Chapter 44

1.2K 55 1
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
KASAMA ngayon ni Jemimah sina Mitchel at Douglas sa residence ni Mae Latido dahil nakakuha na sila ng search warrant para mapasok iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila nakikita ang babae. Hindi pa rin makontak.
There was nothing suspicious inside her house. Halos lahat ng gamit doon ay mukhang mamahalin. Pinagmasdan ni Jemimah ang napakaraming picture frames na nakasabit sa dingding. Those were photos of Mae in different places, events. May mga kasama itong kaibigan sa mga larawang iyon.
Sa isang parte naman ng dingding ay ang mga achievements ng babae. She graduated in a prestigious university here in the country. Education ang tinapos nito. Marami ring awards na nakapangalan dito.
“She’s obviously an extrovert,” narinig niyang sabi ni Mitchel, nakatingin din sa mga larawan. “Makikita rin na palakaibigan siya base sa mga pictures na ito. Siguradong maraming tao siyang nakilala sa iba’t ibang lugar na napuntahan. I am also sure she’s smart. Isa siyang university professor, 'di ba?”
Tumango si Jemimah. “She seems to be a normal person. Kahit noong nakita natin siya.” Inabot niya ang isang picture frame kung saan naroroon si Mae kasama ang boyfriend nito na nakilala nila noon sa isang ospital sa Quezon City. Parehong nakangiti ang mga ito sa camera.
“Julius Magpantay,” banggit ni Jemimah sa pangalan ng lalaki.
Tiningnan ni Mitchel ang larawan. “He’s a psychiatrist, right? Nakausap niyo na ba siya?”
Umiling siya. “Noong pumunta kami sa ospital niya, sinabi ng assistant niya na nasa isang medical conference si Magpantay. Siguro ngayon ay puwede na natin siyang makausap.”
“A psychiatrist,” usal ni Mitchel, tumango-tango. “Malapit siya kay Mae Latido kaya posibleng mas marami siyang alam tungkol sa babae.”
Napalingon sila sa likod nang marinig ang pagsasalita ni Douglas. “I found something,” sabi nito.
Lumapit sila sa lalaki na may dalang isang medium-sized box. Ibinuhos ni Douglas sa mesa ang mga laman ng kahong iyon. Ganoon na lang ang pagkagulat nila nang makita ang iba’t ibang pictures ng mga babae doon. Lahat ay nakaupo sa silya na kaharap ng table ni Julius Magpantay sa office nito sa ospital.
“What are these?” tanong ni Jemimah.
“Mukhang kailangan talaga nating makausap si Magpantay,” sabi ni Mitchel.
Inutusan niya sina Douglas na ilagay ang mga iyon sa sampling bag. Lumakad si Jemimah patungo sa kuwarto ni Mae Latido. There was sophistication and luxury in that room. Nalipat ang tingin niya sa laundry basket na nasa sulok para simulang halughugin iyon.
Napatigil si Jemimah nang makalanghap ng pamilyar na amoy. Inilapit niya sa ilong ang isa sa mga damit ni Mae Latido. She knew it! Alam niya na kung bakit pamilyar ang amoy ng pabangong nakita nila noon sa isa sa mga crime scene ni Crow Overtaker. Dahil naamoy niya iyon minsan kay Mae Latido. This scent was from Chanel Grand Extrait!
Lumapit siya sa bedside cabinet doon. Sa isang drawer ay nakita nga ni Jemimah ang naturang perfume. Mabilis niya iyong ipinasok sa loob ng isang sampling bag, kasama ang damit ni Mae.
Pagkalabas ng kuwarto ay sinabi niya sa mga kasama ang nakita. “Another evidence against her,” sabi ni Douglas.
“Almost all the evidences points at her,” umiiling na sabi ni Mitchel. “Mas nakakapagduda ito.”
“Yes,” pagsang-ayon ni Jemimah. “Hindi natin puwedeng alisin ang possibility na may nag-frame up kay Mae Latido. I think it’s best if we talk to Magpantay.”
Pagkalabas nila ng bahay ni Latido ay agad na dumeretso sa sasakyan. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Julius Magpantay. Laking pasasalamat ni Jemimah dahil naroroon ang lalaki.
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Julius nang bigla silang pumasok sa opisina nito. Itinaas ni Jemimah ang kanyang SCIU badge. “We are here from SCIU.” Sinulyapan niya ang isang babaeng pasyente na naroroon. “Gusto ka sana naming makausap, Mr. Magpantay.”
Bumuntong-hininga ang lalaki bago sinabihan ang pasyente na maghintay sa labas. Pagkalabas ng babae ay sumandal si Julius sa swivel chair nito. Just like before, he was wearing his white doctor’s gown and white gloves.
“Nandito ba uli kayo para magtanong tungkol sa mga taong hinahanap niyo?” tanong ni Julius, kalmado.
Kumunot ang noo ni Jemimah. How could this man be calm at this time? Hindi ba nito alam na nawawala ang girlfriend nitong si Mae?
Tumikhim si Mitchel, isang senyales na ito muna ang kakausap sa lalaki. Hindi naman tumutol si Jemimah. Mas hinahayaan nilang si Mitchel ang kumausap sa mga taong katulad ni Julius Magpantay, sa mga psychiatrist.
“Ako nga pala si Mitchel Ramos,” panimula ni Mitchel, lumapit sa mesa ni Julius para ilahad ang isang kamay. “I’m a profiler for our team.”
Tiningnan lang ni Julius ang kamay ni Mitchel pero hindi tinanggap. “Ano ang kailangan niyo sa akin?”
Muling ibinaba ni Mitchel ang kamay, seryoso na ang mukha. “Nandito kami dahil sa girlfriend mong si Mae Latido. She’s been missing for more than a week now. Hindi mo pa rin ba napapansin iyon?”
Kumunot ang noo ni Julius. “Missing? Hindi ba nasa ibang lugar lang uli siya para mag-travel?”
“Travel?” tanong ni Mitchel. “Nagpaalam ba siya sa'yo?”
Umiling si Julius. “Sanay na ako na kapag nawawala siya ng ilang araw o linggo ay nag-travel siya. She’s always like that. Nagpupunta siya sa iba’t ibang lugar para sa mga blogs niya or research. Bigla na lang siyang magpapakita uli dito sa ospital.”
“This is different, Mr. Magpantay,” sabi ni Mitchel. “Hindi siya nag-leave sa university na pinagtatrabahuhan niya at bigla na lang naglaho. Lalo na at suspect siya sa kasong iniimbestigahan namin.”
“Suspect?” Bumahid na ang pagkagulat sa mukha ni Julius. “A-ano'ng pinagsasasabi niyo? Bakit magiging suspect si Mae?”
“Hindi kami puwedeng maglabas ng kahit ano tungkol sa on-going investigation,” sagot ni Mitchel. “Pero pamilyar ba sa'yo ang pangalang Crow Overtaker.”
Kumunot ang noo ni Julius. “Hindi. Ano ang kinalaman niya kay Mae?”
Naupo si Mitchel sa upuang kaharap ng mesa ni Julius, hindi nito inaalis ang tingin sa lalaki. Naalala ni Jemimah nang minsang mag-interoga rin ng psychiatrist si Mitchel. Si Samuel de Villa sa kaso ni Heart. The atmosphere inside the room was the same. It was like both people were on reading each other.
“Kailan mo huling nakita o nakusap si Mae, Mr. Magpantay?” tanong pa ni Mitchel.
“Huli ko siyang nakita noong minsang bumisita siya dito.” Sumulyap sa kanya si Julius. “Noong hinahanap niyo si Lauren Jacinto. Huli ko siyang nakausap sa tawag mahigit isang linggo na ang nakalipas. Kinumusta ko lang siya. There was nothing wrong with her... I think.”
Tumingin si Mitchel sa kanya. “May mga nakita kaming kahina-hinalang pictures sa bahay ng girlfriend mo.”
Lumapit si Jemimah sa mesa at inilabas sa sampling bag ang mga larawan ng babaeng marahil ay mga pasyente ni Julius.
Saglit lang na tiningnan ni Julius ang mga larawan bago napailing. “Hanggang ngayon pa rin pala ay inuutusan niya ang assistant ko na kumuha ng pictures ng mga pasyente kong babae.” Ibinalik nito ang tingin sa kanila. “Mae is a jealous type. Halos lahat ng babaeng lumalapit sa akin ay pinagseselosan niya. Minsan na kaming nagtalo sa mga ito. Pero sinabi ni Mae na gusto lang niyang makasiguro na walang babaeng lumalandi sa akin.”
“Alam mong mali iyon,” sabi ni Mitchel. “Lahat ng nagpapatingin ditong mga pasyente ay inaasahan na magiging pribado ang lahat.”
“I know.” Napabuga ng hininga si Julius. “Pinagsabihan ko na ang assistant ko na kapag nagpatuloy pa ang pagpayag niya sa mga utos ni Mae ay sesesantihin ko siya. Mae was paying him for those pictures. Nag-away na rin kami ni Mae dahil diyan.”
“Gaano katagal na kayong magkarelasyon ni Mae?”
“Two years,” sagot ni Julius.
“Simula ba noon ay ganyan na siya? Or there’s a reason for her to behave like that?” patuloy na pagtatanong ni Mitchel.
“Reason?” naiiling na tumawa si Julius. “I never had another woman except from her. Simula pa noon ay ganyan na talaga si Mae, siguro maging sa mga naunang karelasyon niya.”
“Paano kayo nagkakilala, Mr. Magpantay?” singit na tanong ni Jemimah.
Humugot muna ng malalim na hininga si Julius bago sumagot. “Isa siya sa mga pasyente ko noon.”
Nagulat sina Jemimah sa sagot nito. “Pasyente?”
“Noon 'yon. Ngayon ay hindi niya na gustong magpatingin sa kahit kaninong psychiatrist. Mae has a hysteric condition. May panic disorder din siya kaya may mga iniinom siyang gamot. Sometimes she becomes violent lalo na kapag may mga hindi siya nakukuha. Kaya pilit kong iniintindi ang pagiging sobrang selosa niya.”
“Puwede ba naming makuha ang medical records niya na makakapagpatunay niyan?” tanong ni Jemimah.
Makikita ang pag-aalangan sa mukha ni Julius.
“Huwag kang mag-alala,” dugtong niya. “Mayroon na kaming warrant para sa lahat ng impormasyon tungkol kay Mae Latido.” Ipinakita ni Jemimah sa lalaki ang isang papel.
Bumuntong-hininga si Julius. “I’ll ask my assistant to print it for you.”
Matapos ang ilan pang katanungan ay nagpaalam na sila dito. Pagkakuha sa copy ng psychological record ni Mae Latido ay lumabas na rin sila ng ospital. Habang naglalakad ay binabasa ni Mitchel ang record.
Nasa lobby na sila nang makita si Lizette Salcedo na papasalubong. Tumigil ito sa harapan ni Jemimah.
“Ano'ng ginagawa mo dito?” nakakunot-noong tanong niya.
“Nagpunta ako rito para sana kausapin ang boyfriend ni Mae,” sagot ni Lizette. “Pero sinabi sa akin ng assistant niya na maraming pasyente ngayon. Nakausap niyo ba si Julius?”
Tumango si Jemimah. “Hindi niya rin alam kung nasaan si Mae.”
Napahawak na sa ulo si Lizette. “Ano bang nangyayari kay Mae? Nasaan na siya?”
“Lizette,” mayamaya ay banggit ni Jemimah sa pangalan nito. “Alam mo ba ang tungkol sa pagiging histerikal ni Mae, sa panic disorder niya?”
Tumingin sa kanya si Lizette. “I know she has a panic disorder. Pero hindi ko pa nakikita ang mga hysterical outbursts niya. Napapansin ko lang na palaging may iniinom siyang gamot. Bakit?”
“Wala naman, nabanggit lang sa amin ni Julius Magpantay.”
“Hindi ko pa nakakausap ng matagal iyang si Julius,” sabi ni Lizette. “Minsan ko lang siya nakitang kasama ni Mae. Sigurado ba na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng kaibigan ko?”
Jemimah frowned. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“H-hindi ko alam.” Yumuko si Lizette. “Marami na akong kasong na-imbestigahan. Mae is an IT expert. Professor pa siya sa isang university. Kung siya nga ang sinasabi niyong nagpapatakbo sa website ni Crow Overtaker, nakakapagtaka na magkakamali siyang hindi itago ang IP address noon. Is she digging a grave for herself?”
Nanatiling tahimik sina Jemimah, nakinig lamang dito.
“Paano kung ibang tao ang serial killer na hinahanap niyo at ginagamit lang si Mae?” pagpapatuloy ni Lizette. “Hindi imposible iyon lalo na kung pinagkakatiwalaan ni Mae ang taong iyon. What if it’s that Julius Magpantay? He’s a psychiatrist. Kaya niyang paikutin ang iba. Paano kung ginagamit niya si Mae para mapagtakpan ang kasamaan niya?”
Lumapit si Jemimah sa babae at hinawakan ito sa magkabilang balikat. “Calm down, Lizette.” Alam niyang nagluluksa pa rin ang babae sa pagkamatay ni Tony Gonzalvo, at ngayon ay nawawala ang kaibigan nitong si Mae. Bumalik ito sa Pilipinas para maranasan ang lahat ng ito.
“Posible nga ang sinabi mo,” wika ni Mitchel. “Pero sa ngayon ay haka-haka palang 'yan. Kailangan nating mapatunayan na may nag-frame-up nga sa kaibigan mo. You know how investigation works, Ms. Salcedo. Walang maniniwala hangga’t walang ebidensya.”
Nag-angat ng tingin sa kanila si Lizette, may nangingilid ng mga luha sa mata. “I... I’m sorry. H-hindi na ako nagiging propesyonal.” Tumango-tango ito. “I’ll trust all of you. Alam kong mareresolba niyo kaagad ang imbestigasyong ito. Ipagdarasal ko na... na buhay pa si Mae. Sana... b-buhay pa siya.”
Pinakatitigan ni Jemimah ang babae, nakakaramdam ng pagkaawa. “Iyon din ang ipinagdarasal ko, Lizette. Kahit na ano pa ang kalabasan ng imbestigasyong ito, mahalaga na mahanap natin siyang buhay.”

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon