtrabaho para sa kakainin ko at—”
“Karine.” Ikinulong ni Douglas ang kanyang mukha sa magkabilang palad nito. “Hindi mo kailangang mag-alala o mahiya dito. I will protect and provide for you while you’re staying here. At pansamantala lang naman ito, hmm?”
Lumabi si Karine, tumango. Wala naman siyang magagawa kung humihiling ng ganito si Douglas. Niyakap niya ito sa baywang. “May... tanong pala ako.”
“Ano 'yon?”
“Sino 'yong Lizette na tinutukoy nila kanina?” tanong niya. “Hindi mo sinabi sa akin na pupunta kang Mindoro.”
“Matagal ko nang kakilala si Lizette,” sagot ni Douglas. “Tumutulong din siya sa iniimbestigahan namin.”
Hindi alam ni Karine kung bakit nakakaramdam ng pagseselos sa babaeng hindi naman kilala. “Kayo lang... ang magkasama? Puwede ba akong sumama?”
“Hindi puwede, Karine,” umiiling na sagot ni Douglas. “This is part of our investigation. At kasama ko naman si Mitchel. Sinabi rin ni Kevin kanina na gusto niyang sumama. Wala siyang gagawin ngayong linggo.”
Tumango na lang si Karine. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng nobyo. Gusto niya nang matapos ang kung anumang misyon na ito ni Douglas. Kung ganito na kailangan nilang magtago, ibig sabihin ay napaka-mapanganib nito.
Ipinulupot ni Douglas ang mga kamay sa katawan niya. “Natatakot ka ba?” tanong nito.
Karine nodded. Hindi niya gustong magsinungaling. Natatakot siya para sa kanilang lahat. Tumingala siya sa nobyo. “Hindi ka ba natatakot?”
“There’s no room for fear now,” ani Douglas, seryoso. “That fear will only make me weak. Tatapusin namin ang imbestigasyong ito. Kahit na ano'ng mangyari, aalamin namin kung sino ang tunay na kalaban. Tatapusin namin ang kasamaan niya.”
Nangilid ang mga luha ni Karine. “Just... remember your promise, Douglas,” pumiyok siya. “Pakakasalan mo pa ako. Bubuo pa tayo ng pamilya kaya hindi ko tatanggapin kapag napahamak ka dahil lamang sa imbestigasyong ito.”
Ngumiti si Douglas at dinampian ng mariing halik ang kanyang mga labi. “I will do my best to keep that promise,” he murmured.
Bumagsak na ang mga luha sa mukha ni Karine pero mas piniling ipikit ang mga mata at tugunin ang halik ni Douglas.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon