Chapter 50

1.6K 67 3
                                    

Jayden Sullivan
PUMASOK si Jayden sa loob ng isang apartment sa Las Piñas. Inalis niya ang suot na cap at face mask bago tiningnan ang lalaking nakaupo sa isang couch doon. “Bakit mo ako tinawagan? Kailangan mo ng tulong?” tanong niya.
“Have a seat,” wika ni Crow Overtaker. O mas tamang tawaging Julius Magpantay – ang pangalan na ibinigay dito ni Destroyer noon. Inabot nito ang coffee pot at nagbuhos ng kape sa dalawang tasa doon.
Naupo si Jayden sa katapat nitong couch. “Go straight to the point, Crow. Hindi ko gustong mag-aksaya ng oras dito.”
Tumawa si Julius. “Mahirap bang magtago, Jayden? Mukhang mararanasan ko na rin ang paghihirap na 'yan.” Pinaikot-ikot nito ang daliri sa tasa ng kapeng kaharap. He had prosthetic fingers.
Noong unang dinala ito ni Destroyer sa Bulacan, walang mga daliri si Julius. Hindi alam ni Jayden kung bakit. Hindi rin naman nagkukuwento si Julius. None of us knew what the others had experienced in the past. Nagkasama-sama sila pero hindi naman nakilala ang bawat isa.
Tiningnan ni Jayden ang mga maletang nasa sulok. “Hinahanap ka na rin nila,” usal niya.
“I didn’t expect that I will fail.” Kumuyom ang mga kamay ni Julius. “Kung napatay ko lang ang lalaking 'yon. Kung mas malakas lang ako ng pisikal.”
Sumandal si Jayden sa couch. “Ano ang kailangan mo sa akin?”
Tumingin sa kanya si Julius. “Where are you hiding, Jayden? Nakausap ko minsan si Destroyer at maging siya ay hindi alam kung saan ka nagtatago.” Umismid ito. “Hindi ba may dinukot kang newscaster? Patay na siya?”
“Hindi ko kailangang ipaalam sa'yo ang mga ginagawa ko,” malamig na tugon ni Jayden.
“Gusto lang naman kitang bisitahin minsan,” naiiling na sabi ni Julius. “I’ll be staying here for a while. Hindi ko alam kung alam na niya ang nangyari sa akin.”
Alam ni Jayden na si Destroyer ang tinutukoy ni Julius.
“What do you think he will do?” tanong ni Julius. “I disappointed him.” Makikita na ang galit sa mukha ng lalaki. “Ako lang ang dapat na nagbibigay ng kasiyahan sa kanya. Ako lang ang karapat-dapat na magpatuloy sa mga nasimulan niya. I am Crow Overtaker. I will be the best killer in this world.”
“Gawin mo,” balewalang sabi ni Jayden. “Hindi naman kita pipigilan.”
Ngumiti si Julius pero walang sinabi. “Drink your coffee first bago ka umalis.”
Inabot ni Jayden ang tasang nasa harap. “Hindi mo pa sinasabi ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito.”
Nakatitig ang lalaki sa loob ng ilang sandali. “Sinabi ko lang kung ano ang nasa isip ko.”
Binitawan ni Jayden ang hawak na tasa, nabasag iyon sa sahig. “You think you can kill me, Julius? Para ikaw na lang ang matira? Ikaw na lang ang pagkatiwalaan?” Tumayo siya, hinugot ang baril na nasa likod ng pantalon at itinutok sa lalaki. “Kapag nalaman niya na pinaghahanap ka na rin ng mga pulis, ipapatapos ka na rin niya sa akin. Katulad ng ginawa ko kay Hector.”
Tumayo rin si Julius, humakbang palapit sa baril hanggang sa nakalapat na ang ulo niyon sa dibdib nito. “Do it, Jayden. Kill me. Katulad din naman kita, 'di ba? You also want to be the best.”
