Douglas Ilagan
“DOUGLAS!”
Mabilis na ini-off ni Douglas ang laptop nang marinig ang pagtawag ng asawang si Karine sa baba. Binuhat niya mula sa crib ang one-year old na anak nilang si Mariel.
Bumaba siya ng hagdan. “Yes, baby? Hindi umiiyak si Mariel.”
“Ano bang ginagawa mo sa taas?” tanong ni Karine.
“Pinag-aaralan ko lang ang report na ginawa ng mga staffs natin.” Hinalikan niya sa mga labi ang asawa bago hinayaang kargahin nito ang anak nila. “The sales are increasing, baby. May talent din pala ako sa business.”
Simula nang mag-resign siya sa pagpupulis ay naisipan ni Douglas na magtayo ng sariling negosyo.
Naiiling na napatawa si Karine. “Tinawag kita kasi may bisita ka.” She pouted. “Si Lizette.”
Kumunot ang noo ni Douglas. “Lizette?” Lumakad siya patungo sa sala ng kanyang apartment at nakita nga na nakaupo sa couch si Lizette Salcedo. “Hindi ko alam na nakabalik ka na pala galing sa States.”
Binati siya ng babae. “Noong isang buwan pa ako nakabalik.” Sinulyapan nito si Karine at Mariel. “Siya na ba ang anak niyo? She’s so cute.”
“Thank you,” sabi ni Karine bago naupo sa tabi niya.
“Kumusta na pala ang kaibigan mong si Mae?” tanong ni Douglas.
“She’s good. Sa isang university sa States na siya nagtatrabaho. Hindi niya na nga lang gustong bumalik dito. Pero masaya ako na maayos na ang kalagayan niya.”
Tumango-tango siya. “For good ka na ba dito sa Pilipinas, Lizette?”
“Siguro?” Tumawa si Lizette. “Actually, nakatanggap ako ng tawag mula sa SCIU. Gusto nila na magtrabaho ako doon for the cold cases. Hindi ko lang alam kung tatanggapin ko.”
“SCIU?” Ngumiti si Douglas. “It’s your decision. Pero sana makabuo ka na rin ng sarili mong pamilya. Hindi ka na bumabata, Lizette,” biro niya.
Tiningnan siya ng masama ni Lizette. “Wala namang problema ang maging single. Huwag mo nga akong pakialaman.”
Tumawa siya. “Hindi mo ba gusto si Kevin? Single pa rin siya hanggang ngayon. Balita ko mas mataas na ang katungkulan niya sa Army.”
“Kevin Pascua?” Lizette rolled her eyes. “No way I’ll date that emotionless man.”
Ngumisi si Douglas pero tumigil na sa pang-aasar nang maramdaman ang pagsiko ni Karine. Tiningnan niya ang asawa na nakalabi na. Inakbayan niya ito. “Fine, do what you want, Lizette.” Ibinalik niya ang tingin dito. “I’m glad to see you again.”
Ngumiti si Lizette. “I just came here to see you and your family. Masaya ako na makitang masaya ka, Douglas. Pero huwag mong isipin na... na may nararamdaman pa ako sa'yo. I’ve moved on.” Tiningnan nito si Karine. “Totoo 'yon. Hindi ko na gusto si Douglas.”
Napatawa na sila ni Karine. “It’s fine, Lizette,” sabi ng asawa. “Katulad ng hiling ni Douglas, sana makabuo ka na rin ng sarili mong pamilya.”
Tumango si Lizette at nagpaalam na sa kanila. Inihatid ito ni Douglas hanggang sa pinto. Hinihiling niya na sana ay makahanap na rin ng kasiyahan ang babae, katulad niya. Nilingon ni Douglas ang asawang si Karine at anak na si Mariel. He was happy with this life. He was satisfied. And he couldn’t ask for more.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...