Jemimah Remington-Maxwell
PUMASOK sina Jemimah sa loob ng bahay nina Paolo at Abel Peza sa Novaliches. Nakatanggap ang SCIU ng police report na natagpuan ang dalawang bangkay ng mga ito, at hinihilang related sa kasong hinahawakan nila.
Sira na ang pinto ng bahay pagkarating nila, nakakalat ang mga dugo sa sahig at dingding. Ang bangkay ni Abel Peza ay nakita sa isang pahabang couch, tadtad ng bala ang katawan. Ang isa namang bangkay – ang kay Paolo Peza – ay nasa sahig. There was a shot in his head. Pareho ring putol ang hinliliit ng mga ito.
“Ano ang relasyon nila?” tanong ni Ethan sa isa sa mga pulis na naroroon.
“Mag-ama sila. Isa sa mga kapitbahay nila ang nag-report sa police department dito. Sinabi niyang nagtaka siya nang makitang sira ang pinto dito, pagpasok niya ay nakita nga ang mga bangkay na ito.”
Nilapitan ni Jemimah ang bangkay ni Paolo Peza, makikita ang pasa sa mukha nito, maging sa ibang parte ng katawan. “I think he was abused,” usal niya.
“Another depressed victim.” Lumapit din si Ethan sa bangkay ni Paolo, kinuha ang isang video camera na nakakalat sa sahig. Binuksan nito iyon.
Tumayo si Jemimah para tingnan din ang video na pinapanood ng asawa. It was a video of Paolo Peza.
“P-paulit-ulit... paulit-ulit niya akong sinasaktan... b-binubugbog...” Naglumikot ang mga mata ni Paolo. “B-bata pa lang ako ay... ay sinasaktan niya na ako. A-ayoko na... k-kaya... kaya tinapos ko na ang kasamaan niya. S-sinunod ko ang inutos niya sa akin.” Lumipat ang tingin ng lalaki sa isang parte ng bahay pero hindi iyon nakikita dahil nasa likod ng camera. Sandaling ngumiti si Paolo bago ibinalik ang tingin sa harap ng camera.
“Pero... i-isa na akong halimaw...” Tumulo na ang mga luha ni Paolo, makikita ang sakit at kalungkutan sa mga mata. “I-isa na akong halimaw... m-mamamatay-tao... S-sinabi niya na kailangan... kailangan kong kalabanin ang mga halimaw sa mundong ito, masasamang tao. Kaya... kaya pinatay ko si papa... K-kaya dapat ko ring patahimikin ang halimaw sa loob ko...” Itinaas ni Paolo ang isang kamay na may hawak na baril, itinutok iyon sa sentido. “Kailangan ko ring... labanan ang halimaw na ito...” And then he pulled the trigger.
Napapikit si Jemimah. Base sa sinabi ng mga pulis kanina, nineteen years old pa lamang si Paolo Peza. Pero nasira ang buhay nito dahil sa panlilinlang ng serial killer na hinahanap nila. Bakit? Bakit hindi nila mapigilan ang taong gumagawa ng lahat ng ito? Gaano karami pa ba ang mamamatay?
Iminulat niya ang mga mata nang maramdaman ang masuyong paghaplos ni Ethan sa kanyang buhok. Kinalma ni Jemimah ang sarili. Kinuha niya sa asawa ang video camera para ilagay sa loob ng sampling bag. “Ipapadala ko 'to sa SCIU para ma-check ng forensics.” They should focus on work now. Hindi dapat niya paganahin ang kahit na anong emosyon.
“Someone was watching this Paolo Peza,” ani Ethan, lumingon sa isang parte ng dingding. “Siguradong sa parteng iyon siya nakatayo.” Lumapit doon ang asawa para maghanap ng posibleng mga ebidensya.
Si Jemimah naman ay hinanap kung mayroong cell phone o laptop na naroroon. Nothing. Maliit lang ang bahay at magulo iyon. Napakarami ring nakakalat na balat ng mga pagkain, bote ng gin at upos ng sigarilyo.
Napatingin siya kay Ethan nang makitang nakaluhod ito sa sahig, hinaplos ang parteng iyon bago inamoy ang mga daliri. Kumunot ang noo ng asawa, tumingin sa kanya. “Perfume.”
Mabilis na lumapit si Jemimah kay Ethan, hinawakan ang kamay nito para amuyin din ang daliri. Tama ito. It smelled like perfume. An expensive one – for women. Muli niya iyong inamoy. She smelt this scent before. Hindi lang maalala ni Jemimah kung saan.
“I’ll get a sample,” sabi ni Ethan. “Ipadala mo rin sa forensics. Imposible na pag-aari ng mag-amang Peza ito. And if you look closely, halatang may nabasag na bote dito. Pinunasan ang natapong pabango para maitago.”
Tumango si Jemimah at hinayaan na lang si Ethan na kumuha ng sample. He was more used to this.
A perfume for women. Iginala ni Jemimah ang tingin sa paligid, sa dalawang bangkay na naroroon. Hindi imposible na babae ang gumawa ng lahat ng ito. Lalo at wala namang physical labor na ginagawa ang serial killer. Pinaglalaruan lang nito ang utak ng isang depressed na tao para magawa ang lahat ng plano. A scary killer who, obviously, doesn’t have a heart.
“THE FORENSIC report is out,” balita ni Jemimah sa team na nakikinig lamang. Naroroon sila ngayon sa penthouse nila ni Ethan sa Maynila. Doon sila nag-stay habang hinihintay ang mga resulta ng ebidensyang nakuha nila sa bahay ng mga Peza kahapon.
“First, ang pangalan ng sample ng perfume na nakuha namin sa bahay nina Abel Peza ay Chanel Grand Extrait. It is a very expensive brand kaya nakakaduda na mayroon noon sa bahay ng mga Peza gayong wala namang matinong trabaho si Abel, nag-aaral pa lang si Paolo.” Inilapag ni Jemimah sa mesa ang isang bote ng perfume na tinutukoy niya.
Inabot iyon ni Mitchel para amuyin. “For a sophisticated woman,” usal nito.
“Hindi ibig sabihin ay iisipin na nating babae ang serial killer na hinahanap natin,” sabi ni Ethan. “But that still could help us.”
Tumikhim si Jemimah bago nagpatuloy. “Walang nakitang ibang fingerprints sa baril na ginamit ni Paolo Peza sa pagpatay sa kanyang ama at sarili. But there’s another fingerprints in the video camera we recovered.”
Nakinig lang ang buong team sa kanya.
Inilapag ni Jemimah ang isang papel kung saan naroroon ang profile ng may-ari ng fingerprints na na-recover sa video camera, may picture din doon. “Hector Quintallan. Isa siyang construction worker. Sinubukan naming kontakin ang pinagtatrabahuhan niya ngayon pero sinabi nilang hindi na pumapasok doon si Hector.”
Nagulat sila nang marahas na kinuha ni Mitchel ang papel, pinakatitigan nito ang lalaking nasa larawan. “Hindi ba siya ang lalaking namaril noon sa coffee shop ni Alexa? Iyong nasa balita?”
Kumunot ang noo ni Jemimah. Narinig niya ang tungkol sa nangyaring insidente sa coffee shop na pag-aari ng kaibigan niyang si Alexa pero hindi nakita ang suspect noon.
Posible na ang Hector na ito ang serial killer na hinahanap nila. Kung hindi, ano ang ginagawa nito sa bahay ng mga Peza?
“We have his address,” ani Jemimah. “Plano kong pumunta doon ngayon.”
“I’ll come with you,” sabi ni Mitchel.
“Isama niyo na rin si Douglas,” wika ni Ethan, lumapit sa kanya. “Tumawag sa akin si Marco, gusto niya akong makausap. I’ll see you later.”
Tumango si Jemimah. “Mag-iingat ka.”
“Kayo din. Kung pinaghahanap ng awtoridad ang lalaking ito, kakailanganin niyo ang back-up.” Hinalikan siya nito sa mga labi. “Be careful.”
Pasado alas-singko na ng hapon nang makarating sila nina Mitchel at Douglas sa address ni Hector Quintallan sa Pasig City. Isa iyong maliit na apartment. Nang makausap nila ang landlady ay sinabing matagal nang hindi nakikita doon si Hector, simula nang kumalat sa media at diyaryo ang mukha nito na pinaghahanap ng mga pulis.
Pumasok sila sa loob ng apartment ni Hector. Malinis iyon. Halatang wala ng nakatira sa loob ng ilang araw. They began searching the whole place for possible evidences na ito ang serial killer na hinahanap nila.
Napatigil si Jemimah nang mabuksan ang isang wooden wardrobe. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang naroroon. May mga putol-putol na katawan ng manika doon nakasabit, ang iba ay nakatambak sa sahig ng wardrobe.
Nalipat ang tingin niya sa itim na garbage bag na nasa gilid ng wardrobe. Nag-aalangang inabot iyon ni Jemimah para buksan. Puno rin iyon ng mga putol-putol na katawan ng mga maruruming manika.
“Psychopath.” Napapitlag si Jemimah nang marinig ang boses na iyon ni Mitchel mula sa likod. Nilingon niya ito na nakatingin na rin sa loob ng wardrobe.
Hinawakan nito ang mga nakasabit na ulo ng manika sa wardrobe. “Hindi ba pamilyar sa'yo ang mga 'to?” tanong ni Mitchel. “Chopped bodies. A black garbage bag.”
Napatingin si Jemimah sa lalaki. “Destroyer?”
Tumango si Mitchel. “Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may koneksiyon ang lalaking ito kay Destroyer. Simula pa nang gumawa siya ng insidente sa coffee shop ni Alexa at hinanap ang may-ari.”
Napaisip na si Jemimah. “Imposibleng magpakita sa atin si Hector. Pero sa pagkakaalam ko ay may remaining family pa siya, ang kanyang inang si Herminia Quintallan. Nakatira siya sa Marikina.”
“Let’s summon her to the headquarters. Gusto ko pang malaman kung anong klase ng tao itong si Hector Quintallan.”
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...