Umismid si Jayden. “Huwag mo akong igaya sa'yo. Sumusunod ako sa utos dahil iyon ang kailangang gawin para malinis ang mundong ito.” Ibinaba niya ang hawak na baril. “Hindi kita papatayin ngayon kahit na plano mong lasunin ako.” Tiningnan niya ang nabasag na tasa at nabuhos na kape, may ibang kulay nang makikita doon.
“Keep on hiding, Julius,” payo pa niya. “Maging sa akin.”
Ngumiti si Julius pero makikita ang galit sa mga mata. Hindi na ito nagsalita hanggang sa makatalikod siya. Muling isinuot ni Jayden ang cap at face mask pagkalabas ng apartment.
Sigurado si Jayden na hindi agad susuko si Julius Magpantay. Gagawin nito ang lahat para makuha ang gusto. At alam niya na kapag bumagsak ito ay gusto ring idamay ang iba sa pagbagsak. He needed to be more careful.
BINUKSAN ni Jayden ang pinto ng bahay na pinagtataguan niya sa San Juan, Batangas at pumasok sa loob. Ipinatong niya sa sahig ang mga plastic bag na dala na naglalaman ng groceries. Gabi na siya namimili ng groceries para makaiwas sa maraming tao.
Tiningnan niya si Lauren na nakaupo sa kama, nakasunod lang ang tingin sa kanya. Hinubad ni Jayden ang suot na cap, face mask at itim na jacket bago kinuha ang biniling take-out food para sa dalaga. Inilapag niya iyon sa kama.
“Pumatay ka na naman?” nang-uuyam na tanong ni Lauren. “Gaano karami pa ba ang papatayin mo? Napakasama mo.”
“Hanggang sa malinis ang mundong ito,” sagot niya.
“Malinis?” sarkastikong ulit ni Lauren. “Wala kang karapatang sabihin na nililinis mo ang mundong ito. You all are monsters doing blind retribution.”
Marahas na hinawakan ni Jayden ang buhok ng dalaga. Napangiwi ito. He should kill her. Iyon ang dapat niyang gawin.
Binitawan niya ang buhok nito at malamig na tiningnan. “Wala kang alam sa akin. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang galit na pumupuno sa puso ko. Hindi mo kung gaano ako pinalakas ng galit na iyon. Wala kang alam!”
Tumulo na ang mga luha ni Lauren habang nakatingin sa kanya. Sinubukan nitong lumuhod sa kama para mapalapit sa kanya, tumingala ito. “T-tell me...” pumiyok na wika nito. “Jayden, please... g-gusto kong malaman kung ano'ng nangyari sa'yo. Gusto kong malaman kung bakit ka nagkaganito.”
Marahas na ini-iling ni Jayden ang ulo. Bakit? Bakit gusto nitong malaman? Ano pa ang magiging halaga niyon?
“W-what did they do to you?” garalgal na tanong ni Lauren, patuloy lang ang pag-iyak nito.
Napahawak na sa ulo si Jayden, umupo sa kama. “Ayoko nang maalala ang nakaraan. Bakit mo pa pinapaalala?! Bakit?!” Matalim niya itong tiningnan. “I will kill you.”
Pabagsak na naupo si Lauren sa tabi niya. Nagulat si Jayden nang isubsob ng dalaga ang mukha sa kanyang balikat. Naramdaman niya ang pamamasa niyon dahil sa luha.
“Kill me,” she murmured. “Pero bago 'yon, gusto ko munang maintindihan kung bakit ka nagkakaganito. Please... tell me, Jayden. What happened in your past?”
Hinawakan ni Jayden ang magkabilang braso ni Lauren para itulak ito palayo. Hindi niya maintindihan ang babaeng ito. Ikinuyom niya ang mga kamao. He would tell her – the past that he never told anyone else. At pagkatapos niyon ay ano'ng gagawin niya? Tatapusin niya na ang babaeng ito. Tatapusin niya na ang panggugulo nito sa kanyang misyon, sa kanyang pagkatao...

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon