Chapter 71

1K 55 5
                                    

Bianca Cuares
KANINA pa palakad-lakad si Bianca sa buong bahay pero hindi pa rin mahanap si Paul. Tanging sina Mitchel, Theia at Joshua lamang ang nakita niya. Nagpaalam lamang kanina si Paul na tatawagan ang kapatid na si Vyen pero hindi pa ito bumabalik. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam ng kaba.
Napatigil sa paglalakad si Bianca nang marinig ang pagtunog ng kanyang cell phone. Pangalan ni Paul ang nakalagay sa caller kaya agad niyang sinagot. “P-Paul... nasaan ka ba? Kanina pa akong alalang-alala sa'yo.” Pinigilan ni Bianca ang mapaiyak.
Mahabang sandaling walang nagsalita sa kabilang linya hanggang sa marinig niya ang boses ng isang lalaki. “Hindi pa nagkakamalay si Morales,” sabi nito. “Pero baka paggising niya ay hindi na rin sila makalabas ng buhay.”
“S-sino ka?” tanong ni Bianca, napahawak sa dingding dahil sa panghihina ng tuhod. “N-nasaan si Paul? Ano'ng ginawa mo sa kanya?!”
“Isesend ko ang address kung nasaan sila,” sabi ng lalaki na parang hindi narinig ang mga tanong niya. “Make it fast. May isang oras ka lang.”
Hindi na nakapagsalita si Bianca nang tinapos ng lalaki ang tawag. Ilang sandali lang ay may dumating ng message doon. It was an address. Kasunod ay ang picture ni Paul na nasa sahig, may dugo ito sa ulo. Katabi ng lalaki ang kapatid nitong si Vyen na nakakadena ang mga kamay at paa.
Napabagsak na ng upo si Bianca sa sahig. Tumigil sa paggana ang kanyang isipan. Nakatitig lamang siya sa larawan ni Paul sa loob ng ilang sandali. Nasaktan ito. Kailangan niya itong tulungan.
Pinilit niyang tumayo. Hindi alam ni Bianca kung ano ang kailangan ng lalaking tumawag. Base sa boses ay siguradong hindi ito ang ama ni Paul. Lumakad siya palabas ng bahay pero hindi alam kung paano makakatakas sa mga militar na nagbabantay doon. Wala rin siyang sasakyan. Isang oras lang ang ibinigay na palugit ng lalaki.
Napatigil sa paghakbang si Bianca nang maramdaman ang pagpigil sa kanyang braso. Nalingunan niya si Joshua na nakakunot na ang noo.
“Saan ka pupunta?” tanong nito. “Sino ang katawagan mo kanina?”
Nanlaki ang mga mata ni Bianca, hindi alam na may nakarinig pala sa kanya. Sinubukan niyang alisin ang braso sa pagkakahawak ng binata. “I... I need to go, Joshua. B-babalik din naman ako... k-kami.”
“Saan ka pupunta?” Mariin na ang boses ni Joshua. “Kanina ay nagmamadaling umalis si Paul. Siya ba ang tumawag sa'yo? May nangyari ba sa kanya? Alam mong hindi ka makakaalis dito.”
“Wala na akong oras, Joshua!” sigaw ni Bianca. “S-sinaktan niya si Paul.” Napaiyak na siya sa harapan ng lalaki. “K-kailangan ko siyang puntahan.” Tumingala siya dito. “P-please, help me. Tulungan mo akong makaalis dito.”
May pag-aalala na sa mukha ni Joshua. “Nasaan siya, Bianca?” Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. “Sasamahan kita. Hindi ka makakalabas dito kung hindi mo ako kasama.”
Wala nang nagawa si Bianca kundi ang pumayag. Hindi niya na gusto pang mag-aksaya ng oras. Wala rin siyang driver’s license at hindi tukoy ang mga daan. She needed help from this man.
Pagkapasok nila sa loob ng sasakyan ni Joshua ay ibinigay ni Bianca dito ang address. Kumunot ang noo ng lalaki. “This is Antonio Morales’ residence.”
Nagulat siya. “H-hindi boses ni Antonio ang... ang tumawag sa akin.”
Marahas na napabuga ng hininga si Joshua. He started the car’s engine. Inilagay din nito sa taas ng sasakyan ang police siren. Habang nasa biyahe ay tinawagan nito ang mga kasamahan sa NBI para iutos na mag-surveillance sa address ni Morales.
“Huwag kayong papasok hangga’t wala ako,” sabi ni Joshua. “There are two hostages inside that house. Hindi natin alam kung ano ang puwedeng gawin ng suspect sa kanila.”
Hindi pa rin natitigil ang pag-iyak ni Bianca habang nakahawak sa seatbelt. Joshua was driving too fast. Pero mas mabuti na iyon para makahabol kaagad sila sa oras na ibinigay ng lalaking tumawag. Patuloy siya sa pagdarasal na sana ay walang gawin itong masama kina Paul.
Gusto niyang magalit kay Paul. Bakit ito umalis mag-isa? Bakit hindi ito nagsabi sa kanya? Pero alam ni Bianca na nakakaramdam pa rin ng kaguluhan si Paul. Hindi pa rin nito lubos na matanggap na isang serial killer ang amang si Antonio. At nasa panganib ang kapatid nito kaya hindi na nakapag-isip ng maayos.
Pakiramdam ni Bianca ay may pumiga sa puso niya nang makarating sila sa bahay ni Antonio Morales at nakita ang mga police cars, fire trucks na nasa paligid. The whole house was burning.
“N-no...” garalgal na sabi ni Bianca. Nanghihina na ang kanyang tuhod sa takot pero pinilit pa ring lumabas ni Bianca at maglakad papunta sa nasusunog na bahay. “Paul! Paul!” Please... God, please... Sana wala doon si Paul.
Hindi siya nakatuloy sa paglapit sa bahay nang harangan ng mga pulis na naroroon. Galit na galit na nagpumiglas si Bianca sa pagkakahawak ng mga ito.
“Bitiwan niyo ako!” Humagulhol na siya ng iyak. Her heart was breaking at the thought of Paul inside that house, unconscious. Kailangan niya itong iligtas. They promised to protect each other.
“Bianca,” narinig niyang tawag sa kanya ni Joshua, pinigilan din siya. “Hindi ka puwedeng pumasok sa loob.” Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat. “I will do it. Stay here, okay?”
Marahas na ini-iling ni Bianca ang ulo. No. This was not happening. Sinabi ni Paul na hindi siya pababayaan, na palagi itong mananatili sa tabi niya.
Kahit gustong pumasok sa loob ng nasusunog na bahay ay mas pinili ni Bianca ang sumunod. She knew she couldn’t help much in this situation. Kanina pa nanginginig ang mga tuhod niya, siguradong hindi na makakatayo ng matagal.
Sinundan niya lang ng tingin si Joshua nang kausapin nito ang mga bomberong naroroon. Kumuha ng protective coat at helmet ang lalaki bago sumabay sa pagpasok sa loob. Bianca kept on praying that they would find Paul and his sister.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Maraming mga tao doon ang nagkakagulo, mga pulis, bombero. Ganitong-ganito rin ang nakita niya noong mamatay ang kanyang mga magulang. Bumabalik na naman ang sakit na naramdaman niya noon.
Napahawak si Bianca sa tapat ng puso, nahihirapan sa paghinga. Hindi niya gustong isipin na mangyayari uli ang nangyari noon, na mawawalan siya ng taong minamahal. Bakit? Bakit ba sinisira ng mundong ito ang kasiyahan nila? No, it was not the world. It was Destroyer.
Napatigil si Bianca sa pag-iisip nang maramdamang may lumapit sa kanya. Isa iyong lalaking nakasuot ng police uniform, may blue cap pa. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang pocket knife na hawak nito.
“Mas makabubuti kung hindi ka sisigaw at sasama na lang sa akin,” mahinang sabi ng lalaki. Bahagya nitong ini-angat ang ulo.
Ganoon na lang ang pagkagulat ni Bianca nang makilala kung sino iyon. She remembered that face from the photos. Jayden Sullivan. Gusto niyang sumigaw, humingi ng tulong sa mga taong nagkakagulo doon pero naunahan ng takot.
May itinaas si Jayden na isang larawan. Siya ang nasa larawang iyon. “Anna Maxwell,” sambit nito.
Hinawakan siya ng lalaki sa braso, nakatutok pa rin sa tagiliran niya ang patalim. Pakiramdam ni Bianca ay matutumba na siya dahil sa matinding takot na nararamdaman habang hinihila ni Jayden patungo sa isang sasakyan.
Pagkapasok sa loob ay agad na pinosasan ni Jayden ang mga kamay niya. “Tama nga si Antonio,” sabi nito. “Na pupunta ka kapag ginamit ko ang anak niya.”
“W-walang-hiya kayo,” mariing sabi ni Bianca. “Ano'ng ginawa mo kay Paul?!”
Pinaandar na ni Jayden ang sasakyan. “Siya pa rin ang iniisip mo kahit nandito ka ngayon?” Umiling-iling ang lalaki. “Hindi ko kayo maintindihan.”
Napaiyak na si Bianca pero hindi sa takot. “S-sabihin mong wala sa sunog na 'yon si Paul,” pagmamakaawa niya. Iyon lang ang kailangan niya, ang malamang buhay pa rin ang lalaking minamahal.
“He’s inside that house,” malamig na sagot ni Jayden. “Pero maililigtas pa naman sila kung mabilis kumilos ang mga tumutulong sa kanila.”
Ikinuyom ni Bianca ang mga kamay. Gusto niyang saktan ang lalaking ito. How could he be so evil?
Sandaling itinigil ni Jayden ang sasakyan. “Ikaw talaga ang kailangan ko, Maxwell,” anito, naglabas ng isang panyo. “Kailangan niya.”
