Chapter 53

1.2K 76 0
                                    

Paul Morales

PAGOD na naupo sina Paul sa sofa pagkarating nila sa hideout sa Cavite. Kagagaling lang nila sa manhunt operation para kina Jayden Sullivan at Julius Magpantay. They were still unsuccessful. Saan ba nagtatago ang dalawang iyon?

"They are trained to hide," mayamaya ay sabi ni Mitchel. "Alam na nilang pinaghahanap sila ng batas kaya malamang ay hindi sila lumalabas sa lugar na pinagtataguan nila."

"Jayden is a puppet of Destroyer," sabi ni Ethan. "Sigurado rin ako na ganoon din si Julius Magpantay kahit na wala tayong nakitang koneksiyon niya sa Destroyer Case. Posible na tinutulungan sila ni Destroyer na magtago. But it's also possible for Destroyer to kill those two to cover the trail that leads to him."

"I hope that won't happen," malungkot na sabi ni Jemimah. "Parehong may hawak na babae sina Jayden at Julius - sina Lauren Jacinto at Mae Latido. Our mission is to find all of them. As much as possible, alive."

Napahawak sa ulo si Paul. May mga nahawakan na siyang kaso ng hostaging pero madalas ay nakikitang patay na ang hostages. Sana ay hindi ganoon ang mangyari. But still, Sullivan and Magpantay were serial killers. Napakaliit na percent ang posibilidad na buhayin ng mga ito ang hawak na hostages.

Napatingin siya kina Bianca at Theia nang lumapit ang mga ito sa kanila para ilagay sa mesa ang tray na may lamang tasa ng kape. Paul stared at Bianca. He missed her. Nitong mga nakaraang araw ay naging sobrang abala sila. He wanted to hug and kiss her. Pero kailangan niyang magpigil sa harap ng maraming taong ito.

Sumulyap si Bianca sa kinauupuan niya. Napangiti si Paul nang makita ang pamumula ng mukha nito bago nagmamadaling lumakad pabalik sa kusina.

Nakasunod lang ang tingin ni Paul dito. Bigla ay nawala ang pagod na nararamdaman niya dahil sa pagkakita sa dalaga. Ibinalik ni Paul ang tingin sa mga kasamahan at nasalubong ang tingin ni Jemimah. Mabilis niyang iniyuko ang ulo.

Paul knew someone would notice his feelings for Bianca. Dahil maging sa sarili ay nahihirapan na ring itago iyon.

Tumikhim si Ethan na nakatayo malapit sa white board kung saan nakadikit ang lahat ng information kina Jayden at Lauren. Sa ibabang parte ng board ay mga larawan nina Julius Magpantay at Mae Latido.

"May nakuha ka bang impormasyon tungkol kay Julius Magpantay?" tanong nito kay Joshua Sann na naroroon din.

Kahit kinuha na sa team ni Joshua ang Destroyer Case ay pinayagan pa rin ito nina Ethan na tumulong sa imbestigasyon.

Binigyan sila ni Joshua ng copies ng informations na nakuha nito. "As you can see, the name Julius Magpantay has nothing suspicious," panimula ni Joshua. "He is a psychiatrist. Nag-aral at tumira siya sa ibang bansa sa loob ng walong taon. Five years ago nang bumalik siya dito sa Pilipinas para dito na mag-trabaho. He's also an adopted child. Pero pareho nang patay ang mga adoptive parents niya."

"He was adopted when he was still a baby," sabi ni Ethan. "By Robert and Carolina Magpantay. Paano namatay ang mga adoptive parents niya?"

Joshua flipped the pages of his report. "Namatay si Carolina Magpantay dahil sa sakit na cancer. Sampung taong gulang si Julius noon. Si Robert Magpantay naman ay namatay dahil sa isang car accident. Julius was thirteen. Wala siyang kapatid."

"Thirteen?" Kumunot ang noo ni Jemimah. "Paano siya nakapag-aral at tumira sa ibang bansa kung mag-isa na lang siya mula ng thirteen years old siya?"

"Isang police officer si Robert Magpantay," sabi ni Joshua. "Legal na anak si Julius kaya sa kanya napunta ang lahat ng naiwang pera at ari-arian ni Robert. Pero nakuha niya lang iyon nang tumungtong siyang eighteen. He was eighteen when he went to the States according sa informations niya."

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon