Mitchel Ramos
NIYAKAP ni Mitchel ang asawang si Theia na abala sa paghahanda ng agahan nila. “Ang aga naman nagising ng misis ko,” bulong niya, isinubsob ang mukha sa leeg nito. “Ang bango pa.”
Umungol si Theia. “Mitchel... gising na ba ang mga bata?” Tinutukoy nito ang tatlong anak nilang sina Zenny, Marion at Sebastian.
“Hindi pa.” Sinimulan niyang halikan ang leeg nito. “Puwede pa tayong gumawa ng kasunod ni Sebastian, sweetie.”
Mabilis na lumayo sa kanya si Theia. “Stop it, Mitchel. Tama na ang tatlo.”
Lumaglag ang kanyang balikat. “Pero wala pa tayong prinsesa,” nagtatampong sabi niya.
Tumaas ang isang kilay ni Theia. “So you want to keep on going hanggang sa makabuo tayo ng prinsesa?”
Tumango si Mitchel na naging dahilan ng paghampas sa kanya ni Theia sa dibdib. Tinalikuran siya ng asawa, naiinis.
“Okay,” pagsuko niya. “Lagi ko naman sinusunod ang magandang asawa ko.”
Nakita niya na ang pagngiti ng babae. Sumulyap si Theia sa hawak-hawak niyang diyaryo. “May interesting na naman ba diyan sa diyaryong hawak mo?”
“Wala naman.” Nagkibit-balikat si Mitchel, sumandal sa kitchen counter. “Maliban sa isang article na ito ni Gabrielle Legaspi.”
“Gabrielle Legaspi?” ulit ni Theia. “Hindi ba siya iyong kaibigan ni Lauren na nakilala natin noon?”
Tumango si Mitchel at binasa ang pamagat ng article. “Les Monstres Aussi Tombent Amoureux.”
“What is that?” nagtatakang tanong ng asawa.
“It means, ‘Monsters fall in love too.’ It’s not really an article, it’s a story. Nakalagay dito ang nangyari kina Lauren Jacinto at Jayden Sullivan. But of course, hindi niya isinulat ang tunay na pangalan nila.” Ngumiti si Mitchel. “It’s amazing, right? Kahit ako hindi rin makapaniwala sa nangyari sa kanila.”
Itinigil ni Theia ang ginagawa. Ikinulong nito ang kanyang pisngi sa magkabilang palad. “Mitchel, are you sure na hindi mo gustong bumalik sa pagiging profiler? I know it’s your passion. Hindi ko naman gustong—”
Napatigil ito sa pagsasalita nang halikan niya sa mga labi. Ipinulupot ni Mitchel ang mga braso sa baywang ni Theia. Ilang sandali lang naman ay tinutugon na ng asawa ang halik niya.
Mahabang sandaling naghinang ang kanilang mga labi bago iyon nag-agwat. “I’m sure, Theia,” Mitchel murmured. “It’s been more than five years since I resigned from my job. At hindi ko pinagsisisihan na mas pinili ko ang makasama ka at masigurong ligtas ka, kayo ng mga anak natin. Hindi na ako babalik sa trabahong 'yon na magpapahamak sa inyong lahat.”
Nangilid na ang mga luha ng asawa. “Thank you,” bulong ni Theia, isinubsob ang mukha sa mga dibdib niya.
Maluwang na napangiti si Mitchel at hinigpitan pa ang pagkakayakap dito. “So pagbibigyan mo na ba ako? Para sa pang-apat?”
Tiningala siya ni Theia, umiiling. “Ang kulit mo talaga. Oo na, pero mamaya pagkatapos kong magluto, hmm?”
Kumislap ang mga mata ni Mitchel, parang isang batang tumango-tango. “I love you, Theia.” He stretched his arms wide open. “This much. No, bigger than this. Bigger than the world, than the whole universe.”
Mahinang sinuntok ni Theia ang kanyang tiyan. “Stop it. Tulungan mo na lang ako sa pagluluto.”
Muling niyakap ni Mitchel sa baywang ang babae, mula sa likod. “Say you love me first.”
Theia looked at him, smiling sweetly. “I love you, Mitchel Ramos.”
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mistério / SuspenseA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...