Chapter 78

1.2K 73 3
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
NAKITA ni Jemimah ang pag-angat ng tingin ni Antonio Morales nang pumasok sila sa loob ng interrogation room sa SCIU. Kasama niya na ngayon si Ethan. Hindi sila naroroon para interogahin ang lalaki. Naroroon sila para bigyan ng tuldok ang relasyon dito.
Sa susunod na linggo na ang public trial ni Antonio at hindi na sila ang hahawak sa kaso nito kundi ibang team na pamumunuan pa rin ni Marco. Hanggang ngayon ay wala pa ring hinihiling na lawyer ang lalaki. Pero hindi na nila gustong abalahin ang sarili doon.
“Ethan,” banggit ni Antonio sa pangalan ng asawa nang makaupo sila sa harapan nito. “Akala ko hindi mo na ako gustong makita.”
“Huwag mo akong kausapin na parang wala kang ginawang kasalanan, Antonio,” mariing sabi ni Ethan. “Hindi ako nandito para interogahin ka o ano. Nandito ako para tapusin na ang lahat tungkol sa atin. Ito na ang huling beses na haharap kami sa'yo. I don’t want anything to do with you and your case anymore, Antonio. Sapat na sa akin ang matanggal ang maskara mo at maiharap sa mga tao.”
Nakatitig lamang sa kanila si Antonio, walang emosyon ang mukha. Ilang sandali lang ay tumuwid ito ng upo. “Hindi niyo pa rin ako maintindihan. Nililinis ko lang ang mundong ito. Kung nasaktan ko kayo, hindi ko sinasadya 'yon. Mahalaga ka sa akin, Ethan. Ikaw ang gusto kong maging anak.”
“Shut up, Antonio.” Nakita ni Jemimah ang pagkuyom ng mga kamao ni Ethan. Hinaplos-haplos niya ang braso nito para pakalmahin. “Hinding-hindi kita titingnan na parang ama. Si Jordan Maxwell lang ang ama ko.”
“I am better than Jordan,” umiiling na sabi pa ni Antonio.
Kumunot ang noo ni Jemimah. So there was envy in Antonio Morales’ heart. Pakiramdam niya ay galit na galit ito kay Jordan Maxwell. Hindi niya alam kung bakit. At siguradong hindi na rin malalaman. Mitchel said that a psychopath like Antonio would never talk about himself.
Bumuntong-hininga si Ethan. “Hindi ko na gustong patagalin pa ang usapan na ito. We came here to end everything.” Sandaling huminto ang asawa, inabot ang kanyang kamay para kalmahin ang sarili. “I want to forget everything, Antonio. Kahit masakit. Kahit mahirap. Gusto kong subukang patawarin ka at hayaan na... na ang mundo...” Umiling ito. “Na ang Diyos na ang humusga sa katulad mo.”
Jemimah wanted to smile. She was so proud of him. Alam niya na napakahirap niyon para kay Ethan.
Inilipat niya ang tingin kay Antonio at nakita ang pagsasalubong ng mga kilay nito, naguguluhan. “Hindi,” sabi nito. “Hindi ko kayo maintindihan. Magpatawad? Dapat patayin niyo ako. Dapat pinatay mo na ako noong may pagkakataon ka, Ethan. Pero naduwag ka rin, hindi ba? Kaya ang traydor na Jayden na 'yon ang gumawa!”
“Killing you won’t change anything,” usal ni Ethan. “Oo, muntik na kitang mapatay noon. Pero nagpapasalamat ako dahil hindi ko ginawa. Kung hindi baka ako ngayon ay nakabaon sa paghihirap, sa konsensiya. No, I will not kill you. We will forget about you after all this. Bubuo kami ng buhay na wala nang galit na nakabaon sa puso.”
Kumuyom ang mga kamao ni Antonio. “You all are weak,” usal nito. “Pareho ka rin ng ama mo. Isa ka nga talagang Maxwell.”
Tumayo na si Ethan at sumunod si Jemimah. “This is the end, Antonio. This is goodbye.”
Hinila na siya ng asawa palabas ng interrogation room. Pinatigil niya sa paglalakad si Ethan para yakapin ng mahigpit.
“Thank you,” bulong ni Jemimah, napahikbi na. “Sigurado ako na ganito rin ang gusto ng iyong Papa at Mama. Ang mamuhay ka, kayo ni Bianca nang normal, nang walang galit at poot sa puso.”
