Jemimah Remington-Maxwell
HABANG nakatitig si Jemimah sa asul na kalangitan ay hindi na naman niya napigilang maiyak. The sky was so calm. Kailan kaya magiging kasingkalmado ng kalangitan ang buhay nilang lahat? Kailan ba matatapos ang lahat ng pakikipaglaban nila?
"Jemimah..."
Halos umalon ang puso niya nang marinig ang pagtawag ng asawang si Ethan. Lumingon siya rito at ngumiti. Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. Kahit na nakaramdam ng pagod at takot, nawawala ang lahat ng iyon tuwing nararamdaman niya ang haplos ng asawa.
Niyakap niya ito sa baywang at sumubsob siya sa matipuno nitong dibdib. "Ethan..." Tiningala niya ang asawa. "I'm scared..."
Tinitigan siya ni Ethan bago tumango-tango. "Ako rin," bulong nito. "Pero kailangan kong maging matatag para sa'yo... para sa ating lahat." Yumuko ito para dampian ng halik ang kanyang mga labi.
Agad namang tinugon ni Jemimah ang halik ng asawa, hinigpitan ang pagkakayakap sa katawan nito. If only they could stay like this forever. Bahagyang inilayo ni Ethan ang mga labi para halikan ang nakapikit niyang mga mata.
"Let's go inside," bulong nito. "Susubukan na nilang buksan ang flash drive na iniwan ni Papa."
Dumilat si Jemimah at tumango. Kanina lang ay may nakuha silang clue sa posibleng password ng flash drive na iyon. Nag-usap-usap ang lahat para pagdesisyunan kung susubukan ang clue. At hayun na nga, susubukan na nilang buksan ang flash drive na posibleng naglalaman ng kritikal na impormasyon tungkol sa Destroyer Case.
Mahigpit na hinawakan ni Ethan ang kanyang kamay. Sumunod lang naman si Jemimah sa asawa hanggang sa makapasok sa bahay. Lumapit sila sa kinauupuan ni Theia na nakaharap sa computer.
Tumingin ang babae kay Ethan, hinihintay ang go signal nito. Huminga muna nang malalim ang kanyang asawa bago tumango. Lihim din siyang nagdasal na sana tama ang password na susubukan nila. Isang try lang ang mayroon sila, kapag mali ay maghihintay uli sila ng isang taon para makasubok uli. They couldn't wait for a long time. Dahil nagsisimula nang kumilos si Destroyer. Hindi puwedeng madagdagan pa ang mga buhay na nawala.
Isinaksak ni Theia ang USB flash drive sa computer. She typed six numbers that they got as a clue. 040114. Theia took a deep breath before pressing ENTER.
Lahat sila ay nagpipigil ng hininga habang nakatingin sa computer screen. The screen turned black. Iba't ibang codes ang lumabas doon bago sumunod ang mga salitang nakapagpatigil sa kanila. Ang mga salitang hindi nila inaasahan. The truth about the Destroyer Case that only Jordan Maxwell was able to find out.
WHO ARE THE DESTROYERS?
Lumabas ang green binary numbers sa screen pagkatapos ay binasa uli nila ang nakasulat. THE DESTROYER SERIAL MURDER CASE. Investigation of Jordan Maxwell.
Si Ethan ang pumalit sa kinauupuan ni Theia nang lumabas ang mga files na naroroon. Sinimulan nitong basahin ang investigation reports ni Jordan Maxwell na hindi nito ipinasa sa NBI o sa kahit anong agency. Lahat sila ay nakatingin lang din sa screen, nakinig kay Ethan nang magsimula itong magsalita.
"Hindi lang iisa ang Destroyer. May tatlong pangalan dito na nakalagay, Ariel Mangilit, Bejamin Salve at Divina Dorado. According sa impormasyong naririto, si Divina Dorado ay namatay dahil sa isang car accident. Nasa conclusion ng report na posibleng si Divina Dorado ang pumatay sa unang biktimang si Cherie Manalo hanggang sa ika-labinlimang biktima na si Gilbert Sullivan."
Sandaling huminto si Ethan, tumingin sa kanila. "Ito ay noong nagsimulang pumatay si Destroyer sa mga bahay ng bawat biktima." Ibinalik nito ang tingin sa computer. "Si Benjamin Salve ay namatay sa isang sunog. Natutulog siya nang masunog ang bahay na tinitirhan. Nakalagay dito na posibleng si Salve naman ang pumatay sa ika-labing-anim hanggang sa ika-dalawampu't dalawang biktima ng Destroyer Case."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mistério / SuspenseA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...