Antonio Subiera
PATULOY lamang sa pag-ulos si Antonio habang nakatingin sa mukha ni Eva. Nakahiga ito sa katre, siya ay nakaluhod doon habang hawak ang magkabilang pang-upo ng babae. Pangalawang gabi na ito na nagtalik silang dalawa dahil hindi pa rin bumabalik mula sa Maynila si Father Jude.
“A-Antonio... b-bilisan mo pa... ahh...” wika ni Eva.
Sumunod lang naman si Antonio sa utos nito. Mapapasaya niya ang babae sa pamamagitan niyon. Gusto niyang ibigay ang kasiyahan nito. Lumakas ang pag-ungol ni Eva habang bumibilis ang paglalabas-masok ng ari niya sa loob ng ari nito.
Pero napatigil sa paggalaw si Antonio nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Nakita nila ang galit na galit na mukha ni Father Jude. “Mga walanghiya kayo!” sigaw nito.
Mabilis na napalayo si Antonio kay Eva na agad ding bumalikwas ng upo. Nakatanggap ng isang malakas na suntok si Antonio mula sa pari. Napabagsak siya sa sahig.
“Walang hiya ka, Eva!” mura ni Jude sa babae. “Dinudumihan mo pala ang sarili mo habang wala ako?!” Sinabunutan nito si Eva at kinaladkad palabas ng kuwarto.
Naririnig na ni Antonio ang malakas na pag-iyak ng babae. Pinilit niyang tumayo para sundan ang mga ito.
“F-Father... m-magpapaliwanag ako...” garalgal na pagmamakaawa ni Eva. “P-parang awa niyo na, h-huwag niyo akong saktan.”
Patuloy lang sa pagkaladkad si Father Jude sa babae hanggang sa tumigil ito sa damuhan.
“F-father...” usal ni Antonio. “H-huwag niyo siyang saktan. P-pinapasaya ko lang siya dahil... dahil—”
“Tumahimik ka, Antonio!” sigaw ni Father Jude. “Hindi ko alam na may pagnanasa ka rin pala sa babaeng ito, hayup ka! Nakakadiri na ang babaeng ito kaya dapat na siyang parusahan.” Sinuntok nito sa mukha si Eva.
Tinangka itong lapitan ni Antonio pero napatigil nang duruin ni Jude. Nanlilisik na ang mga mata ng pari. “Tingnan mo kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito, Antonio. Matuto ka. Ako lang ang dapat na nasusunod dito. Ako lang!”
Inabot ni Father Jude ang isang malaking bato sa lupa pagkatapos ay walang tigil nitong pinagpupukpok ang ulo ni Eva sa harapan niya. Napabagsak ng upo si Antonio sa lupa habang nakatitig sa katawan ng babae na nangingisay na. Sumisirit na rin ang dugo mula sa ulo nito, tumatalsik papunta sa kanya.
Ilang sandali lang ay tumigil na sa paggalaw si Eva pero patuloy pa rin sa pagpukpok ng bato si Father Jude hanggang sa lumabas na ang utak ng babae.
Ibinagsak ni Jude ang bato at lumapit naman sa kanya. Sunod-sunod ang suntok at sipang ibinigay sa kanya ng pari. Namimilipit na sa sakit si Antonio pero hindi naman makalaban hanggang sa mawalan siya ng malay.
Nagising si Antonio na nasa loob ng isang madilim na closet. Pilit niyang inalala ang nangyari. Napatingin siya sa tabi at nakita doon ang bangkay ni Eva. Nakamulat pa ang mga mata ng babae, walang kahit ano'ng saplot sa katawan, basag ang bungo at labas ang utak.
Malakas na napasigaw si Antonio. “T-tulungan niyo ako!” sigaw niya, malakas na pinagpupukpok ang closet pero naka-lock iyon. “I-ilabas niyo ako dito. P-parang awa niyo na. F-Father... Father... S-susunod na ako sa inyo, i-ilabas niyo ako... a-ayoko dito...”
Pero walang nagbukas ng closet. Nagsumiksik si Antonio sa pinakasulok na parte ng closet, pilit inilalayo ang katawan sa bangkay na kasama. Tumulo na ang mga luha niya. Dahil sa takot? Hindi niya alam. Nararamdaman din niya ang paninikip ng dibdib.
Ipinikit ni Antonio ang mga mata, inaalis sa isipan na may bangkay siyang kasama sa closet na iyon.
Hindi alam ni Antonio kung gaano siya katagal na nanatili sa loob ng closet kasama ang bangkay ni Eva pero sigurado na araw din iyon. Nang bumukas ang pinto ng closet ay bumagsak siya sa sahig, nahihirapan na sa paghinga dahil sa gutom at uhaw.
Tumingin siya kay Father Jude na lumuhod sa harapan niya. “Natuto ka na ba, Antonio? Huwag na huwag mong kukunin ang sa akin. Kapag nagkamali ka uli, masasaktan ka ng paulit-ulit...”
AT iyon na nga ang simula ng buhay ni Antonio sa impyerno. Kada simpleng pagkakamali niya lamang ay masasaktan na kaagad siya ni Father Jude. Isang beses sa isang araw lang siya nitong pinapakain. Hindi na rin siya pinapalabas ng pari. Tuluyan nang nawala ang pag-asa ni Antonio sa buhay. Unti-unti niya nang nakikita na isang demonyo ang nagpapatakbo sa simbahang ito.
Kasalukuyang naglilinis si Antonio ng mga plato sa kusina nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Hindi pa siya kumakain ngayong araw. Dahil sa pagkawala ng balanse ay nabitawan niya ang isang pinggan at nabasag iyon.
Mabilis na kinuha ni Antonio ang mga basag na parte ng pinggan para sana maitago iyon pero nakarinig na siya ng mga yabag papalapit.
“Ano na namang kapalpakan ang ginawa mo?!” sigaw ni Father Jude. Hinablot nito ang kanyang buhok at kinaladkad siya palabas. Magkakasunod na suntok at sipa na naman ang natamo ni Antonio.
Lumuhod sa harapan niya si Father Jude, ihinilamos ang isang kamay sa mukha. “Pagod na pagod na akong mag-alaga sa'yo, Antonio,” mariing sabi nito. “Wala ka na ngang naitutulong, puro kapalpakan pa ang ginagawa mo.” Sandali siyang pinakatitigan ng lalaki. “Bakit hindi mo naman ako pasayahin, ha? Tutal inagaw mo naman sa akin si Eva noon na nagpapasaya sa akin dito.”
Hindi naintindihan ni Antonio ang sinasabi nito. Muling hinablot ni Father Jude ang kanyang buhok at kinaladkad siya papasok sa loob ng residence nito, patungo sa isang bodega.
“I should make an art with you,” nakangising sabi ni Father Jude. Nakikita ni Antonio ang kademonyohan sa mukha nito. Nararamdaman niya na hindi maganda ang gusto nitong gawin.
Sinubukan ni Antonio na gumapang palabas ng bodega pero dahil nanghihina na ang katawan sa natamong pambubugbog ay agad na naaapakan ni Father Jude.
“Wala namang problema sa akin kahit lalaki.” Hinawakan ni Father Jude ang parte ng pagkalalaki nito. “Pero siyempre, gusto kong maganda ang pagkakaayos mo.”
Malakas siyang sinipa ni Father Jude sa sikmura. Namilipit sa sakit si Antonio. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Nakita niya nang hilahin nito ang isang malaking kahoy na krus at ibinagsak sa sahig.
Bumalik sa kinahihigaan niya si Father Jude at muli siyang kinaladkad patungo sa kahoy na krus. Ano ang gagawin nito? Pinilit ni Antonio na magpumiglas, pero dahil mas malaki at malakas si Jude ay walang naging laban.
Nanlaki ang mga mata ni Antonio nang makita ang malalaking pako at martilyo na dala ng pari. Sapilitan nitong pinabuka ang kanan niyang kamay para maitapat sa kanang parte ng kahoy na krus.
“H-h-huwag!” tarantang sigaw ni Antonio nang lumapat ang talim ng pako sa kanyang kanang kamay. “H-huwag! F-Father... h-huwag!”
Pero hindi nakinig ang lalaki. Itinaas nito ang hawak na martilyo at sinimulang pukpukin ang pako na nasa tapat ng kamay niya. Histerikal na napasigaw si Antonio nang bumaon ang pako sa kanyang kamay.
Namilipit siya sa sakit subalit patuloy pa rin sa ginagawa ang pari. Isinunod pa nito ang kaliwa niyang kamay na ipinako. Tinatawanan lang ni Father Jude ang sakit na nararamdaman niya.
Naubos na ang boses ni Antonio sa pagsigaw. Nakabuka ang magkabila niyang mga braso, parehong nakapako ang kamay sa kahoy na krus. Napakarami niyang tanong sa isipan. Ano itong ginagawa ng paring ito sa kanya? Bakit siya nito pinahihirapan? Ano ba ang nagawa niyang kasalanan?
Hindi pa natapos doon ang paghihirap ni Antonio. Hinubaran pa siya ni Father Jude at sinimulang babuyin ang kanyang katawan. Ibinuka nito ang kanyang mga hita, sapilitang ipinasok ang ari sa loob ng kanyang pang-upo.
Hindi maikuyom ni Antonio ang mga kamay kahit nasasaktan sa panggagahasa ni Jude. Kapag ginawa iyon ay lalong lumalaki ang sugat sa kanyang pagkakapako.
Tumulo na ang kanyang mga luha, paulit-ulit na minumura ang lalaking bumababoy sa kanya, nananakit sa kanya. Ang lalaking ito ang nagturo sa kanya na sumunod sa mga kautusan ng Bibliya pero ito rin ang unang-unang nagpapakita sa kanya ng paggawa ng kasalanan.
Halos hindi na makagalaw si Antonio nang matapos si Jude sa kasamaan nito. Isinuot ng lalaki ang pantalon bago tumayo, nakangisi na parang demonyo. Hindi, isa talaga itong demonyo.
“Babalikan kita kapag nakapagpahinga na ako,” sabi pa ni Father Jude bago lumabas ng storage room.
Mahabang sandaling nakatitig lamang si Antonio sa kisame. Hindi niya alam kung luha pa ba ang pumapatak sa mga mata o dugo na. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Pero walang tumutulong sa kanya.
“K-kamatayan ang... kabayaran ng kasalanan....” usal ni Antonio. “K-kamatayan... ang kabayaran ng kasalanan...” Papatayin niya ang demonyong iyon. Papatayin niya ito.
Ikinuyom ni Antonio ang mga kamao, hindi na ininda ang sakit ng pagkakapako. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi bago malakas na inalis ang mga kamay sa pagkakapako. Patuloy lamang ang pag-alpas ng dugo sa magkabila niyang kamay.
Pero hindi siya magpapadala sa panghihina. Pinilit ni Antonio na tumayo, kinuha ang damit sa sahig. Pinunit niya iyon at ipinulupot sa magkabilang mga kamay para mapigilan ang pagdurugo.
Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Antonio para kalmahin ang sarili at hakutin ang natitira pang lakas. Napatingin siya sa isang parte ng storage at nakita ang isang palakol.
Maluwang na napangisi si Antonio, kinuha ang palakol. Humakbang siya palabas ng storage, hinanap ang demonyong sumira sa kanyang pagkatao.
Maingat na pumasok si Antonio sa loob ng kuwarto ni Father Jude. Nakahiga na ito sa kama at himbing na natutulog. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa palakol. Hinakot niya ang lahat ng lakas para maitaas iyon.
Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Dapat niyang patayin ang makasalanang taong ito. Hindi dahil isa itong pari ay santo na. Hindi alam ng mga tao na isa itong demonyo.
Malakas na ipinukpok ni Antonio ang palakol sa ulo ni Father Jude. Malakas ang naging pagsirit ng dugo mula doon. Nangisay ang katawan ng lalaki hanggang sa tumigil iyon. Patay na ito.
Hinila ni Antonio pababa ng kama ang katawan ni Father Jude. Muli niyang binunot ang palakol sa ulo ng lalaki at sinimulang pagputol-putulin ang katawan ng pari. Gamit ang mga kamay ay sapilitan niyang dinukot ang mga mata nito.
Mahinang tumawa si Antonio habang pinaglalaruan ang mga eyeballs ng pari sa kamay. Tumayo siya at pinagmasdan ang putol-putol na katawan ni Father Jude, punong-puno ng dugo ang sahig. Napakagandang tingnan.
“N-nakikita mo ba?” wika niya. “Napakarami kong sugat ngayon pero... pero nakakatayo pa ako. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo ngayon, Father? Bakit hindi ka tumayo?” Malakas na tumawa si Antonio.
Napahawak siya sa sikmura nang makaramdam ng gutom. “Hindi pa ako naghahapunan. Sabay-sabay na tayong kumain.” Kinuha niya ang ulo ni Father Jude bago nagtungo sa closet nito at kinuha naman doon ang bungo ni Eva.
Paika-ikang naglakad si Antonio patungo sa kusina at inilagay sa upuan ang ulo at bungong dala. Kumuha siya ng tinapay at isa-isang itinapat iyon sa mga upuan.
Nang makaupo si Antonio ay muli siyang tumawa. “M-magdasal muna tayo, ha?” Nag-krus muna siya at umusal ng dasal. Pagkatapos ay kinain niya na ang tinapay habang patuloy sa pakikipag-usap sa ulo ni Father Jude at bungo ni Eva. Kompleto na uli sila. Magiging masaya na sila...
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mystère / ThrillerA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...