Chapter 46

1.3K 71 3
                                    

Paul Morales
SANDALING nakasandal si Paul sa dingding habang pinagmamasdan si Bianca na nagluluto ng tanghalian nila kahit pasado alas-tres na ng hapon. Napansin pa niya ang paika-ikang paglakad nito. Alam ni Paul na nasaktan niya ang dalaga.
Ikinuyom niya ang mga kamao. He still couldn’t believe that he took this woman’s innocence. Pero hindi iyon pinagsisisihan ni Paul. He would take responsibility for it kahit pa ano'ng gawin sa kanya ni Ethan.
Humakbang siya palapit kay Bianca at niyakap ito mula sa likod. Naramdaman niya ang pagkagulat nito. “G-gising ka na pala,” mahinang sabi nito.
“Hindi pa sila bumabalik?” tanong niya.
Umiling si Bianca. Pumihit ito paharap sa kanya, nahihiya. “S-sasabihin mo ba sa... sa kanila ang—”
“No,” putol niya dito. “What happened between us will stay between us. Pero... ikaw ang bahala kung gusto mong sabihin kina Ethan ang relasyon natin.”
Nanlaki ang mga mata ni Bianca. “R-relasyon natin?”
“Yes.” Pinakatitigan ito ni Paul. He traced the outline of her spine. She shivered. “You’re mine now, Bianca. Hindi na magbabago iyon.”
Pinamulahan ng mukha si Bianca. Oh, she looked even more beautiful when she blushes. So innocent and pure.
“H-hahanap ako ng pagkakataon para... para sabihin kay kuya,” anito.
Tumango-tango si Paul. Hahayaan niyang ang dalaga ang magsabi pero sana ay hindi magtagal iyon. He didn’t want to hide their relationship. Gusto niyang ipangalandakan sa mundo na pag-aari niya na ang babaeng ito. Na sa wakas ay nakahanap na siya ng taong pagsisilbihan at poprotektahan habang-buhay.
Muling tumalikod si Bianca para ituloy ang pagluluto. Hindi naman inalis ni Paul ang pagkakayakap sa baywang nito. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ng dalaga, sinimulang halikan iyon. Ang isa niyang kamay ay pumasok na sa loob ng t-shirt na suot nito. She was not wearing a bra so his hand freely massaged her right breast.
Impit na napaungol si Bianca. Itinuon nito ang mga kamay sa kitchen counter, nahihirapan na sa paghinga. “P-Paul... k-kumain muna... t-tayo...” nahihirapang sabi nito. “S-saka... b-baka dumating na sila...”
Paul chuckled. His lips moved to her earlobe, gently nibbling at it. “Alright,” magaspang na bulong niya. He would let her rest and eat now. Pero hindi niya maipapangako na makokontrol palagi ang sarili sa harapan ng babaeng ito.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon