Chapter 67

1.1K 66 3
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
NAKATITIG lamang si Jemimah sa dalawang guhit sa pregnancy test na hawak. She was pregnant. Sinubukan niyang mag-test dahil sa nararamdamang pagkahilo nitong nakaraang mga araw. Hindi niya inaasahan na ganito ang kalalabasan.
Hindi na napigilan ni Jemimah ang mapaiyak dahil sa sobrang sayang bumabalot sa puso nang mga sandaling iyon. Magkakaroon na sila ng anak ni Ethan. She knew they were still facing a great danger ahead of them. But still, she didn’t want to feel depressed. This was a blessing.
Humugot ng malalim na hininga si Jemimah bago humarap sa salamin ng banyo. Inayos niya ang sarili, inilagay sa bulsa ng pantalon ang pregnancy test. Lumabas na siya at agad na hinanap si Ethan. Nakita niya ang asawa na abala sa pakikipag-usap sa cell phone nito.
“Okay. I got it. Ipinadala ko na rin lahat ng ebidensyang nakuha namin sa email mo... Salamat.” Napahawak sa ulo si Ethan pero nang makita siya ay agad din namang ngumiti.
“Si... Marco ba ang kausap mo?” tanong niya.
Tumango ito. “Sinabi niya na nakausap niya si Antonio kanina pero simula noon ay hindi na nakita sa loob ng SCIU ang lalaking 'yon. Pinaniwalaan siguro niya ang sinabi ni Marco na magsasalita si Julius. He must be hiding now.”
“Hiding?” usal ni Jemimah. “Kung si Antonio nga si Destroyer, sa tingin mo ba magtatago lang siya? Sigurado na hindi siya sa basta-basta nagtatago. He must be planning something.”
Napabuga ng hininga si Ethan, may bumahid nang galit sa mga mata nito. “Hindi ko matanggap na napakalapit lang pala sa atin ng halimaw na matagal nating hinahanap. Hindi ko matanggap na si Antonio ang pumatay kay Papa. Pinagkatiwalaan siya ng pamilya ko.”
Niyakap ni Jemimah sa baywang ang asawa. “Calm down, Ethan. At least now we knew who our enemy is. Hihintayin na lang natin na makapagbigay ng warrant of arrest si Marco.”
“Pero katulad ng sinabi mo, hindi siya kaagad susuko.” Nag-igtingan ang mga panga ni Ethan. “Ano ang plano niya ngayon?”
Napatingin sila sa front door nang bumukas iyon at pumasok ang isang militar na nagbabantay sa hideout. “Sir, nakita po namin sa labas ang babaeng 'to.” Hawak-hawak nito ang isang babae na magulo ang buhok at parang hinang-hina.
Ganoon na lang ang pagkagulat nina Jemimah nang makilala ang babae. “Lauren,” nagmamadali siyang lumapit sa babae na tuluyan nang bumagsak sa sahig nang bitawan ng militar. “L-Lauren, are you okay?”
Tumingin sa kanya si Lauren, hilam sa luha ang mukha nito. “J-Jemimah...” Humikbi ang babae. “S-si Jayden. I-iniwan ako ni Jayden dito.”
Napatingin si Jemimah kay Ethan. Mabilis na kumilos ang asawa, kasama ang ibang mga militar na bantay ay sinabi nitong titingnan kung mahahabol pa si Jayden Sullivan.
“H-hanapin niyo siya,” umiiyak na pagmamakaawa ni Lauren. “P-parang awa niyo na... h-huwag niyo siya hayaang pumunta sa demonyong 'yon. Papatayin niya si Jayden.”
“Lauren, calm down first, okay?” Hinaplos-haplos ni Jemimah ang magulong buhok nito. “Calm down and tell us everything.”
Pinilit naman ni Lauren na kalmahin ang sarili. Hinayaan siya nitong tulungang makatayo at maupo sa couch na naroroon. Dinalhan naman ni Theia ng tubig na maiinom ang dalaga.
Ilang sandali lang ay kalmado na si Lauren. “Sinabi mo na si Jayden Sullivan ang nagdala sa'yo dito,” pagsisimula ni Jemimah. “Bakit? Hindi ba hinostage ka niya? Ano'ng nangyari?”
“Y-yes, dinukot niya ako noon,” garalgal na sabi ni Lauren. “Pero... pero wala nang halaga sa akin ang nakaraan. He didn’t hurt me, Jemimah. Sumusunod lang siya sa utos. Hindi siya si Destroyer.”
“Alam na namin 'yan,” sabi niya. “Isa siya sa mga puppets ni Destroyer. He is still a criminal, Lauren. Kaya kailangan naming malaman kung saan siya pupunta, saan siya magtatago.”
“He is not as bad as you all think!” sigaw na ng babae, ipinagtatanggol ang lalaking nang-hostage dito. “T-tulungan niyo siya. Iligtas niyo si Jayden, please. Alam ko... alam kong may ipinag-utos na naman sa kanya ang demonyong 'yon. Baka mapahamak si Jayden. T-tulungan niyo siya, Jemimah, please.”
Pinakatitigan ni Jemimah si Lauren, may desperasyon sa mukha nito. “You still want to help him. Kahit na dinukot at ikinulong ka niya sa loob ng mahabang panahon.”
Tumingin sa kanya si Lauren, nangilid ang mga luha. “H-hindi niyo siya nakasama. H-hindi niyo siya ganoon kakilala. Hindi niyo alam ang pinagdaanan niya. Alam ko na... na marami siyang nagawang masama. Pero hindi noon naalis ang pagmamahal ko sa kanya. I love him. Walang makakapagpabago noon.”
Tumango-tango na lamang si Jemimah. Tiningnan niya ang mga kasamahang naroroon, siguradong may tanong din si Mitchel dito. “Pagpahingahin muna natin si Lauren,” aniya.
Inutusan niya si Theia na dalhin sa isang kuwarto si Lauren. Pagkaalis ng mga ito ay ibinalik niya ang tingin kay Mitchel na nasa mukha ang pagtataka.
“Bakit siya pinalaya ni Jayden?” tanong ni Mitchel.
“Simula pa nang ibigay sa atin ni Jayden ang lugar na pinagtataguan ni Julius, naging kaduda-duda na ang kilos niya,” sabi ni Jemimah. “Hindi ganito ang inaasahan natin.”
“Itinanong mo minsan sa akin noon, Jemimah, kung posibleng makaramdam ng konsensiya ang mga sociopaths na katulad ni Jayden. And my answer is yes. Jayden Sullivan must be having a battle between his mind and heart.” Bumuntong-hininga si Mitchel. “That can be dangerous. Hindi natin alam kung ano ang susunod niyang hakbang. Hindi natin alam kung ano ang puwede niyang gawin. Let’s just hope na mahanap niya kung nasaan ba talaga ang liwanag.”
Tiningnan ni Mitchel ang dinaanan nina Lauren kanina. “It seems like he cares for that woman,” dugtong nito. “Kapag nalaman ni Destroyer na buhay pa si Lauren, baka ikapahamak 'yon ni Sullivan.”
“Kung ganoon, hindi natin puwedeng ilabas si Lauren hangga’t hindi nakakaharap si Antonio.” Sandaling huminto si Jemimah. “Sinabi ni Lauren kanina na siguradong may inutos si Destroyer kay Jayden. He must be moving now.” What was that devil scheming?
Nirespeto ni Jemimah si Antonio Morales. Pero tama nga na hindi nila lubos na makikilala ang isang tao. Dahil kahit mabuti pa ang pakikitungo nito, posibleng may suot itong maskara para makapanloko. Oras na para hubarin ang maskara ni Destroyer at mabunyag ang totoong pagkatao nito.
Napatingin sila sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Ethan. Umiling ang asawa, ibig sabihin ay hindi na ng mga ito nakita si Jayden Sullivan.
Nilapitan ni Jemimah si Ethan, pinunasan ang pawis nito. “Pinagpahinga ko muna si Lauren,” aniya. “Puwede naman natin siyang kuwestiyunin kapag maayos na ang takbo ng isipan niya.”
Tumango ang asawa. “At least she’s safe. Wala na tayong ibang kailangang alalahanin. We already found Mae Latido and Lauren Jacinto. Magpahinga na rin tayo habang may pagkakataon pa. Bukas kailangan nating lumuwas para makausap si Marco.”
Tiningnan ni Jemimah ang asawa, saglit na nag-alangan. “May... may sasabihin sana ako sa'yo, Ethan.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Ethan. “Ano 'yon?”
Hinila niya ang asawa patungo sa kusina. Humugot muna ng malalim na hininga si Jemimah bago kinuha sa bulsa ng pantalon ang pregnancy test. Ipinakita niya iyon kay Ethan.
Nakita ni Jemimah ang pagkatigil ni Ethan nang makuha kung ano ang nais niyang ibalita. Para bang na-estatuwa ito sa loob ng ilang minuto.Kung hindi niya pa hinawakan sa braso ang asawa ay hindi 'ata ito hihinga.
“B-b-buntis ka?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ethan. Nang tumango siya ay gumuhit na ang isang napakagandang ngiti sa mga labi nito. This was the very first time she saw that kind of happiness in his face. At hindi napigilan ni Jemimah na mahawa sa kasiyahang iyon.
Mahigpit siyang niyakap ni Ethan. “Thank you. Thank you,” paulit-ulit na bulong ng asawa. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg hanggang sa maramdaman ni Jemimah ang pamamasa ng parteng iyon.
Was he crying? Itinaas ni Jemimah ang mga kamay para gantihan ang yakap nito. “H-huwag kang umiyak, Ethan,” bulong niya pero napahikbi na rin.
He chuckled. “I’m just so happy, Jemimah. Nitong nakaraang mga araw, pakiramdam ko ay napapagod na ako. Bumabalik na naman ang galit sa puso ko pero dahil nasa tabi kita ay nakokontrol ko pa ang sarili ko. This news... erased all the worries in my heart.” Bahagya itong lumayo at ikinulong ang kanyang mukha sa magkabilang palad. “Mas lalo akong desididong mahuli si Antonio ngayon. Hindi ako papayag na masira niya pa ang kasiyahan natin.”
Hinaplos ni Jemimah ang pisngi ni Ethan. “Do not stress yourself too much, hmm? This is a blessing for us. Naniniwala ako na matatapos na ang lahat ng ito. Matatapos na ang kasamaan ni Destroyer. And we will have our new life – a happy, peaceful life.”
Tumango-tango si Ethan, nakatitig lang sa kanyang mga mata. “I love you, Jemimah. Alam mong hinding-hindi 'yon magbabago.” Lumuhod sa harapan niya ang asawa para halikan ang parteng tiyan niya. “Hindi na ako makapaghintay.”
Hinaplos-haplos ni Jemimah ang buhok ni Ethan. “Mahal na mahal din kita, Ethan.” Her tears welled. “Sobrang saya ko na natupad na ang matagal kong ipinagdarasal.”
Tiningala siya ni Ethan. “Ipangako mo na hindi ka gagawa ng mga bagay na makakasakit sa'yo, hmm, Jemimah? Stay by my side no matter what.”
Tumango si Jemimah. “I will stay by your side. Always.”

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon