Chapter 8

1K 67 0
                                    

Paul Morales


5 years later...


"DO NOT be deceived, God is not mocked; for whatever a man sows, that he will also reap. For he who sows to his flesh will of the flesh reap corruption, but he who sows to the Spirit will of the Spirit reap everlasting life." Isinara ni Paul ang Bibliya na pag-aari ng amang si Antonio Morales bago inilapag iyon sa harapan ng puntod nito.


Inakbayan ni Paul ang asawang si Bianca na nakatayo lamang sa tabi. "It's been five years," bulong niya. Pinatawad na rin ni Paul ang amang si Antonio sa lahat ng nagawa nito. Siya rin naman ang masasaktan kung patuloy na dadalhin ang galit sa puso.


"Hindi natin alam ang nangyari sa Papa mo pero kung mas naintindihan niya lang ang Diyos, hindi siya mahahantong sa ganito." Malungkot na tumingin sa kanya si Bianca. "I'm thankful na hindi ka naging katulad niya, Paul."


Ngumiti siya. "He has a mental disorder, psychopathy. Posible rin na namana namin iyon pero dahil pinuno kami ni Mama ng pagmamahal ay maaga naming naintindihan ang katotohanan." Kumunot ang noo ni Paul. "Hindi ka ba nilalamig, medyo makulimlim ngayon." Hinaplos niya ang malaking umbok ng tiyan ni Bianca. "Hindi ka puwedeng magkasakit para sa magiging baby natin."


Tumawa si Bianca. "Umuwi na tayo, kung gano'n," anito.


Niyakap ni Paul ang asawa at hinalikan ito sa pisngi. "Thank you for loving me, Bianca. And for accepting me ginawa ni Papa iyon sa mga magulang niyo."


"Forget about it, Paul." Tiningnan siya nito ng masama. "Past is past, okay?"


Tumango siya at hinawakan ang mga kamay nito. Naglakad na sila pabalik sa kanyang sasakyan.


"Nakausap mo na ba ang Mama mo?" tanong pa ni Bianca pagkapasok nila sa sasakyan.


Sandaling tumitig si Paul sa unahan, tumango. Isang taon matapos magpakamatay ang kanyang ama ay bigla na lang sumulpot ang kanyang Mama Claudine sa bahay niya. "Ipinaliwanag niya ang lahat. Na alam niya nga ang tungkol kay Papa, na napansin niya ang totoong pagkatao nito sa loob ng mahabang panahon na mag-asawa sila. Sinabi niya na sinubukan niyang humanap ng ebidensya at makatulong kay Tito Jordan. But she failed. That's why she chose to leave and hide. Dahil natatakot siya na patayin din ni Papa."


Inabot ni Bianca ang kanyang kamay, marahang pinisil iyon.


Nawala naman ang bigat sa puso ni Paul dahil lamang sa simpleng haplos ng babae.


"Ang nagawa niya na lang daw ay ipadala ang album na iyon sa akin," dugtong ni Paul. "Naghintay lang siya ng pagkakataon na maipit na si Papa ng mga nag-iimbestiga sa kaso."


Tumango-tango si Bianca. "That's enough. Ang mahalaga nakita mo na uli ang Mama mo. Umuwi na tayo." Lumabi ito. "Gutom na rin kami ni baby."


Malakas na napatawa si Paul. Ninakawan niya muna ng halik sa mga labi si Bianca bago pinaandar ang sasakyan. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil binigyan siya Nito ng pagkakataong makita uli si Bianca - ang babaeng mamahalin niya habang-buhay.



[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon