Chapter 11

1.3K 67 6
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
NAKATINGIN lamang si Jemimah kay Inspector Joshua Sann na nasa harap nila. Nauna na ito sa apartment ni Jayden Sullivan kung saan sila nakipagkita. Tinupad naman ni Joshua ang pangako nitong mag-isa lamang pupunta doon.
Tumaas ang isang gilid ng mga labi ni Joshua bago inalis ang tingin kay Ethan na kasama niya. “I knew you’re not dead,” umiiling na sabi nito. “Hindi ka magiging anak ni Jordan Maxwell kung susuko ka na lang kaagad.”
“You talk like you know a lot about my father,” seryosong sabi ni Ethan.
Napakamot sa ulo si Joshua. “Hindi ko ba nabanggit sa inyo? Si Investigator Jordan Maxwell ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho ngayon sa NBI. He was my inspiration. The man who taught me a lot about this job.”
Ngayon lang nalaman ni Jemimah ang tungkol doon. Tiningnan niya ang asawa pero mukhang hindi na naman ito nagulat.
“Madalas ngang naikukuwento noon ni Papa ang tungkol sa mga tinuturuan niyang batang gustong maging investigator na tulad niya,” wika ni Ethan. “Masaya ako na may nakaka-alala pa sa kanya.”
Sandaling nakatitig si Joshua kay Ethan bago ito nagsalita. “He saved me.”
Kumunot ang noo ni Jemimah. Itatanong niya sana kung ano ang ibig nitong sabihin nang makarinig sila ng kalabog sa labas ng pinto ng apartment ni Jayden.
Humakbang palapit sa pinto si Joshua, nakahawak ang isang kamay sa holster ng baril na nasa baywang nito. Maingat nitong binuksan ang pinto. Sumalubong sa kanilang lahat ang isang babaeng nakaluhod sa sahig at ipinapasok sa loob ng box ang mga nahulog na magazines.
Nag-angat ng tingin ang babae, nagulat pagkakita sa kanila. Mabilis itong tumayo pagkatapos mapulot ang lahat ng magazines. Pumasok ang babae sa loob ng apartment para mailapag sa malapit na mesita ang dalang box.
“H-hindi ko alam na may tao pala dito,” wika ng babae. Tiningnan nito si Joshua na nakasuot ng police uniform. “Pulis kayong lahat?”
Pinagmasdan ni Jemimah ang babae. Siguro ay nasa early-twenties pa lang din ito. Maganda ang babae na may mahabang buhok, medyo magulo nga lang ang pagkakatali. Nakasuot ito ng blue shirt at maong shorts, may glasses din sa mata.
“Sino ka?” ma-awtoridad na tanong ni Joshua. “Ano'ng ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na restricted ang lugar na ito sa mga civilians?”
Lumabi ang babae. “So totoo nga ang hinala ko? Nasa panganib sina Lauren at Jayden?”
“Kilala mo sila?” tanong ni Jemimah, lumapit sa babae. “Ako si Senior Inspector Jemimah Maxwell.”
Tumango ang babae. “I’m Gabrielle Legaspi. Kilala ko silang dalawa dahil katrabaho ko sila noon sa DP News. Magkaibigan kami ni Lauren, ipinakilala niya rin sa akin si Jayden. Mahigit isang linggo ko nang hindi nako-contact si Lauren. Sinubukan ko siyang puntahan sa bahay niya pero walang sumasagot doon. Kaya naisipan kong puntahan na si Jayden para magtanong. Mukhang wala rin siya, tama ba?”
Nagkatinginan sila ni Ethan. Hindi nila puwedeng sabihin sa babae ang kasalukuyang sitwasyon.
“Sinabi ko na kay Lauren na tumigil na siya,” naiiyak na dugtong ni Gabrielle. “Na huwag na siyang makisali sa imbestigasyon sa Destroyer na 'yon.”
Nilapitan pa ni Jemimah si Gabrielle, marahang tinapik ang likod nito. “Gagawin namin ang lahat para mahanap si Lauren,” mahinahong wika niya.
Tumingin sa kanya si Gabrielle, pinunasan ang mga luha. “N-naniniwala ako na hindi agad susuko si Lauren. Imposibleng mawala na lang siya ng ganito. Lalaban siya kahit na ano'ng mangyari, alam ko 'yon.”
Pinakatitigan ni Jemimah ang babae, mukhang kilalang-kilala talaga nito si Lauren Jacinto. Nalipat ang tingin niya kay Ethan nang lumapit ito sa kanila.
“Matagal na ba kayong magkaibigan ni Lauren Jacinto?” tanong ni Ethan.
“Magkakilala na kami simula pa noong nag-aaral pa sa college. Iisa lang ang university na pinasukan namin, iisang course. Mas pinili lang ni Lauren na maging newscaster, at ako ay journalist sa DP News.” Iniyuko ni Gabrielle ang ulo. “Gustong-gusto niyang maging isang newscaster na tanging katotohanan lang ang inilalabas. Isang newscaster na hindi mababayaran ng kahit sino.”
“Si Jayden Sullivan? Matagal mo na rin ba siyang kilala?” patuloy na pagtatanong ni Ethan.
Umiling si Gabrielle. “Nakilala ko lang siya nang magsimula siyang mag-trabaho sa DP News. Pareho kaming journalist pero dahil magkaiba ang mga klase ng articles na sinusulat namin kaya hindi ko kaagad siya nakilala. Si Lauren ang nagpakilala sa kanya sa akin.” Tumingin ito kay Ethan. “Sa pagkakatanda ko, tungkol sa mga murder cases ang articles na sinusulat ni Jayden, kasama na ang sa Destroyer Case na pinagkaabalahan ni Lauren nitong nakaraang mga buwan. Tama ba ako na iyon ang dahilan ng pagkawala nila?”
“Alam mong hindi kami puwedeng maglabas ng kahit ano tungkol sa isang on-going investigation sa ibang tao,” ani Ethan.
Tumango-tango si Gabrielle. “Naiintindihan ko. I know your protocols.” Humugot ito ng malalim na hininga. “Nagpunta lang naman ako dito para magbaka-sakaling makikita ko si Jayden.”
“But you can be of help,” sabi pa ni Ethan. “May ilan akong katanungan sa'yo kung ayos lang. It’s about Lauren.”
Nagtaka si Gabrielle pero tumango rin naman. Naupo silang lahat sa couch na naroroon. Sandaling iginala ni Gabrielle ang tingin sa buong apartment. “Nandito ba kayo para humanap ng ebidensya? Nakapunta na rin kayo sa bahay ni Lauren?”
Tumango si Jemimah. “Nanggaling na kami doon kanina.” Kinuha nila sa bahay ni Lauren ang iba’t ibang files na naroroon, maging ang isang laptop. Sinabi ni Ethan na kailangan din nilang malaman kung hanggang saan ang naging imbestigasyon ni Lauren sa Destroyer Case. Kung saan ito nagpupunta o may scheduled appointment ito with Jayden.
“Bakit mo nga pala naisipang hanapin si Lauren kay Jayden?” tanong ni Ethan.
“Dahil alam kong close sila,” sagot ni Gabrielle. “O dahil madalas na bukam-bibig ni Lauren si Jayden. Sila rin ang madalas na magkasama nitong nakaraang mga buwan simula nang mangyari ang incident kay Ash.”
Ash. Si Danny Abellana na photographer ni Jayden Sullivan noon. Dahil din sa insidenteng iyon kaya nila nakilala si Lauren Jacinto.
“Wala ka bang napapansing kakaiba kina Jayden at Lauren nitong nakaraang mga linggo?” tanong naman ni Jemimah.
“Wala naman. Maliban sa nabawasan na ang socialization ni Lauren sa amin simula nang matanggal siya sa DP News, maging sa sunod na company na pinagtrabahuhan niya.” Sandaling huminto si Gabrielle. “I don’t really understand Lauren. Bakit kailangan niya pang ipahamak ang sarili?”
“Because she wanted to help find justice,” sagot ni Joshua. “Ganoon din ang ginagawa namin. At gagawin namin ang lahat para hindi mabalewala ang ginawa ng kaibigan mo.”
“Justice,” usal ni Gabrielle. Ilang saglit lang ay tumingin uli  ito sa kanila, ngumiti. “I know Lauren’s still alive somewhere. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi siya ang klase ng tao na mawawala ng walang kalaban-laban.”
“Alam mo ba kung nasaan ang tunay na pamilya ni Lauren?” mayamaya ay tanong ni Jemimah. “Nabasa namin ang profile niya, nakalagay doon na adopted child siya pero nasa ibang bansa na ang mga taong umampon sa kanya.”
“Base sa kuwento niya noon, bata pa lang naging ulila si Lauren. Hindi niya na daw maalala ang tungkol sa mga tunay na magulang niya. Ang adoptive family niya naman ay pinabayaan na rin siya after maka-graduate ng college. Hindi kasi gusto ni Lauren na magpunta sa abroad para doon tumira.”
“Matagal na silang walang komunikasyon ng adoptive family niya?” tanong ni Jemimah.
Tumango si Gabrielle. “Hindi na rin nababanggit ni Lauren ang tungkol sa kanila. She lived alone for a long time now. Siguradong hindi rin alam ng adoptive family ni Lauren ang nangyayari sa kaibigan ko.”
Napatigil sila sa pag-uusap nang tumunog ang cell phone ni Jemimah. Sandali siyang lumayo sa mga ito para sagutin ang tawag mula kay Mitchel. Sinabi ng lalaki na nakabalik na ang mga ito galing Mindoro at gusto silang makausap.
Bumalik si Jemimah sa kinauupan pagkatapos ng tawag, sinabi kay Ethan na gusto silang makausap ni Mitchel. Tumango naman ang asawa.
“Kailangan na naming umalis,” ani Ethan, tinanguan si Gabrielle bago sumulyap kay Joshua.
Nang tumayo si Ethan ay sumunod lang si Jemimah. Nginitian niya si Gabrielle na may pag-aalala pa rin sa mukha. “We will keep on looking for Lauren,” aniya. “Naniniwala rin ako na buhay pa siya.”
Inihatid sila ni Joshua hanggang sa labas ng apartment. Hinarap ni Ethan ang lalaki.
“Ang rason kaya nakipagkita kami sa'yo ay para humingi ng pahintulot na makita ang case report ni Kristina Lopez,” wika ni Ethan.
Ngumiti si Joshua. “I know someone from your team will go looking for that. Let me in to your investigation, Maxwell. Magtulungan tayo.”
Nakatitig lang si Ethan kay Joshua sa loob ng ilang sandali bago ito sumagot. “Pag-iisipan ko, Inspector. Kailangan ko ring kunin ang opinyon ng mga kasama ko.”
“I’ll wait for your call,” tumatangong sabi ni Joshua.
Pagkarating nila sa sasakyan, pinagmasdan lang ni Jemimah ang asawa. “Hindi mo ba siya pinagkakatiwalaan?”
“Hindi ganoon kadali,” sagot ng asawa. “Nagtatrabaho pa rin siya sa NBI. Pero kailangan nating pag-aralan ang latest killing na iyon ni Destroyer.”
“Kapalit niyon ay hahayaan nating makapasok si Joshua sa imbestigasyon natin.”
“He’s an investigator,” ani Ethan. “He knows how things in this job works.”
Lumabi si Jemimah. Wala naman siyang problema kay Joshua. Pero may sarili rin itong team. At sa pagrami ng mga taong nakakaalam ng imbestigasyon nila, mas nagiging delikado ang lahat. Tama rin si Ethan na hindi madaling magtiwala. Isang patunay na doon si Jayden Sullivan.
NAKINIG lamang sina Jemimah sa lahat ng sinabi ni Mitchel tungkol sa kinalabasan ng pagpunta ng mga ito sa Mindoro. Inilapag ni Mitchel sa mesa ang dalawang folders. “Ito ang mga case reports sa pagkamatay ng nina RJ and Geraldine Sullivan galing sa mga nag-imbestiga noon sa police department ng Mindoro.”
Binuksan iyon ni Jemimah, binasa habang nakikinig sa sinasabi ni Mitchel.
“Ang legal father ni Jayden na si RJ Sullivan ay namatay noong nasa elementary pa lamang si Jayden,” ani Mitchel. “Heart attack ang nakasulat na dahilan. Si Geraldine Sullivan naman ay namatay bago tumungtong si Jayden ng high school. Nakita siyang tadtad ng saksak ang katawan sa loob ng kuwarto ng isang inn sa Mindoro.”
Binasa ni Jemimah ang naging imbestigasyon sa pagkamatay ni Geraldine Sullivan. Nakalagay doon na robbery and homicide ang kinahinatnan ng kaso. Nawala ang lahat ng pera at mahahalagang gamit sa bag ng biktima. Ang nahuling suspect ay nagngangalang Simon Willis – isang foreigner na kasama ni Geraldine nang mag-check-in ito sa inn.
Itinanggi ng suspect na si Simon ang mga bintang pero dahil sa physical evidences ay naidiin ito. Fingerprints on Geraldine’s body. May nakita ring illegal drugs sa possession ng suspect.
“The murder weapon was not found,” usal ni Jemimah, tumingin kina Mitchel.
“Ilang taon na nang makalaya si Simon Willis, sabi ng mga pulis na umaresto sa kanya noon,” ani Douglas. “Pinayagan siyang mag-bail. Pero hanggang sa huling trial niya, itinatanggi pa rin niyang nakapatay siya.”
“May possibility na na-frame-up nga lang siya,” wika ni Jemimah. “Pero ang tanong ay kung ano ang relasyon nitong si Simon Willis kay Geraldine Sullivan at magkasama pa sila sa isang inn? Is he another affair?”
“Widow na si Geraldine ng panahon na 'yan kaya walang problema,” sabi ni Mitchel. “Magagawa niya na ang kahit ano'ng gustuhin niya. Too bad may pumutol sa kalayaan niya.”
“Congestive Heart Failure.” Napatingin sila kay Ethan nang banggitin nito iyon. Nakatingin pa rin ang asawa sa folder na hawak nito. “Ayon sa statement ni Geraldine Sullivan dito, may ganoong sakit si RJ Sullivan.”
Tumayo si Ethan, lumakad patungo sa table ng computer equipment kung saan doon nakaupo si Frank Rodriguez na kasalukuyang ginagawa ang inutos ni Ethan dito kanina pagkarating nila. Pinagpahinga muna nila si Theia sa trabaho nito. Nakasunod lamang sila dito.
“Can you look for RJ Sullivan’s profile?” tanong ni Ethan kay Frank na itinigil muna ang ginagawa. “Kung saan siya nag-trabaho noon bilang OFW.”
Tumango si Frank, muling nagpipindot sa keyboard na kaharap. Tumingin si Jemimah kay Ethan. “What’s wrong?”
“Let’s wait.”
Ilang sandali lang ay sinabi na ni Frank ang pangalan ng agency na nagpadala kay RJ Sullivan sa ibang bansa, ganoon din ang company na pinagtrabahuhan nito sa Dubai.
“Dubai,” usal ni Ethan. “Mapapadalhan mo ba ng e-mail ang agency na nagpadala kay RJ sa ibang bansa? Maging ang company niya sa Dubai? Ask them if they still have copies of his medical records.”
Sumunod lang naman si Frank. “Hopefully sumagot kaagad sila.”
“Use the SCIU’s seal,” utos ni Mitchel. “Kaya mo namang gawin 'yon, 'di ba?”
Tumango si Frank.
Naupo si Ethan sa malapit na silya bago tumingin sa kanila. “Nagtataka lang ako kung paano siya nakapagtrabaho sa Dubai bilang OFW ng may sakit na Congestive Heart Failure. Hindi siya makakapasa sa medical.” Tiningnan nito ang hawak pa rin na folder. “And they didn’t autopsied the body of RJ Sullivan. Lahat ng tungkol sa sinasabing pagka-atake nito sa puso ay galing lang sa statement ni Geraldine. Nakakapagtaka na tinanggap kaagad iyon ng nag-imbestiga sa kaso.”
“Pinaghihinalaan mo na may foul play sa pagkamatay ni RJ Sullivan?” tanong ni Douglas. “Na hindi talaga siya inatake sa puso?”
“That’s possible,” tumango-tangong sabi ni Ethan. “RJ Sullivan’s medical records will show it.”
“Kung hindi inatake sa puso si RJ,” ani Jemimah. “Ibig sabihin may pumatay sa kanya at itinago iyon? Sino?” Iginala niya ang tingin sa mga taong naroroon. “Was it Jayden?”
Umiling-iling si Mitchel. “Hindi natin masasabi hangga’t hindi natin nalalaman kung ano ang nangyari noon sa pamilya nila.”
Ilang minuto rin ang dumaan hanggang sa marinig nila ang pagsasalita ni Frank. “Nag-reply na ang agency na nagpadala kay Sullivan abroad.” Tumayo ito para makita ni Ethan ang monitor ng computer. “Like I suspected, wala siyang heart disease.”
Ibig sabihin ay posibleng may foul play nga sa pagkamatay ni RJ Sullivan. Pero wala silang magagawa para malaman kung ano ang tunay na nangyari. Patay na sina Geraldine at Gilbert Sullivan. Si Jayden Sullivan na lang ang makakapagpaliwanag ng lahat.
“I want to show you something,” mayamaya ay sabi ni Mitchel, lumakad pabalik sa mesa. “Humingi ako ng ilang larawan sa biological father ni Jayden na si Nicolas Macalintal. Pictures of Jayden in elementary.”
Inilapag nito sa mesa ang mga larawan ng batang Jayden – mga larawan na kuha sa isang handaan. Mayroon doong picture kung saan nakikipaglaro si Jayden sa ibang mga bata. Some photos show Jayden smiling. Ibang-iba sa mga larawan nito sa high school yearbook.
“Jayden’s smiles on those pictures were genuine,” wika ni Mitchel. “And he was playing with other kids. Kinuwento rin ni Nicolas Macalintal na nakikita niyang masaya si Jayden, lalo na kapag ikinukuwento ang tungkol sa ginawa nila ng itinuring niyang amang si RJ Sullivan.”
Sandaling natahimik si Mitchel. Sila naman ay hindi rin nagsalita, nagtanong.
“Jayden Sullivan is not a psychopath. He can be classified as a sociopath,” pagpapatuloy ni Mitchel sa seryosong tinig. “Halos lahat ng kasong hinawakan natin sa SCIU involves sociopaths. Katulad ng psychopath, sociopath’s also have anti-social personality disorder. Pareho silang nagkakaroon ng problema sa pagtupad sa mga batas. But most of the times, psychopathy is a disorder from birth. A mental disorder. Psychopaths don’t know emotions ever since. They don’t understand empathy, conscience.
“A person becomes a sociopath because of what happens in his environment. Dahil sa kinalakihan nila, sa nakaraan nila. Mula sa mga larawang 'yan, Jayden Sullivan knows emotions. Siguradong may nangyari sa kanya, sa paligid niya kaya mas piniling isantabi ng utak niya ang ibaon sa limot ang mga emosyong iyon. Balewala na ang paggawa ng kasamaan kung wala kang nararamdamang emosyon.”
“Kahit ano pang itawag natin sa kanila, kriminal pa rin ang kahihinatnan nila,” wika ni Kevin. “Ang kailangan nating gawin ay hanapin si Sullivan, patunayan na siya nga si Destroyer.”
Tumikhim si Ethan. “Gusto mo bang sabihin, Mitchel, na posible pang makaramdam ng konsensiya si Jayden Sullivan?”
Napatingin si Jemimah sa asawa bago ibinalik ang tingin kay Mitchel, hinihintay ang sagot nito. Was that really possible?
“It is possible,” sagot ni Mitchel. “He knows emotions back then. He can be treated.” Inilipat nito ang tingin kay Kevin. “Iyon ang pinagkaiba nila sa psychopath. Psychopaths won’t respond to treatments. Psychopaths are manipulative. Madali lang sa kanila ang manloko, magpanggap na nagbago na sila at nakahandang magbago. They don’t know emotions, but they can easily fake it. Malinis sila sa trabaho dahil pinagplanuhang mabuti iyon. I profiled the Destroyer as a psychopath. Kaya nagdududa rin ako na si Jayden nga ang gumawa ng lahat ng krimen sa Destroyer Case.”
“You think Kristina Lopez’ killing was a copycat?” tanong ni Ethan.
“Hindi ko alam,” umiiling na sagot ni Mitchel, makikita ang kaguluhan. “That’s why we need to see her case report. Para malaman natin kung iisa ang gumawa ng krimen.”
“So Kristina Lopez’ case is the key to all our questions,” ani Douglas, tumingin sa kanila ni Ethan. “Nakausap niyo na ba si Joshua?”
Tumango si Ethan. “He wants access to our investigation as well. Kakausapin ko si Marco mamaya para itanong kung puwedeng isama si Joshua sa pag-iimbestiga natin.”
Naupo si Jemimah sa couch. Ang isipan niya ay nasa nalamang maaari pang magkaroon ng konsensiya si Jayden Sullivan. Humihiling siya na ganoon nga ang mangyari. She was hoping Jayden would spare Lauren’s life. May pinagsamahan din naman ang mga ito. Sana ay muli itong makaramdam ng emosyon, ng konsensiya.
Lahat sila ay napatingin kay Frank Rodriguez nang tawagin nito si Ethan. “Nakuha ko na lahat ng impormasyon tungkol kay Lauren Jacinto,” anito.
Lumapit sila dito, tumingin sa computer screen na naglalaman ng iba’t ibang information tungkol kay Lauren Jacinto mula sa mga government agencies.
“Lauren Jacinto?” nagtatakang tanong ni Mitchel.
“Nakausap namin kanina ang isang kaibigan ni Lauren Jacinto. We all knew she was an adopted child,” tugon ni Jemimah. “Pero hindi natin alam kung sino ang tunay na mga magulang niya. Maging ang kaibigan na iyon ni Lauren, sinabi niyang walang nakukuwento si Lauren tungkol sa buhay bago naging Jacinto. Ethan got curious of her life at that time kaya ipinahanap niya kay Frank kung may records si Lauren noon.”
“Walang records si Lauren Jacinto simula noong ipinanganak siya hanggang eight years old,” wika ni Frank. “Eight years old lang siya nagkaroon ng record nang ampunin nina Donny at Cynthia Jacinto sa isang ampunan. According naman sa records ni Lauren sa ampunan, nakita lang siyang pagala-gala sa kalye isang gabi, hindi maalala kung ano ang pangalan o kung sino ang pamilya.”
“May mga pictures naman siya sa orphanage na 'yon, 'di ba?” tanong ni Ethan. “Puwede mo bang hanapin kung may magma-match sa database ng NSO?”
“Sinubukan ko na,” sagot ni Frank. “Nothing. It was as if she doesn’t exist until she was eight years old.”
“How can that be possible?” tanong ni Jemimah. “Hindi naka-record ang pagkapanganak niya?”
“Either hindi nga naka-record o may nagbura niyon,” wika ni Frank. “Nagawa ko 'yon noon, ang burahin ang sarili kong records sa database ng government agencies dito sa Pilipinas para maitago ang nakaraan ko.”
“Then it means Lauren Jacinto is hiding something,” sabi ni Ethan. “Alam kong may kahina-hinala sa kanya. Noong makausap ko siya, nararamdaman kong mas malalim pa ang kaalaman niya sa Destroyer Case kaysa sa inaakala natin. Nakakapagtaka rin na ang isang newscaster na katulad niya ay nakahandang ilagay sa panganib ang kanyang buhay sa isang serial killer. Walang matibay na rason para maging ganoon ka-interesado siya sa Destroyer, unless the Destroyer did something to her back then.”
“To her family,” dugtong ni Frank.
“Ethan.” Napatingin sila sa pinanggalingan ng boses ni Theia na kalalabas lang ng kuwarto nito, hawak-hawak nito ang laptop na nakuha nila sa bahay ni Lauren Jacinto kanina. “May ipapakita ako sa inyo.”
Inilapag ni Theia ang laptop sa table ng computer equipments. “Hindi ako makatulog kaya naisipan kong tingnan ang ilang files sa laptop ni Lauren. There’s nothing unusual at first. Puro mga files na related sa trabaho niya. Until I saw this folder.”
Theia clicked one folder named ‘Him’. Nakita nila doon ang napakaraming pictures ni Jayden Sullivan. There were 1,510 photos of him. Theia clicked the slideshow option. Ilan sa mga larawang iyon ay kuha nang hindi nakatingin ang binata, ang iba naman ay nakaharap.
“Gustong-gusto niya talaga si Jayden, ah?” naiiling na sabi ni Theia.
“Hindi na ako nagulat,” sabi ni Mitchel. “Nahalata ko na kay Lauren Jacinto noon na gusto niya si Jayden Sullivan ng higit pa sa kaibigan. It was obvious by the way she looked at him. Pero hindi ganoon si Jayden sa kanya.”
Nakaramdam ng lungkot si Jemimah, nakatingin pa rin sa slideshow ng mga pictures ni Jayden. Malamang ay alam na ngayon ni Lauren ang tunay na pagkatao ni Jayden. It must have broke her heart.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon