Chapter 16

1.3K 64 0
                                    

Bianca Cuares
MASAYANG sumalubong si Bianca sa kapatid niyang si Ethan nang pumasok ang mga ito sa bahay nila sa Cavite. Ilang araw ding hindi niya nakita ang mga ito dahil sa bagong kasong iniimbestigahan. Kasama nito ang asawang si Jemimah, maging ang ibang miyembro ng team na sina Paul at Douglas. Kani-kanina lang ay kababalik naman nina Mitchel at girlfriend na si Theia.
“Kuya, nag-dinner na ba kayo? Magluluto ako kung gusto niyo,” alok niya.
Marahang ginulo ni Ethan ang buhok niya, ngumiti. “Nag-dinner na kami sa labas. Ikaw, kumain ka na ba?”
Tumango si Bianca, bahagyang nakaramdam ng lungkot. Gusto niyang ipagluto ang mga ito. Iyon na lang ang naitutulong niya noon. Nalipat ang tingin nila kay Mitchel nang lumapit ito sa kanila.
“So it’s indeed murder?” naiiling na tanong ni Mitchel kina Ethan. “And serial killer work again?”
Nagtaka si Bianca. Alam niyang may murder case na hawak ang mga ito pero hindi inaasahan na isang serial killer na naman ang hahanapin. Lumapit ang mga ito sa isang pahabang mesa para doon ilatag ang lahat ng folders at evidences na dala. Sumunod si Bianca sa mga ito para makinig.
“Pinag-aralan namin ni Ethan ang report ng Palawan local police na nag-imbestiga sa pagkamatay nina Daryl Opena at Arcie del Rosario,” pagsisimula ni Jemimah. “Daryl killed her bride, and took his own life a few moments after.”
May isinulat si Ethan sa white board na naroroon kasabay ng pagdikit ng mga larawan. “Daryl Opena, 34 years old. Isa siyang kilalang businessman. He took his own life by slitting his wrist. Arcie del Rosario, 27 years old. Isa siyang actress. She was stabbed to death. Walang ibang ebidensya na makakapagpatunay na may ibang tao silang kasama sa oras ng krimen. Tanging ang mga putol na hinliliit lamang ng dalawang biktima.”
“According sa autopsy report, wala ring foul play sa pagkamatay ni Daryl Opena,” sabi ni Jemimah. “Inilagay nila sa report na si Opena rin ang pumutol sa mga hinliliit nila. But those cut fingers were never found. They closed the case as it is.”
“It is a serial killer work,” wika ni Mitchel sa seryosong tinig. “Alam ng killer na magiging simpleng murder at suicide lang ang kalalabasan ng imbestigasyon para sa iba. Pero hindi niya gustong itago ang mga obra niya. Dahil bakit pa siya mag-aabalang kunin ang mga hinliliit ng bawat biktima kung ayaw niyang ipaalam ang tungkol sa ginagawa niya? Bakit pa siyang mag-aabalang magbigay ng hint na iisa ang gumawa ng mga krimeng ito? Cutting the pinky fingers is this serial killer’s signature.”
Tiningnan ni Bianca ang mga pictures na nakalatag sa mesa. Pakiramdam niya ay may humahalukay sa sikmura dahil sa mga iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa talaga siya sanay sa ganitong mga bagay.
“Ayos lang ba na makinig ka dito at makita ang mga 'yan?”
Napapitlag si Bianca nang marinig ang mahinang sabi na iyon ni Paul na nakatabi na pala sa kanya. Tumango siya. “Wala rin naman akong gagawin sa kuwarto,” bulong niya. “Natapos ko nang basahin lahat ng librong dinala mo.”
Hindi na nakapagsalita si Paul nang marinig nila ang pagsasalita ni Mitchel. “Curious ako sa kung paano nagawa ng killer na pasunurin ang mga biktima niya.”
“The killer could have threatened them,” ani Jemimah.
“Sa kaso nina Efren Mortel at Irma Guilaran, madali na ang pasunurin niya si Guilaran na patayin si Mortel,” ani Ethan. “After what happened to Irma, killing Efren Mortel was the thing she wanted the most. At may motibo rin si Daryl Opena. Kailangan na lang nating alamin kung ano ang ginawa ng killer para mapatay din sina Opena at Guilaran, palabasin na suicide ang lahat.”
Bumuntong-hininga si Mitchel. “Kung tama ang hinala mo, these Guilaran and Opena were fooled by our killer. Pero hindi rin natin sila agad mahuhusgahan na masama. Irma Guilaran was raped by her professor. Sinira ni Efren Mortel ang buhay ng isang tao para sa sarili niyang kaligayahan. And this bad experiences of Guilaran made her weak. It made her sin.” Umiling-iling ang lalaki. “Ang mga masasakit na pinagdaanan ng mga mabubuting tao ang madalas na nagiging dahilan kung bakit sila nakagagawa ng masama.”
Nagpatuloy sa pag-usap-usap ang mga ito tungkol sa imbestigasyon at nahulog si Bianca sa malalim na pag-iisip. Marami rin siyang masasakit na pinagdaanan noon. Sila ng kuya niyang si Ethan. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil nabubuhay sila ngayon at magkasama na uli. Nagpapasalamat din siya dahil nakakilala sila ng mga taong nakahandang tumulong sa kanila sa laban na ito.
“Kakausapin namin ni Ethan bukas ang isang pinaghinalaang suspect sa pagkamatay nina Opena at del Rosario,” wika ni Jemimah. “Si Reynald Magnaye - isa siyang actor at best man ni Daryl. Ininteroga siya ng local police sa Palawan dahil sa mga pictures na nakita sa loob ng suit ni Daryl noon.”
Ipinakita ni Jemimah ang mga copies ng larawang tinutukoy nito - mga larawan ni Reynald kasama ang biktimang si Arcie del Rosario. Naintindihan ni Bianca ang ibig sabihin niyon. That Reynald Magnaye had an affair with Arcie del Rosario. Iyon marahil ang motibo ni Daryl Opena para patayin ang babaeng pakakasalan sana nito.
“But because there was no evidence that will involve him to the crime kaya walang nangyari,” dugtong ni Jemimah.
“Kailangan din nating makausap ang pamilya ni Daryl Opena,” sabi naman ni Ethan. “But their residence is in Cebu City. Hindi kami puwedeng lumayo ngayon.” Iginala nito ang paningin sa lahat ng naroroon. “Anyone willing to go?”
“I’ll go,” pag-ako ni Paul. “Wala naman akong ibang gagawin. Puwede ko ring isama si Bianca kung ayos lang sa inyo. She also needs something to do.”
Nagulat si Bianca sa sinabi ng lalaki pero hindi naman napigilan ang makaramdam ng kasiyahan. Gusto niyang makatulong kahit sa simpleng paraan. Tumingin siya kay Ethan na nasa mukha ang pagtutol pero nang hawakan ni Jemimah ang braso nito ay tumango na rin naman.
Malawak siyang napangiti sa pagpayag ng kapatid. Makakalabas na rin siya ng bahay. Makakatulong sa imbestigasyon ng mga ito. Gusto niyang yakapin si Paul ngayon dahil sa sayang nararamdaman pero pinigilan ang sarili.
“Just be careful,” paalala ni Ethan, seryoso. Tiningnan nito si Paul. “Bantayan mong mabuti si Bianca.”
Tumango lang naman si Paul.
Ngumiti si Jemimah. “Alamin niyo kung bakit hindi na sila humiling ng re-investigation. At kung may ibang kaaway si Daryl Opena na posibleng gumawa sa kanya ng masama. If possible na makakuha kayo ng mga personal things ni Daryl na makakatulong sa imbestigasyon, that will be good. His phone. Laptop. Or any files.”
Sunod-sunod ang pagtango ni Bianca. Pakiramdam niya ay kasama na rin siya sa team ng mga ito at hindi lang simpleng tagapanood, hindi lang isang taong pinoprotektahan ng mga ito. Tumingin siya kay Paul na abala na sa pagbabasa ng isang report. Gagawin niya ang lahat para hindi maging pabigat dito.
Hating-gabi na pero hindi pa rin makatulog si Bianca dahil sa excitement kaya nagpahangin muna siya sa garden. Matagal na rin mula nang makalayo siya dito sa Cavite.
“Bakit hindi ka pa natutulog?” narinig niyang tanong mula sa likod. Nalingunan niya si Paul na naghihikab pa. “Aalis pa tayo bukas.”
“Ganito talaga ako kapag excited sa isang bagay.” Ngumiti si Bianca. “Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa'yo. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na makatulong sa inyo.”
“It’s nothing.” Nagkibit-balikat si Paul. Sandali siyang pinakatitigan ng lalaki. “Are you sure you’re okay with these? You had your own bad experiences too. Baka may mga makita o marinig ka na makakapagpabalik sa—”
“I’ll be fine, Paul,” putol ni Bianca dito. “Iniisip mo ba na posible rin akong makagawa ng masama dahil sa mga bad experiences ko?”
“Hindi naman.” Umiling si Paul.
“Iba-iba ang pinagdaanan ng lahat ng mga tao at alam kong marami ang mas masakit pa ang pinagdaanan kaysa sa pinagdaanan ko,” aniya. “Hindi ko masasabi na naiintindihan ko sila. Everyone experiences pain throughout their life. Sa pagdami ng sakit na pinagdaanan ng isang tao, mas lalong nagiging makapal ang pader na ipinapalibot niya sa sarili. At mas lalong mahirap na basagin iyon.”
Nakatitig lamang sa kanya si Paul sa loob ng mahabang sandali. Lumapit ito sa kanya at marahang ginulo ang kanyang buhok. “Magpahinga ka na,” bulong nito.
Bianca stared at his dark brooding eyes. Bigla ay naging aware siya sa pagkakalapit nila ng binata. She didn’t know why she was starting to like the deep, dangerous sound of his voice.
Iniiwas ni Bianca ang tingin kay Paul. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganitong pagkailang sa mga ginagawa ng binata. Siguradong parang nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. Katulad din noong mga bata sila. He always played with her back then. He was so kind and—
Tumalon ang puso ni Bianca nang muling mapatingin sa mukha ni Paul at nakitang nakatitig pa rin ito sa kanya. What was he thinking? Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nito ng mga sandaling iyon. Pero hindi puwede.
Ngumiti siya. “Magpahinga ka na rin,” ani Bianca saka lumakad papasok sa loob ng bahay, patungo sa sariling kuwarto. Pagkarating doon ay naupo siya sa kama, inabot ang librong nakapatong sa unan. Isa iyon sa mga librong ibinigay sa kanya noon ni Paul.
Nagulat si Bianca nang dalhan siya nito ng mga libro. Minsan kasi ay nabanggit niya na wala na siyang mabasa at hindi naman payagang mamasyal mag-isa. Paul was so thoughtful. Hinaplos niya ang hawak na libro. He was just like an older brother to her. Hanggang doon lang. Hindi iyon puwedeng lumampas doon. At alam ni Bianca na may gusto pa rin si Paul kay Jemimah. Imposibleng mabaling ang atensyon nito sa isang katulad niya na isang bata lang ang tingin.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon