Paul Morales
SANDALING lumabas si Paul para subukang kontakin uli ang nakatatandang kapatid na si Vyen. Kanina pa ito hindi sumasagot sa mga messages at tawag niya. Kailangan niyang malaman kung ligtas ba ito. Nakatira si Vyen ngayon sa bahay ng kanilang amang si Antonio.
Pilit isinasaksak ni Paul sa isipan na imposibleng saktan ng kanyang ama ang kapatid. Imposible. Paul still wanted to give his father the benefit of a doubt.
Naiinis siyang napabuntong-hininga. Hindi pa rin sumasagot ang kapatid. Panay ring lang ang number nito. Papasok na sana si Paul sa bahay nang biglang tumunog ang hawak na phone. It was a return call from his sister.
Mabilis niyang sinagot ang tawag. “Kanina pa akong tawag ng tawag sa'yo, Ate,” pagpapagalit ni Paul. “Nasaan ka—” Napatigil siya nang marinig ang paghikbi sa kabilang linya.
“P-Paul...” garalgal na wika ng kapatid. “H-help me... p-please...”
“A-ano'ng nangyari sa'yo, Ate?” tarantang tanong ni Paul.
“H-hindi ko alam,” napaiyak na si Vyen. “N-nakatali ang mga kamay at paa ko, Paul. S-sinubukan ko lang gumapang palapit sa phone na nasa sahig. H-hindi ko alam kung ano'ng nangyari. N-nagising na lang ako na ganito.”
Bumalot ang takot sa puso ni Paul. Nakatali? Naalala niya ang lahat ng mga naging biktima ng Destroyer Case. “N-nasaan ka, Ate? Kasama mo ba si Papa?”
“H-hindi,” mahinang sagot ng kapatid. “H-hindi ko maalala. A-ang tanda ko lang... may... may isang lalaking nakasuot ng police uniform na... na kumatok sa bahay kanina. Tinatanong niya kung nasaan si Papa. Lumapit siya sa akin at... at tinakluban ng panyo ang ilong ko. Pagkatapos wala na akong maalala.” Sandali itong huminto. “Nandito pa ako sa loob ng kuwarto ko pero... pero walang makarinig sa akin kahit kanina pa ako nasigaw.”
Ikinuyom ni Paul ang mga kamay. “Pupunta ako diyan, Ate. Turn off the phone now and stay still. Huwag kang mag-iingay. Huwag ka masyadong gumalaw, okay?” Buntis ang kapatid niya. Hindi dapat ito nalalagay sa ganoong sitwasyon.
“P-Paul... c-come fast,” nangangatal na ang boses nito. “I’m so scared. N-nasaan ba si Papa?”
Hindi na sumagot si Paul at tinapos ang tawag. Mabilis siyang dumeretso sa kanyang sasakyan at pinatakbo iyon. Hindi na siya magpapaalam kina Bianca. Hindi niya gustong madamay ang babae dito. If this was all his father’s doing, hinding-hindi ito mapapatawad ni Paul.
Laking pasasalamat ni Paul dahil walang traffic nang araw na 'yon. Pagkarating niya sa bahay ng kanyang Papa ay sandaling napatigil nang mapansing nakaawang ang front door.
Naalala niya ang sinabi ni Vyen na isang lalaking naka-uniform na pulis na nakaharap nito. Siguradong hindi pulis iyon. Posible rin na naririto pa sa loob ng bahay ang lalaki.
Pero kailangan niyang iligtas ang kapatid. Kinuha muna ni Paul ang cell phone, sinubukang kontakin sina Jemimah. But she was out of reach. Damn it. Hindi siya puwedeng maghintay ng matagal dito dahil baka kung ano'ng gawin ng lalaking 'yon kay Vyen.
Maingat na pumasok sa loob si Paul. Tukoy niya na ang bahay na ito dahil dito sila tumira sa loob ng maraming taon. Naisipan niya lang mag-sarili nang umalis ang kanyang mama.
The whole house was quiet. Inilabas ni Paul ang kanyang baril. Mayroon siya nito dahil sa kanyang trabaho bilang prosecutor pero ni minsan ay hindi pa naiputok sa tao.
Umakyat si Paul sa ikalawang palapag ng bahay, patungo sa kuwarto ng kapatid. Maingat niyang binuksan ang pinto, hinanap si Vyen. Kinabahan si Paul nang makita ang kapatid na nasa sahig, nakapikit na ito. Nakakadena ang kamay nito sa harapan, hawak-hawak ang cell phone. Nakakadena rin ang mga paa.
Mabilis na nilapitan ni Paul si Vyen. “A-Ate...” maingat niyang niyugyog ang katawan nito. “W-wake up.” Inayos niya ang buhok ng kapatid na nakaharang sa mukha. “Ate...”
Nakahinga ng maluwag si Paul nang makita ang pagmulat ng mga mata ni Vyen. Siguro ay nawalan ito ng malay dahil sa takot. Mabilis na kumilos si Paul, pinilit kalasin ang kadena pero naka-lock iyon.
“I’ll get you outside, okay?” sabi niya sa kapatid. Tinangka ni Paul na buhatin si Vyen pero napatigil nang biglang manlaki ang mga mata nito, nakatingin sa parteng likuran niya.
Hindi pa nakakalingon si Paul nang biglang may pumukpok na isang matigas na bagay sa ulo niya. Bumagsak siya sa sahig, naramdaman ang pagtulo ng dugo sa kanang mata mula sa ulo.
Bago mawalan ng malay ay naaninag niya pa kung sino ang lalaking nakasuot ng police uniform na nakatingin sa kanya. Sullivan. It was Jayden Sullivan.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mystery / ThrillerA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...