Paul Morales
NAGPASALAMAT si Paul kay Josephine Opena – ang kapatid na babae ni Daryl Opena – nang ilapag nito sa mesita ang mga tinimplang kape para sa kanila ni Bianca.
“Nandito kayo dahil sa kapatid kong si Daryl?” tanong ni Josephine. “Akala ko ay tapos na ang imbestigasyon na 'yan? Tahimik na ang mundo namin.”
“Pasensiya na sa abala, Ms. Opena,” wika ni Paul. Sumulyap siya kay Bianca na nakaupo lang. Alam niyang hindi alam ng babae kung ano ang gagawin o itatanong kaya siya na ang magsisimula. “Nandito kami dahil iniimbestigahan uli namin ang kaso ng pagkamatay ng kapatid mo.”
“Bakit?” tanong ni Josephine. “Sasabihin niyo na naman na may pumatay sa kanya? Hindi ba naisara na ng mga pulis ang kaso niya? Ano pa bang kailangang halungkatin?”
Bumuntong-hininga si Paul. “So naniniwala kayo na nag-suicide nga si Daryl matapos patayin ang fiancée niya?”
“Hindi ba gano'n ang nangyari?” nagtatakang tanong ni Josephine. “Pinatay ni Daryl si Arcie pagkatapos ay naglaslas siya. Sobra-sobra ang kahihiyan ng pamilya namin dahil doon kaya bakit pa namin patatagalin ang lahat? My father had a heart attack because of the shame. Hanggang ngayon ay paralyzed pa rin siya. Gusto naming kalimutan na ang lahat. Napakalaki na ng nasira ng pangyayaring 'yan sa buong pamilya namin.”
“The police gave up on that case dahil walang ebidensya na makakapagpatunay na may third party sa krimen,” mariing sabi ni Paul. “Parehong putol ang hinliliit ng dalawang biktima, hindi na ba kaduda-duda iyon?”
“Sinabi ng mga pulis na baka si Daryl ang pumutol niyon para—”
“Baka?” Paul interrupted. “Ibig sabihin ay hindi sigurado. May posibilidad pa rin na hindi si Daryl ang gumawa niyon. At kung sakali ngang ganoon, may posibilidad na hindi isang simpleng murder at suicide ang lahat ng ito.”
Nakatitig lamang sa kanya si Josephine, hindi makapagsalita. Hindi na bago kay Paul ang reaksiyon na iyon. He was a prosecutor. Madalas niyang nakikita ang ganoong reaksiyon sa korte lalo kapag nako-corner na ang pino-prosecute niya.
“Hindi naman namin bubuksan muli ang kaso nang walang dahilan, Ms. Opena,” dugtong ni Paul. “We had a new lead.” Tumingin siya kay Bianca na nakatitig lang din sa kanya. Nginitian niya ito. “Go on, tell her what our team found out.”
Bumahid ang pagkataranta sa mukha ni Bianca. Tiningnan nito si Josephine, tumikhim. “M-may kaparehong kaso sila. Someone was also killed and the murderer did suicide. At katulad ng nangyari kina Daryl Opena at Arcie del Rosario, pareho ring nawawala ang mga hinliliit ng dalawang 'yon. It was too much of a coincidence.”
“It was a serial-killing case,” dagdag ni Paul.
Hindi naitago ni Josephine ang pagkagulat. “I-ibig n'yong sabihin... m-may ibang pumatay kay Arcie at pinatay rin ang kapatid ko? Pagkatapos ay pinalabas lang na si Daryl ang may kasalanan?”
“No.” Umiling si Paul. “Posible na Daryl nga ang pumatay kay Arcie del Rosario. Posible rin na nag-suicide nga ang kapatid mo pagkatapos niyon. But there was someone else in those times. Posibleng pinlano ng kung sinomang iyon ang lahat ng ito.”
Marahas na ini-iling ni Josephine ang ulo. “Kung totoo nga na may ibang tao nang mangyari iyon, desisyon pa rin ni Daryl na gawin ang lahat. Isa pa rin siyang mamamatay-tao.”
“What if that someone was threatening him? Hindi pa namin alam ang lahat.” Sandaling huminto si Paul. “Ang alam lang namin ay may isang mapanganib na serial killer ang pumapatay sa pamamagitan ng panloloko sa ibang tao, panlilinlang sa isipan nila.”
Nagkibit-balikat si Josephine. “Wala na rin namang mababago kung totoo man ang lahat ng 'yan. My brother was still fooled. And he brought shame in this family.”
Hindi na siya makikipagtalo. Sa mga pamilya na mataas ang antas sa lipunan, mas mahalaga talaga sa mga ito ang imahe at pride.
“Pero puwede naman kaming magtanong ng tungkol sa kapatid mo, 'di ba?” tanong ni Bianca mayamaya. “Base sa information ni Daryl Opena, dalawa lang kayong magkapatid. Alam mo ba kung may taong galit sa kanya?”
Nakamasid lamang si Paul kay Bianca habang nagsasalita ito. She really did changed a lot. Hindi na ito ang batang Anna Maxwell na nilalaro niya noon.
“Negosyante si Kuya Daryl,” ani Josephine, bahagya nang lumamlam ang boses. “Marami siyang kaaway sa negosyo pero wala akong maisip na mananakit sa kanya ng pisikal. Wala. Mabait si Kuya Daryl. Mahal na mahal niya si Ate Arcie.”
Ibinalik ni Paul ang tingin kay Josephine. “Wala ka bang napansin sa kanya noong mga araw bago siya ikasal? Sa kanila ni Arcie? Wala ba siyang tao na madalas nakakasama, nakakausap?”
Ipinikit ni Josephine ang mga mata, umiling-iling. “Hindi sila nag-aaway ni Ate Arcie.” Nagmulat ito. “Pero... pero napansin ko na parang laging balisa si kuya noon ilang araw bago siya ikasal. His behavior has changed. T-tanda ko pa na nag-away sila ni daddy dahil sa trabahong hindi nagawa ni kuya.”
Sinulyapan ni Paul si Bianca na isinusulat ang mga naririnig. “What else?” tanong niya.
“May... nakita rin ako noon sa kuwarto ni kuya na ilang bote ng gamot but I never saw him take those medicines.”
“Nandito pa ba ang mga 'yon?” tanong ni Paul.
Tumango si Josephine. “Hindi pa nagagalaw ang kuwarto ni kuya dito. Puwede ko 'yong ibigay sa inyo.”
Sumunod sila sa babae patungo sa ikalawang palapag ng bahay, deretso sa kuwarto ni Daryl noon. Pumasok sa loob ng bathroom doon si Josephine habang sila ay naging abala sa pagtingin-tingin sa mga gamit doon.
Lumapit si Bianca sa working desk na naroroon. “His laptop is still here,” anito. “Mukhang wala ngang nagagalaw dito na kahit ano.”
Yeah. It felt like Daryl Opena was still living. Lumabas si Josephine sa banyo at ipinakita sa kanila ang mga tinutukoy na bote ng gamot. Isa-isang tinitigan ni Paul ang mga bote. One of them were sleeping pills.
“Dadalhin na namin 'to,” aniya, bago isinilid sa loob ng bodybag na dala ang mga bote. Lumapit si Paul sa kinatatayuan ni Bianca. “Mayroon na bang nag-check noon sa laptop na ito ni Daryl? Is his phone still here?”
“May mga pulis na nagpunta dito noon,” sagot ni Josephine. “They checked that laptop pero wala naman silang nakitang kahina-hinala. Kuya’s phone was also missing. Hindi namin alam kung nasaan 'yon. Hindi na rin nahanap ng mga pulis.”
Napabuga ng hininga si Paul. There were too many suspicious things, yet the local police just settled with the obvious. “Can we take the laptop for a while?” tanong niya. “Ipapa-check lang namin uli.”
Nagkibit-balikat lang naman si Josephine. Ilang minuto pa silang nagtingin-tingin sa kuwarto na iyon bago nagpasalamat sa babae.
“You’re very good at this,” narinig niyang wika ni Bianca, nasa loob na sila ng rented car para magtungo sa airport. Kailangan din nilang makabalik kaagad sa Cavite para maipa-check ang mga gamot at maging ang laptop ni Daryl Opena.
“I’m used to interrogations,” aniya. “Trabaho ko 'yon.”
“Sanay kang mang-ipit ng mga tao hanggang sa wala na silang masabi,” natatawang biro ni Bianca.
Napatawa na rin si Paul. “Hindi ka na nakapasyal dito.”
“Okay lang. Trabaho naman talaga ang ipinunta natin dito.” Ngumiti si Bianca. “I want to be professional like all of you.”
“Pwede ka pa namang bumalik dito. Kung gusto mo, isasama uli kita minsan kapag pinayagan ka ng kapatid mo.”
Malakas na napatawa si Bianca. “Tinatrato mo naman ako na parang bata,” umiling-iling ito. “Kaya ko na ang sarili ko, Paul. Ngayon lang naman nagiging over-protective si kuya dahil mapanganib pa. Pero after all of this, pwede na akong pumunta sa kahit saang lugar.”
Tumango-tango si Paul. Yes, she was not a little child anymore. But she was still fragile – making him want to protect her too. Itinuon na lang ni Paul ang atensyon sa daan. Hindi niya maintindihan kung bakit nag-aalala ng ganito para kay Bianca. Siguro dahil simula pa noong mga bata sila ay close na talaga dito. He was also like her older brother. At dahil wala siyang nakababatang kapatid ay mas napalapit dito.
Kahit noong unang beses na muling makita si Bianca – na hindi pa niya nalalamang ito si Anna Maxwell – nakaramdam na kaagad ng curiosity para dito. Pakiramdam niya matagal na itong kakilala. At tama siya.
Ngayon na muling nakakausap ito, para siyang bumabalik sa nakaraan – noong wala pang ibang iniisip, inaalala. Those times when envy hadn’t filled his heart yet. Sinulyapan ni Paul si Bianca. Hindi niya maintindihan kung bakit gustong maipakita sa babaeng ito na pinipilit niya uling maibalik ang dating pag-uugali. Siguro dahil ayaw niyang ma-disappoint sa kanya si Bianca. Gusto uli ni Paul na makita ang kislap sa mga mata ng babae tuwing nakatingin sa kanya. Katulad noong mga bata pa sila.
Bumuntong-hininga si Paul. What was he thinking? Dapat na ituon niya lang ang atensyon sa trabaho ngayon.
Buong biyahe nila pabalik sa Cavite ay tungkol sa trabaho lang ang pinag-usapan nila ni Bianca. Nang makabalik sa hideout, tanging sina Mitchel, Theia at Douglas lang ang naroroon. Hindi pa raw nakakabalik sina Ethan at Jemimah.
Sandali lang silang nagpahinga bago sinimulang ibalita sa mga ito ang mga nalaman sa pagkausap sa kapamilya ni Daryl Opena. Inilapag niya sa mesa ang mga bote ng gamot, maging ang isang laptop.
“Sinabi ni Josephine Opena na napansin niya ang mga gamot na ito pero hindi naman nakitang iniinom ni Daryl,” pagpapaliwanag ni Paul. “Kinuha rin namin ang laptop ng biktima para ma-check ninyo.”
Tiningnan ni Douglas ang mga bote ng gamot na naroroon. “Pwede sigurong ipa-check natin kay Theia online ang mga gamot na ito.”
Tumango si Theia. “I’ll do it.” Kinuha nito ang mga gamot bago lumapit sa harap ng isang nakabukas na laptop. “Ako na rin ang bahala sa laptop na 'yan ni Daryl. I’ll check on it. Nasa akin din ang laptop ng biktimang si Irma Guilaran. Titingnan ko kung may lead tayong makukuha.”
Hindi sila naghintay ng matagal at nahanap na ni Theia kung para saan ang mga bote ng gamot na pag-aari ni Daryl Opena.
“One of the bottles is sleeping pills,” ani Theia. “Ang dalawa ay pine-prescribe sa mga taong may depression.” Napatingin ang babae kay Mitchel. “Pareho sila ni Irma.”
“Pareho?” nagtatakang tanong ni Paul.
“Binasa ko ang lahat ng entries sa diary ni Irma Guilaran,” pagpapaliwanag ni Mitchel. “Based on her first entries, isa siyang cheerful person. A positive girl. Friendly. Pero simula nang ma-rape siya ng professor niyang si Mortel, nagbago na ang voice ng pagsulat niya sa diary. I am sure she was also suffering from depression. She became anti-social. Hindi naman natin siya masisisi dahil sa pinagdaanan niya. No one knew she was suffering inwardly.”
“Wala sa autopsy nina Opena at Guilaran na may tinake silang gamot bago namatay,” wika naman ni Douglas. “Ibig sabihin ay hindi iniinom ni Daryl Opena ang mga gamot 'yan kahit naka-prescribe sa kanya.”
Hinaplos-haplos ni Paul ang sariling baba. “Kung parehong nagsa-suffer sa depression sina Daryl Opena at Irma Guilaran, ibig sabihin ay mabilis lang silang mapapasunod ng kung sinong makakatanggal sa lungkot at paghihirap nila.”
Tumango si Mitchel. “Someone brainwashed them. Sinamantala ng kung sinomang ito ang depression nila para mapasunod. Kaya malaki ang posibilidad na pinatay nga nina Opena at Guilaran ang mga taong iniisip nilang dahilan ng paghihirap nila – sina Arcie del Rosario at Efren Mortel.”
“Siya rin ang nag-utos kina Opena at Guilaran na mag-suicide?” tanong naman ni Bianca.
Napatingin sila sa babae. Malaki ang posibilidad na ganoon nga ang nangyari.
“Walang ebidensya na may foul play sa pagpapakamatay nina Opena at Guilaran,” ani Mitchel. “Tanging ang putol na hinliliit lamang ang nakakapag-kuwestiyon sa suicide nila. Kaya oo, posible na inutos din sa kanila na magpakamatay. They have depression. Madali lang na konsensiyahin sila.”
Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid bago iyon binasag ng boses ni Theia. “We have a scary serial killer to find.”
“A beast who uses puppets to kill.” Umismid si Mitchel. “An intelligent monster just like the Destroyer.”
“Siguradong ang halimaw na iyon din ang nagbigay ng ricin kay Irma Guilaran,” sabi ni Douglas. “It’s impossible for a student like her to get hold of that poison. Kailangan may alam ka sa black market o makapangyarihan. This killer is a powerful enemy. Wala pa tayong hawak na ebidensya na makakapagbigay ng lead sa kanya.”
“Gusto kong malaman kung paano nahahanap ng serial killer na ito ang mga target niya,” ani Mitchel. “There must be something that connects these victims. There must be something that brought them to this beast.”
“We will find that out,” ani Bianca. “Let’s just be positive.”
Tumingin si Mitchel kay Bianca, ngumiti. “Kumusta nga pala ang naging biyahe niyo ni Paul?”
“It was good,” sagot ni Bianca. “Masaya ako na may naitutulong na ako ngayon.”
“You being safe is enough for us,” sabi ni Mitchel. “Ginagawa naman natin ito para sa ating kaligtasan.”
Tumango naman si Bianca.
“Magpahinga na muna kayo, Paul, Bianca,” sabi naman ni Theia, tumayo. “Kami na ni Mitchel ang maghahanda ng hapunan.”
“Kasama ako?” turo pa ni Mitchel sa sarili.
Tiningnan ito ng masama ni Theia, tumaas ang isang kilay. “Ayaw mo?”
Ngumisi si Mitchel, niyakap sa baywang mula sa likod ang girlfriend nito. “Hindi naman. Basta may dessert ako mamaya.”
Naiinis na lumayo si Theia kay Mitchel at nauna nang naglakad patungo sa kusina. Tumatawa namang sumunod si Mitchel dito.
Napailing si Paul. Ngayon lang niya nakitang sunod-sunod si Mitchel sa isang babae. He was still childish but it was very obvious that Mitchel fell so hard for Theia.
“Hahanapin ko lang sa labas si Karine,” paalam naman ni Douglas.
Nang silang dalawa na lang ni Bianca ang naiwan doon, nilapitan niya ang babae. “Magpahinga ka na. Gigisingin ka na lang namin kapag kakain na o kapag dumating na sina Jemimah.”
Nagulat si Paul nang higit na lumapit si Bianca para yakapin siya sa baywang. Ngumiti ang dalaga. “Thank you. Masaya talaga ako ngayon.”
Napatitig si Paul sa kumikislap na mga mata ni Bianca. Nakatingin ito sa kanya na para bang walang ibang nakikita kundi ang kabutihan niya. Paul knew he was not a good person. He had lots of flaws. Pero bakit pakiramdam niya ay balewala ang mga iyon tuwing nakatingin sa kanya ng ganito ang dalaga. Paul could feel something unfamiliar in his heart – the urge to protect this woman, to do everything just to see her smile like this.
Paul was afraid as hell to want Bianca. Napakaraming rason para hindi niya ito tingnan ng higit pa sa nakababatang kapatid. Eleven years ang agwat ng edad niya dito. She was just twenty-two! Sigurado rin na hindi lang masasamang salita ang matatanggap niya mula sa kapatid nitong si Ethan.
But despite all that, here he was, wanting this woman anyway. Itinaas ni Paul ang isang kamay para haplusin ang buhok ni Bianca. Her sparkling blue eyes was so beautiful. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa sarili? He liked Jemimah. Si Jemimah ang dahilan kung bakit siya nagpunta dito sa Cavite para tumulong sa iniimbestigahan ng mga ito.
He liked Jemimah. Hindi iyon magbabago. Hinahangaan niya ang babae sa katatagan nito, sa pagiging mabuti nito. Pero marahil ay hanggang doon lang iyon. Dahil lang sa inggit niya kay Ethan kaya ninais na mapasakanya ang babae.
This feeling he was feeling right now was entirely different. He wanted this woman in his life. Kahit alam ni Paul na imposible. Ibinaba niya ang kamay, ngumiti. Poprotektahan niya na ang babaeng ito, pahahalagahan kahit hindi nito alam. Sapat na sa kanya ang makitang ligtas ito at masaya. Kahit nakatatandang kapatid lang ang tingin sa kanya.
“You’re welcome,” bulong ni Paul. “Now go and rest. Magpapahinga na rin ako.”
Humakbang paatras si Bianca, palayo sa kanya. Iniiwas nito ang tingin bago tumango at lumakad palayo.
Gusto sanang habulin ni Paul ang dalaga pero para ano pa? Wala rin naman siyang masasabi dito. Pinagmasdan niya na lang ito na lumalakad palayo.
Humugot ng malalim na hininga si Paul, ipinikit ang mga mata. What the hell was wrong with his heart and mind? Mapapatigil niya pa ba ang kahibangan na ito?
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...