Chapter 59

1.1K 62 2
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
KUMUNOT ang noo ni Jemimah nang makita ang isang smartphone sa loob ng package na ipinadala sa kanila ni Crow Overtaker. May nakadikit doong isang sticky note na may nakasulat na: Find him here.
Kinuha sa kanya ni Ethan ang cell phone at binuksan iyon. It was not password-protected. Inabot nito ang aparato kay Theia. “Look at it.”
Tumango si Theia. She connected the phone to the laptop in front of her. “Wala kahit anong files sa phone na 'to. But there’s an email. May naka-attach sa email. I’ll download it.”
“Is it safe to download?” tanong pa ni Douglas.
“Yes, my own laptop’s safe.” Ngumiti pa si Theia. Sandali lang silang naghintay nang muling magsalita ang babae. “This is a GPS recording.”
Tiningnan nila ang nagpe-play na recording ng ways papunta sa isang lugar. “Should we follow it?” tanong ni Jemimah, tiningnan si Ethan.
Tumango ang asawa. “Tayong dalawa na lang and police back-ups. Hindi natin alam kung gaano kadelikado ang lugar na tinutumbok ng recording na 'yan at kung bakit tayo pinapupunta diyan ni Overtaker.”
Sumunod lang si Jemimah kay Ethan. The recording started from a tollway going south. Sandaling pinag-aralan ni Ethan ang GPS recording. Madali lang para dito ang bumasa ng mapa. “Batangas,” sabi ng asawa. “San Juan, Batangas.”
Hindi nila alam kung ano ang mayroon sa lugar na iyon. Ano ang plano ni Crow Overtaker?
Mahigit apat na oras din ang naging biyahe nila papuntang San Juan, Batangas. Nang makarating doon ay sinundan na ni Ethan ang GPS recording para malaman kung ano ang lugar na tinutumbok niyon. It was a place in Laiya. Malayo sa kabihasnan. Mabibilang lang sa daliri ang mga bahay na nakita ni Jemimah.
Tumigil ang sasakyan nila sa tapat ng isang malaking sementadong bahay. Sobrang dilim na noon at tanging ilaw lang ng mga sasakyan ang nagbibigay liwanag doon. Inutusan ni Ethan ang mga police back-up na palibutan ang buong bahay.
They pulled out their guns before going near the house. Napakatahimik doon. Nasa unahan ni Jemimah si Ethan. Tumigil ang asawa nang makita ang sirang pinto ng bahay. He carefully entered and turned on the lights.
Agad na bumungad kina Jemimah ang magulong loob. May isang kama doon na wala sa ayos, may mga kadena rin. Someone must be taken as hostage in that place.
“It’s all clear!” sigaw ni Ethan.
Ibinalik ni Jemimah ang baril sa holster at nagsimula na sila sa pag-inspeksyon sa buong bahay. May mga groceries pa na naroroon. Lumapit siya sa kama at inabot ang mga kadena. She could see blood and skin particles from there. Ni-radyo-han niya ang forensics na kasama para kumuha ng sample.
“Blood,” narinig niyang sabi ni Ethan. Nakaluhod na ang lalaki sa isang parte ng sahig na may bahid ng dugo. Inutusan din nito ang forensics na kumuha ng sample ng dugong iyon.
Iginala ni Jemimah ang tingin sa buong bahay. Hindi kalakihan iyon. May isang sofa, isang mesa at lutuan. Wala ring kahit isang bintana. “Sino ang nagtatago sa lugar na ito? Bakit tayo dito dinala ni Crow?”
Sabay silang napatingin ni Ethan sa isang pulis na nagmamadaling pumasok sa loob. “Senior Inspector, may nakita kami sa labas.”
Mabilis na sumunod sina Jemimah sa pulis patungo sa gilid ng bahay. Gamit ang hawak na flashlight ng pulis ay nakita nila ang isang nakabaong hatchet sa lupa.
Binunot iyon ni Ethan, kumunot ang noo nang mapansin na parang babagong hukay lamang ang parte ng lupang iyon. He started to dig. Tinulungan ito ni Jemimah hanggang sa makita nila ang isang nakabaong cell phone. Sinubukang buksan iyon ng asawa pero may password.
Tiningnan ni Ethan ang hatchet na hawak. “Hatchet,” usal nito. “Ito ang lumabas na murder weapon na ginamit sa lahat ng biktima ng Destroyer Case. Destroyer. Jayden Sullivan. Ito ang pinagtataguan ni Jayden Sullivan.”
Nagulat si Jemimah. Bakit itinuro ni Crow Overtaker ang lugar na ito? Hindi ba at magkakampi ang mga ito?
“May mga nakita po kaming footprints at marka ng gulong ng sasakyan,” sabi ng pulis na kasama nila. “Mukhang nakatakas na sila.”
Tumayo si Ethan. “Kailangan nating madala kaagad sa headquarters ang mga nakuhang ebidensya.”
Inabot ni Jemimah ang radyo para mag-utos sa mga pulis na naroroon. “Keep on searching the grounds. Close the vicinity of this house. Babalik muna kami sa HQ.”
Pagkabalik nila sa SCIU Headquarters ay agad na ibinigay sa forensics team ang mga nakuhang ebidensya. Habang naghihintay ng resulta ay nagpahinga muna sila sa loob ng opisina ng kanilang team.
Nagising sina Jemimah nang makarinig ng katok. Nauna nang tumayo si Ethan para buksan ang pinto. Pumasok sa loob si Melissa Bennett para ibigay sa kanila ang resulta ng mga nakuhang samples.
Tumikhim muna si Melissa bago nagsimula. “Unahin natin ang blood sample na sinabi niyong nakita sa sahig ng bahay na pinuntahan niyo. It matches Julius Magpantay’s DNA. Ang blood sample at skin particles naman na nanggaling sa kadena ay nag-match sa DNA ni Lauren Jacinto. The hatchet has Jayden Sullivan’s fingerprints. Sila ang mga hinahanap niyo, 'di ba?”
Tumango si Jemimah habang nakatingin sa hawak na papel. Bakit naroroon si Julius Magpantay? Ano ang nangyari dito at kay Jayden Sullivan?
Napatingin siya sa cell phone na nasa mesa nang tumunog iyon. Sinagot ni Jemimah ang tawag mula kay Theia. Naroroon lang ang mga ito sa penthouse nila sa Manila. Doon nila idinaan ang cell phone na nakita sa hideout ni Jayden.
“Theia, nabuksan niyo ba ang phone?” tanong ni Jemimah.
“Yes. It’s Lauren Jacinto’s phone,” sagot ni Theia. “There’s nothing much in that phone, maliban sa bagong note na naka-save. Kanina lang iyon. It’s an address in Las Piñas, Jemimah. Ise-send ko sa e-mail mo ang screenshot.”

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon