Jemimah Remington-Maxwell
NAKATAYO lamang sina Jemimah at Ethan sa isang filming site Banawe, Quezon City habang hinihintay na matapos sa shoot nito ang aktor na si Reynald Magnaye. Sumulyap siya sa wristwatch na suot bago bumaling sa asawa. “Nakarating na siguro sina Paul sa Cebu ngayon,” aniya.
Tumango si Ethan. “Sinabi ni Paul na tatawag sila kapag natapos na ang kailangang gawin doon.”
Ngumiti si Jemimah. “Masaya ako na magkaayos na kayo ni Paul.” Naikuwento sa kanya ni Ethan noon ang paghingi ng tawad ni Paul dito. Ipinulupot niya ang mga kamay sa braso ng asawa. “Sigurado ako na poprotektahan niya si Bianca. Nabanggit ni Bianca na parang nakababatang kapatid na ang turing sa kanya ni Paul noong bata pa siya.”
Tumango si Ethan. “Bianca was closer to Paul back then. Palagi kasi silang magkalaro tuwing bibisita kami kina Antonio.”
“Hindi mo pa ba nakakausap si Director Morales?” tanong niya. “Alam niya nang buhay ka, siguradong gusto ka niyang makausap uli.”
“Hindi muna sa ngayon. Marami pa tayong kailangang intindihin.” Itinaas ni Ethan ang isang kamay para ayusin ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. “Gusto mo bang mag-dinner sa paborito mong restaurant mamaya?”
Kumislap ang mga mata ni Jemimah. Her husband was asking her for a dinner date. Kahit na napakarami nilang inaasikaso ay hindi pa rin nawawala ang pagiging caring ni Ethan, ang pagpapakita nito kung gaano siya ka-importante dito. Tumango siya.
Sabay silang napatingin sa harap nang marinig ang pagsigaw ng direktor ng ‘cut’. Nilapitan nila si Reynald Magnaye na naupo sa isang silya na naroroon. May ilang mga fans ang sumisigaw sa pangalan nito. Sandaling kumaway at ngumiti si Reynald sa mga ito bago ipinihit patalikod ang kinauupuan.
Abala na ang lalaki sa pagpindot sa hawak na cell phone. “Mr. Magnaye,” wika ni Jemimah. Nang tumingin ito sa kanila ay ipinakita niya ang police badge. “I’m Senior Inspector Jemimah Maxwell. Gusto ka sana naming makausap kahit sandali lang.”
Bumahid ang inis sa mukha ni Reynald. “Tungkol saan? Hindi ba puwedeng magpahinga muna ako?”
“Sandali lamang ito, Mr. Magnaye, kung makiki-cooperate ka,” ma-awtoridad na sabi ni Ethan. Inilabas nito sa bulsa ng polo na suot ang isang larawan, ipinakita kay Reynald. Isa iyon sa mga kopya ng larawan nito at ni Arcie del Rosario na nakuha sa suit ni Daryl Opena noon.
Nanlaki ang mga mata ni Reynald. Nagmamadali nitong iginala ang tingin sa paligid para masiguradong walang nakakita sa larawan bago tumayo. “Ano'ng kailangan niyo? Matagal na akong nakausap ng mga pulis sa imbestigasyon na 'yan.”
“We are re-investigating the case, Mr. Magnaye,” ani Ethan. “At dahil isa ka sa mga pinaghinalaang suspect noon, dapat lang na interogahin ka namin.”
“Suspect?” Umismid si Reynald. “Si Daryl ang pumatay kay Arcie. Then he took his own life. Bakit idinadamay niyo ako?”
“Alam mong may parte ka sa krimeng ito, Mr. Magnaye,” mariing sabi ni Jemimah. Kung makapagsalita ang lalaki ay parang wala itong ginawang masama. “You had an affair with Arcie del Rosario. Hindi nagsisinungaling ang mga larawan, Mr. Magnaye. At iyon ang dahilan kaya pinatay ni Daryl si Arcie. Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng kahit katiting na guilt?”
Yumuko si Reynald, ilang saglit na natahimik. “I love Arcie,” bulong nito. “Hindi ko dapat sila pinagkilala noon. Hindi ko alam na masisilaw si Arcie sa kayamanan ni Daryl.”
“Pero nakipagrelasyon pa rin siya sa'yo,” ani Ethan. “An affair behind Opena’s back.”
Tumingin sa kanila si Reynald, puno na ng kalamigan ang mga mata. “Noong una, napakasaya ni Arcie sa piling ni Daryl kaya hinayaan ko na lang sila. Pero nang makita ko na hindi na napapag-ukulan ng pansin ni Daryl si Arcie, na nalulungkot na ang babaeng mahal ko, ginawa ko na ang lahat para makuha siya kahit na pasekreto lang ang relasyon namin. It was not that hard dahil pareho kami ng trabaho ni Arcie. Madali kaming nagkakaroon ng pagkakataon na magkita. Masaya kaming dalawa.”
“Kung masaya kayo, bakit pinili pa rin ni Arcie na magpakasal kay Daryl?” tanong ni Jemimah. “Dahil sa pera niya?”
“Nasanay na si Arcie sa mga luxuries na natatanggap niya kay Daryl.” Bumahid na ang lungkot sa boses ni Reynald. “Sinabi ko sa kanya na hiwalayan na si Daryl, na kaya ko naman siyang buhayin pero ayaw ni Arcie. She said we can still continue our relationship kahit na kasal sila. Na hindi niya pakakawalan ang isang katulad ni Daryl.” Nag-igting na ang mga panga ng lalaki. “Pero ano'ng nangyari? Pinatay siya ng walang-hiyang lalaking iyon.”
“Base sa mga nakalap naming impormasyon, mayroon ka ring sariling talent agency,” pag-iiba ni Ethan sa usapan. “Isa sa mga businesses ni Daryl Opena ay talent agency din. Isang kilalang talent agency noon. Napakarami niyang talents, including Arcie del Rosario.”
“Magkaibigan kami ni Daryl. Sabay kaming nagplano noon na matayo ng sariling mga talent agency,” may mahihimigang pait sa boses ni Reynald tuwing binabanggit ang pangalan ni Daryl. “I was already an actor pero hindi ganoon kakilala. Hindi pa sapat noon ang kinikita ko kaya kailangan ko ng ibang mapapagkakitaan. Ako ang unang naka-discover kay Arcie pero dahil mas mapera si Daryl, mas malago ang agency niya kaya lumipat si Arcie. Daryl was always better back then, because he had money and power.”
“Pero simula nang namatay si Daryl, lahat ng talents ng agency niya ay napunta sa'yo,” ani Ethan. “Naging successful ang talent agency mo simula noon. Just like the saying goes, something falls so that another rises. Importante na naiintindihan ng lahat 'yan. Ganoon ang mundo, tama ba?”
Nakita nila ang pagkuyom ng mga kamao ni Reynald, nanginginig na ang katawan sa galit. “Oo, sinamantala ko ang pagkamatay ni Daryl para makausap ang mga talents niya. Daryl being a murderer and taking his own life after is a very big blow to his image.” Humugot ng malalim na hininga si Reynald. “Alam ko na niloko namin ni Arcie si Daryl noon pero hindi ko pinagsisisihan ang naging relasyon ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Arcie. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na pinatay siya ng lalaking iyon. Pero hindi ko matatanggap na madamay ako sa pagkamatay nila. I hate Daryl but I will never kill him. Hindi ako mamamatay-tao.”
Nakikita ni Jemimah ang kaseryusohan sa mukha ni Reynald. Pero hindi pa rin agad sila dapat maniwala sa sinasabi ng isang tao. Reynald Magnaye was still a possible suspect in this case.
“Kung wala na kayong itatanong, pwede na ba akong magpahinga?” tanong ni Reynald, bumalik sa pagkakaupo.
Nagpasalamat si Jemimah dito bago sila lumakad palayo. “Actors, really. Mababait lang sila sa harap ng camera o kapag may nakatingin na mga fans.”
“Most of them are fakes,” sabi ni Ethan. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng passenger’s seat. “Kaya hindi madali na maniwala agad sa sinasabi nila. They knew how to act.”
Hinintay ni Jemimah na makapasok sa driver’s side ang asawa bago hinawakan ang isang kamay nito. “Pero mukha namang hindi nagsisinungaling si Reynald tungkol sa sinabi niyang minahal si Arcie noon.”
“At ang naging relasyon nila ang dahilan kung bakit pinatay ni Daryl ang dapat ay pakakasalan niyang babae,” umiling si Ethan. “Love triangles. Dahilan ng hindi mabilang na mga murders sa bawat panig ng mundo since then.”
Hinigpitan ni Jemimah ang pagkakahawak sa kamay ng asawa. “Imposibleng mawala pa 'yon. Madalas sa mga taong nagmamahal ay hindi nagpapapigil kahit alam nilang ikapapahamak iyon.”
Saglit na sumulyap sa kanya si Ethan bago nito itinaas ang magkahawak nilang mga kamay para dampian ng halik ang likod ng kanyang palad. “Let’s forget about that case for a while. Magpahinga ka muna, hmm? Wala ka pang tulog simula nang hawakan natin ang kasong ito.”
Lumabi si Jemimah. “Ikaw din naman. Hindi mo nga ako pinagda-drive kahit saan tayo pumunta.”
Mahinang tumawa si Ethan. “Magpapahinga rin ako mamaya pagkatapos nating mag-dinner. Let’s stop in a hotel to rest.”
Hindi napalampas ni Jemimah ang pag-ngisi ng asawa. Alam niyang ibang klase ng ‘rest’ ang tinutukoy nito. Pero hindi niya naman ito tatanggihan. Gusto niya ring makapagpahinga sila saglit sa lahat ng tinatrabahong ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Детектив / ТриллерA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...