Mahigpit na ginantihan ni Ethan ang yakap niya. “Sana masaya na sina Papa sa kung saan man sila naroroon. Siya pa rin ang dahilan kaya nahuli si Antonio.”
Tumingala si Jemimah dito. “Si Marco na ang bahala sa lahat. Sinabi rin niya na sabay-sabay na tayong aalis sa SCIU.”
Ngumiti si Ethan. “Let’s live far away from here, Jemimah,” anito. “We can even go abroad. Marami naman akong naipon para makapagsimula uli tayo ng bagong buhay.”
Napuno ng pagkasabik ang puso ni Jemimah, tumango-tango. Kahit saang lugar pa siya dalhin ni Ethan ay sasama siya.
NAIBAGSAK ni Jemimah ang hawak na baso nang marinig kung ano ang ibinalita sa kanya ng asawang si Ethan nang umagang iyon. Napahawak siya sa gilid ng mesa para suportahan ang sarili.
Nagyuko ng ulo si Ethan, may kalungkutan sa mukha. “Tumawag sa akin si Marco, pinapupunta nila tayo doon ngayon.”
Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Jemimah para kalmahin ang sarili bago sumunod sa asawa palabas ng penthouse nila. Walang salitaang namagitan sa kanilang dalawa habang bumibiyahe patungo sa SCIU Headquarters.
Nakasunod lamang si Jemimah sa asawa hanggang sa makarating sila sa isolated jail ng SCIU. May mga pulis ng nakatumpok doon, ganoon din si Marco Pulo na nakasandal sa pader, nakahawak sa ulo.
Tumingin sa kanila si Marco, bahagyang tumango. Pumasok sa loob ng isang bilangguan sina Ethan. Natutop ni Jemimah ang sariling bibig nang makita sa sahig ang bangkay ni Antonio Morales, naliligo na sa sariling dugo. Nakasaksak sa leeg nito ang isang malaking pako, may laslas din ang magkabilang kamay nito.
May mga medics nang naroroon na nakayuko na lamang din, tanda na patay na talaga ang lalaki. Nalipat ang tingin ni Jemimah sa isang sulok at nakitang nakaupo doon si Paul. Nakasubsob ang mukha ng lalaki sa dalawang kamay habang umiiyak.
Humakbang siya palapit dito. “P-Paul...” Lumuhod si Jemimah sa harapan ng lalaki. “I... I’m sorry...”
“I hate him,” galit na galit na sabi ni Paul. “Ngayon... ngayon lang ako nagkalakas ng loob na harapin siya. G-gusto kong sabihin na... na puwedeng ako ang tumayo sa trial niya bukas kung... kung magpapakita siya ng guilt... S-siya pa rin ang ama ko at gusto ko siyang iligtas. Pero... pero ito ang matatagpuan ko?” Napasabunot na sa sariling buhok si Paul. “Why did he do this?! He wanted to end everything by dying?! Tumakbo siya sa parusa niya! Duwag siya! Napakasama niya.”
Hindi na napigilan ni Jemimah ang mapaiyak. Niyakap niya si Paul para pakalmahin ito. Why? Why would Antonio do this? Mas pinili nito ang mamatay kaysa magdusa sa kulungan.
Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na si Jemimah, nilapitan ang asawang si Ethan na nakatayo malapit sa bangkay ni Antonio. Tiningnan niya ang tinitingnan nito at nakita ang nakasulat sa sahig – a suicide message written in blood.
I know I did well. – Destroyer.
Sa tabi niyon ay ang isang Holy Bible. Inabot iyon ni Ethan at binuklat-buklat. Hinaplos ni Ethan ang isang tape na nakakabit sa dulong pahina ng Bibliya. Tumingin ito sa kanya. Doon marahil nakatago ang pako na ginamit ni Antonio para magpakamatay.
“Who gave this to him?”mariing tanong ni Ethan.
“Dala niya na po 'yan mula nang mahuli siya, kahit noong nasa ospital,” sagot ng isang pulis na nagbantay dito, nakayuko. “Sinubukan po naming kunin pero hindi siya tumitigil sa pagwawala. A-akala namin ay simpleng Bibliya lamang 'yan.”
Inabot ni Ethan ang Bibliya sa pulis bago lumakad palabas ng bilangguan. Sinulyapan muli ni Jemimah ang bangkay ni Antonio. He must have planned this all along. He planned to kill himself and end all the sufferings in the easiest way.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon