Daryl Opena
NAKATITIG lamang si Daryl sa mga larawang nasa kama, pinipigilan ang sarili na magwala dahil sa matinding galit. Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay, pilit kinakalma ang sarili. Mahabang sandaling nanatili si Daryl sa ganoong posisyon.
Humugot ng malalim na hininga si Daryl bago ibinalik sa puting envelope ang mga larawan. Tumayo siya, lumapit sa working desk para itago sa drawer ang envelope pagkatapos ay muling hinarap ang trabaho.
Pero hindi maituon ni Daryl ang atensyon sa pagtatrabaho dahil sa sakit na nararamdaman. How could those people do this to him?! Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamao para muling pigilan ang galit. He tried to calm himself by searching stuffs on the internet. Kung lalabas siya ngayon ng kuwarto, siguradong makakagawa siya ng masama.
Natuon ang tingin ni Daryl sa isang ad sa Facebook. “Crow Overtaker,” usal niya. He clicked the link of the site. Binasa niya ang lahat ng nilalaman niyon at napangiti. This was what he needed.
Crow Overtaker. Kailangang makilala ni Daryl ang taong ito. This person could help him now. This person might be able to save him.
Daryl clicked the message icon in that website. Nagsimula siyang mag-type ng gustong sabihin doon. Ilang sandali lang naman ay sumagot na ang taong makakatulong sa kanya.
KINALAS ni Daryl ang necktie na nasa leeg bago kumatok sa hotel room na kinaroroonan ng fianceé niyang si Arcie del Rosario. Bumukas ang pinto at nakita niya ang gulat na mukha ni Arcie, nakasuot na ito ng puting wedding gown. Ngayong araw ang kasal nila sa isang lugar sa Palawan.
“Daryl, ano'ng ginagawa mo rito?” pagpapagalit ni Arcie. “Hindi mo pa ako puwedeng makita, 'di ba? Isang oras pa bago mag-simula ang ceremony.”
Ngumiti si Daryl, inabot ang isang kamay ni Arcie para hawakan iyon. “Namiss lang kita, masama ba? Gusto ko sanang mamasyal muna kahit sandali sa labas.”
Ilang saglit na nag-isip si Arcie pero pumayag din naman. Hinigpitan ni Daryl ang pagkakahawak sa kamay ng babae habang naglalakad sila sa labas. Malapit lamang iyon sa dagat, pero mas pinili niyang magtungo sa parteng gubat.
Nagtatakang tumingin sa kanya si Arcie bago lumingon sa likod. “Masyadong malayo na tayo sa venue, Daryl,” anito. “Baka hindi natin maabutan ang ceremony.” Tumawa pa ito.
“You know I love the forest,” sabi ni Daryl, nakatitig lamang sa unahan habang patuloy sa paglalakad.
“Daryl,” tawag sa kanya ni Arcie. “May problema ba?”
Tumigil na siya sa paglalakad bago hinarap ang babae, binitawan ang kamay nito. “Nakita mo ba si Reynald kanina?” tinutukoy ni Daryl ang kaibigan niyang si Reynald Magnaye. Ito rin ang tatayong bestman sa kasal nila mamaya.
Kumunot ang noo ni Arcie. “Si... Reynald?” Umiling ito. “Bakit?”
Pinakatitigan ni Daryl ang babae bago napuno ng kalamigan ang mga mata. “You’re really a good actress, Arcie. Hindi na ako magtataka kung bakit naging artista ka.”
“D-Daryl... a-ano bang—”
Hindi na naituloy ni Arcie ang sasabihin nang ilabas ni Daryl ang puting envelope na nasa bulsa ng black suit na suot. Ipinakita niya sa babae ang mga larawang naroroon – mga larawan ng pagtataksil nito kasama si Reynald. Mga larawan iyon kung saan makikitang pumasok ang mga ito sa loob ng isang hotel, mayroong ding naghahalikan sa loob ng isang sasakyan.
Bumahid na ang pagkagulat sa magandang mukha ni Arcie. Ibinuka nito ang bibig para magsalita pero tila hindi naman alam kung paano magpapaliwanag. Ngumisi si Daryl. Wala nang paliwanag para sa mga larawang ito. Malinaw na nakikita niya ang katarantaduhang ginawa ng mga taong pinagkatiwalaan niya.
“Pakakasalan mo ako dahil sa pera ko, tama ba, Arcie?” mapait na tanong ni Daryl. Itinapon niya sa lupa ang mga larawan, galit na galit.
