Jemimah Remington-Maxwell
HINDI makapaniwalang nakatingin si Jemimah sa bangkay ng isang pari sa loob ng isang simbahan sa Manila. Hindi iyon katulad ng inaasahan nila na nakasilid sa itim na garbage bag at putol-putol ang katawan. No, this was something different.
Sa gitnang parte ng malaking simbahan ay nakalatag sa sahig ang bangkay ng isang pari. He was spread like a cross. Ang magkabilang kamay nito ay nakapako sa sahig. Tadtad ng saksak ang katawan ng lalaki, may gilit sa leeg at dinukot ang mga mata. The eyeballs were just beside the head.
Hindi nila iisipin na si Destroyer ang gumawa niyon maliban sa isang note na nasa sahig. It was written in blood.
I will keep on destroying. Walang makakapigil sa akin. The people in this place aren’t saints. Malalaman ng buong mundo na ako lang ang dapat katakutan. I am the Destroyer. I will rule this world.
Nilapitan ni Jemimah ang isang box na malapit sa bangkay. Punong-puno iyon ng mga papel, larawan. Isa-isa nilang tiningnan, pinag-aralan sa pinakamabilis na paraan.
“Mga bank transactions ito ng biktimang si Father Guido Manaluz,” sabi ni Douglas. “Nakalagay dito na mayroon siyang sariling account at may mga politicians na naghuhulog doon. Especially at the times of election campaigns.”
Itinaas ni Jemimah ang mga larawan ni Manaluz kasama ang iba’t ibang babae sa mga events. Mayroon ding sachet ng drugs sa loob ng kahon. Tumayo siya at hinarap ang mga pulis na naroroon. “Profile.”
“Siya si Guido Manaluz, isa sa mga head priests sa simbahang ito,” panimula ng isang pulis. “Fifty-two years old na siya at mahigit tatlumpung-taon nang naninilbihan bilang pari.”
“CCTV’s?” tanong ni Ethan habang naglalakad paikot sa biktima. “Witnesses?”
“May mga CCTV’s sa entrance ng simbahan, maging sa residence ng mga pari. Pero walang nakuhang kahina-hinala doon,” sabi ng isa pang pulis. “Wala ring witnesses. Isang sakristan na nakatokang magbukas sa simbahan ang nakakita sa bangkay.”
Naglakad-lakad si Ethan hanggang sa tumigil ito sa tapat ng isa pang pinto. “Nasa entrance lang ang CCTV,” anito. “Hindi dito pinatay si Manaluz. Makikita sa mga patak ng dugo na binuhat lang ang katawan niya papunta sa parteng 'yan. Diyan lang siya ipinako. May nakita bang footage sa CCTV ng residence kung lumabas si Manaluz?”
“Simula nang matapos ang misa niya kahapon ng umaga ay hindi pa nahuli sa CCTV footage ang pagpasok niya sa residence,” sagot ng pulis.
Tumango-tango si Ethan. “Posibleng dinukot siya. Posible rin na kilala niya ang pumatay sa kanya.”
“Why the crucifixion?” naguguluhang tanong ni Jemimah. “And torture.”
“Because this is the Destroyer himself,” sagot ni Mitchel. Hindi nito inaalis ang tingin sa bangkay ni Manaluz. “This is his own kill, his own message. Na walang tao ang santo. Na lahat ay hindi makaliligtas sa kaparusahan ng kasalanan.”
“Kilala ni Destroyer ang biktimang ito,” seryosong sabi ni Ethan. “At siguradong kilala rin ng biktima si Destroyer kung pagbabasehan ang lahat ng nasa loob ng box na 'yan.”
“This is his way of killing?” umiiling na tanong ni Jemimah. Hindi niya matingnan ng matagal ang bangkay ni Manaluz. The priest was obviously tortured to death. Napabuntong-hininga siya. Siguradong magiging napakalaking balita nito, lalo na kapag lumabas ang corruption ng taong alagad ng simbahan.
“Si Destroyer na ang kumikilos ngayon,” sabi pa ni Ethan. “Why would he kill by himself now? Wala na ba siyang madiktahan? Wala nang malinlang? If the mastermind behind all these killings is already moving, then he knew he’s starting to lose. We are close to him. Ganito rin siya noon kay Papa. Siya ang mismong kumilos.”
Nakakaramdam ng takot si Jemimah pero pinilit na huwag pangibabawin iyon. Fear could make the wolf bigger than it is. Sabi ng isang kasabihan. Malapit na sila sa serial killer na hinahanap sa loob ng ilang taon.
“Crucifixion,” usal ni Mitchel. “Ang crucifixion noong unang panahon ay ang capital punishment para sa mga taong nagkakasala. A capital punishment for a priest.” Tumawa ito. “He has a grudge against them.”
Naalala ni Jemimah ang mga krus at religious stuffs na nakita nila sa den ni Destroyer. Ano ang nangyari dito para kalabanin ang Diyos?
The Destroyer wanted to be God. But that would be impossible. Because no one could be like God. No one.
Napatigil si Jemimah sa paghahanap ng ebidensya nang tumunog ang kanyang cell phone. Sinagot niya ang tawag na nagmula kay Chairman Marco Pulo.
“Senior Inspector,” panimula ni Marco. “May package na ipinadala dito sa SCIU. It is from Crow Overtaker. Hindi ko pa binubuksan, hihintayin ko kayo.”
“Yes, Sir.” Tinapos na niya ang tawag at nilapitan ang asawang si Ethan para sabihin dito ang balita. Ano ang package na iyon? Why was Crow Overtaker reaching them now?
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...