Chapter 57

1.1K 62 0
                                    

Lauren Jacinto
IMINULAT ni Lauren ang mga mata at napangiwi nang maramdaman ang pananakit ng katawan. Iginalaw niya ang katawan pero natigilan. Nakakadena pa rin ang kaliwang kamay at paa niya, may nakapulupot din na braso sa kanyang baywang.
Bumilis ang tibok ng puso ni Lauren nang maramdaman ang bahagyang paggalaw ni Jayden na nasa likuran. Nakatagilid siya ng higa kaya hindi ito makita. Kinagat ni Lauren ang pang-ibabang labi nang bumangga sa likuran niya ang naghuhumindig na pagkalalaki ni Jayden.
Tumaas ang isang kamay ng binata patungo sa kanyang dibdib, marahas na minasahe iyon. Hindi na napigilan ni Lauren ang pagsinghap. Hindi nagsalita si Jayden pero naririnig niya ang marahas na paghinga nito.
His one hand went down, raising her right thigh a little to slip his manhood between her legs. Namungay ang mga mata ni Lauren, umungol. He rubbed his length on her wetness. Jayden could easily arouse her.
Ipinikit ni Lauren ang mga mata nang unti-unting ipasok ng binata ang pagkalalaki sa loob niya. He just let him own her once more, a little bit gentle this time. Walang namagitang usapan sa kanila. Tanging mga ungol lamang ang maririnig sa buong bahay hanggang sa maabot na naman nila ang kasukdulan.
Ipinanatili lang ni Lauren ang pagkakapikit ng mga mata. She felt so weak and sticky, but it was so good. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jayden bago ito lumayo sa kanya, naupo sa kama.
Iminulat niya ang mga mata at tiningnan ito. Gustong haplusin ni Lauren ang likod nitong basa pa rin ng pawis pero baka mas lalong lumayo ang binata. Hindi niya gustong isipin na pinagsisisihan nito ang nangyari sa kanila.
Sinubukan ni Lauren na tumayo, bahagya pang napangiwi. Her body was aching. Medyo mahapdi rin ang kaliwang kamay at paa niya dahil sa paghila sa kadena nang hindi sinasadya. Siguradong hindi rin siya makakalakad ng maayos.
“J-Jayden...” mahinang sambit ni Lauren sa pangalan ng binata, nakatitig lang sa likuran nito.
Napahawak sa ulo si Jayden. “Bakit?” naguguluhang tanong nito. “Hindi ko maintindihan. Napakarami ko nang napatay. Pero bakit? Bakit hindi kita mapatay?! Kailangan kitang patayin. Iyon ang dapat kong gawin.”
Napahikbi na si Lauren. “J-Jayden... please, look at me.”
Tumingin sa kanya si Jayden, puno na ng kaguluhan ang mukha.
Nag-aalangang itinaas ni Lauren ang isang kamay para haplusin ang pisngi ni Jayden. He stilled. Pero hindi naman tinabig ang kamay niya. Pinilit ni Lauren na makalapit sa binata para maisubsob ang mukha sa balikat nito. Hindi niya matingnan sa mga mata ang lalaki, nakakaramdam ng hiya.
“Alam ko na hindi ka kasing sama tulad ng gusto mong paniwalaan ng mga tao,” bulong ni Lauren. “I know there’s still good in your heart, Jayden. At iyon siguro ang dahilan kaya naririto pa rin ako.”
Hindi niya naman narinig ang pagsasalita ni Jayden. They remained like that for a long while. Naramdaman na lang ni Lauren nang bahagyang itaas ni Jayden ang polo na suot niya kanina para matakluban ang kanyang katawan.
Lumayo siya sa binata para isuot ang polo. “A-ano'ng oras na?” tanong niya.
“Alas-singko na ng hapon,” sagot ni Jayden.
Tumango siya. Simula nang makulong dito ay hindi niya na rin alam kung ano'ng oras o araw na. Sinulyapan niya si Jayden na nakayuko pa rin. “Natulog ka ba?” Hindi sumagot ang binata pero sigurado si Lauren na hindi ito natulog.
Gustong-gusto niyang yakapin si Jayden pero hindi magawa. If only she was not chained. Hindi maintindihan ni Lauren kung bakit hinahayaan ang sariling makaramdam ng awa at pagmamahal dito, kung bakit gusto niyang manatili lang sa tabi nito sa kabila ng lahat ng kasinungalingan, ng kasamaan ni Jayden. What made him so special? She didn’t know.
Nalipat ang tingin ni Lauren sa kuwintas ni Jayden na may cross pendant. Inabot niya ang krus para haplusin. “Ginagamit ni Destroyer ang ibig sabihin ng krus na ito sa mali,” wika niya. “Do you know the meaning of the cross? It is a symbol of atonement. A represents the victory of Christ over sin and death. Destroyer thinks he’s the one saving people from their sins. Hindi. Hindi siya Diyos. Hinding-hindi siya magiging Diyos.”
Ibinaba ni Lauren ang kamay para hawakan ang isang kamay ni Jayden. “God can still save you, Jayden, from all of these. Mababago pa ng Diyos ang buhay natin para maging tunay na masaya. We just need to believe and have faith in Him.”
Mahabang sandaling nakatitig lang sa mga kamay nila si Jayden bago ito lumayo at bumaba sa kama. Inabot ng binata ang mga damit, nagsimulang isuot iyon.
“I’ll help you, Jayden,” pagpapatuloy ni Lauren. “I’ll kiss all the wounds of your past, all the scars in your heart. Pipilitin kong maintindihan ka. Tanggap ko kahit anong klase ng tao ka pa. Allow me to help you.”
Bumuntong-hininga si Jayden. “Hindi ko alam, Lauren,” sabi nito. “Gusto kong mag-isip.” Pagkatapos magbihis ay lumapit sa kanya ang binata para ikadena rin ang kanyang kanang kamay at paa, hindi tumitingin. “Magpahinga ka pa.”
Sinundan lang ng tingin ni Lauren si Jayden hanggang sa makalabas ito ng bahay. Bumalik siya sa pagkakahiga. Kahit malamig pa rin ang pakikitungo ng binata ay nakakakita naman ng pag-asa si Lauren na magbabago ito. Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya iiwanan si Jayden. Gagawin niya ang lahat para mailigtas ito, matulungang lumakad sa liwanag.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon