Antonio Morales
“COME IN,” wika ni Antonio nang marinig ang katok sa pinto ng opisina niya sa SCIU. Siya ang kasalukuyang nakaupong Director ng ahensyang iyon. Ilang taon na ang lumipas mula nang mapatay niya sina Jordan Maxwell. Napakalayo na ng kanyang naabot. Itinigil niya muna ang pag-uutos na pumatay para matigil ang mga taong nag-iimbestiga sa kanya. Saka niya uli ipagpapatuloy ang misyon kapag siguradong wala nang nais humanap sa kanya.
Pumasok sa loob ng kanyang opisina ang isang babae – si Inspector Jemimah Remington. Sumaludo ito. “Pinatawag niyo raw po ako, Sir.”
Tumango-tango si Antonio bago tumayo mula sa kinauupuan. “Inspector Remington, I know you’re one of the best inspectors around despite being a woman. At iyon din ang dahilan kaya napili kang ma-recruit sa special unit na ito. I really admire you for that, hija.”
“Maraming salamat po,” sagot ng babae.
“Alam mo rin na isang honor ang makapagtrabaho sa SCIU, lalo na ang maging leader ng isang team.” Tumingin siya kay Jemimah, ngumiti. “I’m assigning you to lead a new team for SCIU, Inspector Remington. And it will be under me.”
Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Jemimah. “H-hindi po ba mas tamang ibigay 'yan sa mga Senior Inspectors dito? I-ilang taon palang po akong—”
“I’m choosing you, Remington,” putol niya dito. Isang simpleng police officer na katulad nito ang kailangan niya. Babae. Susunod sa ipinaguutos niya at walang koneksiyon kahit na kanino.
Napayuko si Jemimah. “H-hindi ko po alam kung magagawa kong abutin ang expectations niyo, Sir,” anito.
Mahinang tumawa si Antonio. “Hindi kita pipiliin kung alam kong hindi ka karapat-dapat.” Lumapit siya dito para tapikin ang balikat. “Pinag-aralan ko ang mga naging trabaho mo dito, maging noong panahon na nagsisilbi ka pa sa PNP. Sa loob ng pitong taon, maraming kriminal na ang nahuli dahil sa tulong mo, kasama na ang pagkahuli sa isang politician drug lord noon. It was one of the biggest cases solved by the PNP. Humingi ako ng report ng kasong iyon, nakita ko na malaki ang naging kontribusyon mo. Ganoon din ang sinabi ng mga kakilala ko sa PNP.”
Nanatiling nakayuko si Jemimah.
“And you never took credit for it,” he continued.
“Hindi naman po mahalaga sa akin ang credit, Sir,” sabi nito. “Ang mahalaga sa akin ay mailabas ang katotohanan at makatulong sa mga nangangailangan.”
Sandaling napatigil si Antonio. Bakit nakikita niya si Jordan Maxwell dito? Tumawa na lamang siya. “That’s why I’m choosing you. Dahil hindi ka katulad ng mga nagtatrabaho dito na ang nais lang ay recognition at kung kailan sila mapo-promote. I want someone who’s not selfish, arrogant. Isang taong ang tanging nais lang ay magawa ng ayos ang kanyang trabaho. Isang taong mapapagkatiwalaan ko.” Lumakad siya pabalik sa kanyang mesa. “Hindi mo ba gustong bumuo ng sariling team?”
“Hindi naman po sa ganoon, Sir,” sabi ni Jemimah. “I’m honored. Thank you, Sir.” Sumaludo uli ito. “Gagawin ko po ang lahat para magawa ng ayos ang mga trabahong ibibigay sa team ko.”
Tumango siya. “Bukas ko ia-announce ang panibagong team.” Kinuha niya ang folders na nasa mesa, inabot sa babae. “Nandito ang mga pangalan ng makakasama mo sa team. You can read this at home. Huwag kang mahihiyang magtanong sa akin kung may gusto kang malaman.”
Nagpasalamat ang babae sa kanya.
“Sa akin ka magre-report directly ng mga kasong hahawakan ng team mo, Inspector Remingto,” paalala niya. “You can come up with any name you want for your team. I hope your team will be the best in this agency. Makakaalis ka na.”
Pagkalabas ng babae ay muling bumalik si Antonio sa kinauupuan. Kasama sa team na iyon si Ethan Maxwell. Bumuo siya ng team para masubaybayan ang kilos ni Ethan. Nararamdaman niya na nag-iimbestiga ito sa Destroyer Case. At ang pagbuo ng team na nakapailalim sa kanya ang nag-iisang paraan para mas mapalapit si Maxwell sa paningin niya...
4 YEARS LATER...
MAHABANG sandaling nakatitig si Antonio sa hawak-hawak na Bibliya. Kahit nakabilanggo na siya sa loob ng bilangguan ng SCIU ay hindi niya iyon gustong pakawalan. Ito ang kanyang nakaraan at hindi gustong kalimutan ni Antonio ang nakaraang iyon.
Hindi niya matanggap na ang team na mismong binuo niya ang mismong team na maglalagay ng posas sa mga kamay niya. Pero hindi niya gustong magpatalo. Hindi siya papayag na manalo si Jordan Maxwell.
Napahawak si Antonio sa ulo. Kanina ay kinausap siya nina Ethan at Jemimah Maxwell. Hindi niya maintindihan kung bakit pinatatawad siya ng mga ito. Dapat ay patayin siya ng mga ito. Dapat ay maghiganti ang mga ito. Pero bakit?!
Hindi niya gustong magdusa. Hindi niya gustong makita ng mga taong iyon ang pagdurusa niya. He wouldn’t let them have that satisfaction.
Binuklat ni Antonio ang hawak na Bibliya at kinuha mula doon ang isa sa mga pako na ginamit sa kanya noon ni Father Jude. Tandang-tanda niya pa ang sakit na kanyang naranasan noon. Hindi niya na gustong magdusa sa kulungan habang-buhay. Hindi niya papayagang manalo si Jordan.
Gamit ang talim ng malaking pako ay ginilitan ni Antonio ang kaliwang palapulsuhan. Hindi na siya nakakaramdam ng pisikal na sakit. Kumuha siya ng sariling dugo para isulat ang huling mga salitang nasa kanyang isipan. I know I did well.
Hindi siya maintindihan ng mga tao dahil gusto ng mga itong magpatuloy sa kasamaan. Wala ang mga itong pakialam sa pinagdaanan ng iba. Siya ang naglilinis sa mundong ito.
Sunod na ginilitan ni Antonio ang kanang kamay. Pinakatitigan niya ang sariling dugo sa sahig. It was so beautiful. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa pako at itinapat iyon sa leeg.
Hindi siya magpapatalo. Hinding-hindi siya haharap sa publiko para kamuhian. Hindi niya ipapaalam sa lahat ang kanyang nakaraan. Humugot muna ng malalim na hininga si Antonio bago itinarak ang malaking pako sa lalamunan.
Bumagsak siya sa sahig at nakita ang pagsirit ng sariling dugo. He would never lower himself to anyone, even to God. He wanted to remain a monster. Pumikit na ang mga mata ni Antonio at hinayaang lamunin siya ng mga demonyo na humihila sa kanya patungo sa impyerno...
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mystery / ThrillerA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...