Mabilis na ini-iling ni Arcie ang ulo, may luha na sa mga mata. “M-mahal kita, Daryl. M-maniwala ka sa akin,” pagmamakaawa nito.
“Mahal?” Ikinuyom ni Daryl ang mga kamao. Hindi siya maniniwala sa mga luha nito. Those were surely fake. “Kung mahal mo ako, hindi mo ako gagaguhin ng ganito, Arcie.”
“D-Daryl, l-listen to me...”
“No, you listen to me, Arcie,” sagot ni Daryl, umiiling. “Noong isang linggo ko pa nalaman ang katarantaduhan niyo. Sa tingin mo ba itutuloy ko pa ang kasal na ito? Sa tingin mo ba papayag ako na maging masaya kayo?” Inilabas ni Daryl sa trousers na suot ang isang pocket knife. “Pagbabayaran mo ang kasamaan mo, ang ginawa mo sa akin.”
Nanlaki ang mga mata ni Arcie, may takot na sa mukha. Umatras ito nang magsimula siyang humakbang palapit. “D-Daryl... a-ano bang—” Mabilis na hinawakan ni Arcie ang laylayan ng puting wedding gown na suot at nagtatakbo palayo. She ran deeper into the forest.
Ngumisi si Daryl, hinabol ang babae. Siguro ay nakita ni Arcie na hindi siya nagbibiro. Isa lang ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon, ang pagbayarin ang babaeng ito sa pananakit sa kanya.
Naririnig niya na ang pag-iyak ni Arcie dahil sa takot. Ilang beses din itong nadapa pero pinilit na bumangon para makalayo sa kanya. But Daryl was faster.
“N-no!” sigaw ni Arcie. “T-tulong... t-tulungan n'yo ako!” Muli itong natapilok sa malaking ugat ng puno, nasubsob ang mukha sa lupa.
Malawak na napangisi si Daryl nang sa wakas ay makalapit na dito. Pilit na gumagapang sa lupa si Arcie, marumi na ang puting wedding gown na suot. Mahigpit na hinawakan ni Daryl ang buhok ng babae.
“Walang makakarinig sa'yo dito, Arcie,” mariing wika niya. “Kahit na gaano kalakas ka pa sumigaw.” Marahas na ipinihit ni Daryl paharap ang babae bago itinaas ang hawak na kutsilyo.
“H-h-huwag... D-Daryl... p-parang-awa mo na...” garalgal na wika ni Arcie. Terror was in her face.
Sandaling pinakatitigan ni Daryl ang babae. “M-minahal kita, Arcie. Ibinigay ko sa'yo ang lahat ng hiniling mo.” Inilagay niya ang isang kamay sa leeg ng babae, sinasakal ito.
Patuloy lang sa pagpupumiglas si Arcie, pilit kinakalmot ang mukha niya, nahihirapan na sa paghinga.
Sigurado si Daryl na punong-puno ng poot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa babae. Sinaktan siya nito. Kaya dapat lang na ibalik niya sa babae ang sakit na nararamdaman.
Naramdaman niya na ang panghihina ni Arcie, dahil hindi na gumagalaw ang mga kamay, nakakapit lang sa kanyang balikat. Nakatirik na rin ang mga mata nito. Inilapit ni Daryl ang kutsilyo sa tapat ng kaliwang dibdib ng babae.
“Mahal na mahal kita, Arcie,” umiiyak na wika niya. “Akin ka lang.” Pagkatapos ay itinarak niya na sa dibdib nito ang pocket knife. Napuno ng kulay pula ang puting wedding gown ni Arcie dahil sa dugo, may lumabas ding dugo sa bibig nito.
Binitawan ni Daryl ang kutsilyo, pinakatitigan ang babaeng wala ng buhay. Hinaplos niya ang pisngi ni Arcie. “H-hindi mo dapat g-ginawa sa'kin 'yon, Arcie. H-hindi sana tayo aabot sa ganito.”
Inilapit niya ang mukha sa mukha ng babae para halikan ito sa mga labi. “Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan. Para sa atin ang ginagawa kong ito.”
Hinawakan ni Daryl ang kamay ni Arcie at hinalikan iyon. Ngumiti siya. “Tama lang ang ginawa ko. Tama lang.” Ilang minuto pa siyang nanatili doon bago tumayo. Hinubad niya ang itim na coat para doon ipunas ang dugo sa mga kamay pagkatapos ay basta na lang itinapon sa tabi ng bangkay ni Arcie.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mistério / SuspenseA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...