Jayden covered her mouth and nose with the handkerchief. Sinubukan pang magpumiglas ni Bianca pero agad na nakaramdam ng panghihina nang maamoy ang gamot na pampatulog. She knew this might be her end. Hanggang sa tuluyang mawalan ng malay ay ipinagdarasal pa rin niya na mailigtas si Paul, na mabuhay ito.
IMINULAT ni Bianca ang mga mata at iginala ang paningin sa paligid. Sa tingin niya ay nasa loob siya ng isang warehouse. Sinubukan niyang igalaw ang katawan pero naka-kadena ang mga kamay at paa sa pader. Pabalikwas siyang napaupo at nakita si Jayden Sullivan na nakatayo hindi kalayuan sa kanya.
Nalipat ang tingin niya sa isa pang lalaki na humakbang palapit sa kanya, naka-maskara ito na kulay itim. Umatras si Bianca hanggang sa lumapat ang likod niya sa malamig na pader, siguradong may makikitang takot sa kanyang mga mata.
“Anna,” sambit ng lalaking naka-maskara. Nakilala niya ang boses nito. Tinanggal ng lalaki ang suot na maskara. Tama siya. Ito nga si Antonio Morales. “Hindi ko alam na makakaharap kita ng ganito ngayon.”
Lumuhod sa harapan niya si Antonio. Nakasuot ito ng itim ng damit, itim na pantalon. Mayroon ding kuwintas na may pendant na krus. Walang kahit ano'ng emosyon sa mukha ng lalaki. Hindi katulad noong huling makita ito.
This time all she could see in Antonio’s eyes was coldness. At nakaramdam si Bianca ng takot na hindi maipaliwanag. This must be his true form. A cold monster. Maskara lamang nito ang mga ngiti, ang mga emosyong ipinapakita sa iba.
“I knew you’re alive,” bulong ni Antonio. “Dahil sina Jordan at Candice na pinatay ko noon. But the report said there were three. I knew at that very moment that someone messed with the scene. Sinubukan kong hanapin kung sino iyon. It was Marco, right? Siya ang nagtago sa'yo.”
“Hayup ka,” mariing mura ni Bianca sa lalaki. “Pati si Paul... p-pati ang mga anak mo sinaktan mo rin para lang sa lahat ng ito! Wala kang puso!”
Tila hindi naman naapektuhan si Antonio. Bumuntong-hininga ito, tiningnan si Jayden. “Did you burn it all, Jayden? Makakaligtas pa ba sila?”
“Hindi ko alam,” sagot ni Jayden. “Marami nang pulis doon na rumespunde. Importante bang mapatay din sila?”
“It will be good if they die,” sabi ni Antonio. “Nagkasala rin si Vyen. Alam niya na maling mabuntis nang walang asawa. Tama lang na magdusa siya sa pagkakamaling iyon. At si Paul,” umiling-iling ang lalaki. “He’s never a good son to me. Kumampi pa siya sa mga taong naghahanap sa akin. I put him in SCIU para malaman ko kung ano ang ikinikilos nina Ethan. Pero wala rin akong napala. He’s always weak.”
Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na galit si Bianca. Paanong nasasabi nito ang mga ganoon sa sariling anak? Wala na talaga itong puso! Isang demonyo!
Tumayo si Antonio para lapitan ang isang pahabang mesa doon. “Alam ni Jordan ang lugar na ito. Dito kami unang nagkakilala.” Inabot ng lalaki ang isang itim na bag bago muling lumapit sa kinauupuan niya.
Muling lumuhod sa sahig si Antonio, inilabas ang laman ng bag – dalawang baril, isang hunting knife, hatchet. Ngumisi ang lalaki bago inilabas ang isang bomba sa loob ng bag.
Nanlaki ang mga mata ni Bianca sa nakita, nanginginig ang buong katawan sa takot lalo na nang tingnan siya ng demonyo.
“I want to make you suffer as well, Anna,” mahinahong sabi ni Antonio. “Ikaw at si Ethan. Kayo na mga anak ni Jordan na hindi tumigil sa panggugulo sa akin.” Hinaplos-haplos nito ang isang baril. “I should’ve made Jordan suffer back then. Hindi ko dapat siya basta sinaksak na lang. You know it always take more courage to suffer than to die.”
Hinawakan ni Antonio ang buhok niya, itinutok sa kanyang baba ang dulo ng baril. Pigil-pigil ni Bianca ang paghinga pero pumatak na ang mga luha dahil sa takot.
“Your eyes. Hindi makakapagsinungaling ang mga mata mo,” wika ni Antonio. “Katulad na katulad ng mga mata ni Jordan. Akala ni Jordan ay napakatapang niya na dahil lang nagtatrabaho siya sa batas, dahil napakarami niyang nahuling mga kriminal. He didn’t know what courage is all about. Dahil hindi siya nakaramdam ng sobrang paghihirap. Jordan is weak. I am always better than him.”
Matalim na tiningnan ni Bianca ang lalaki. “M-my father is way much better than you,” mariing sabi niya. “May puso siya. Ikaw, isa ka lang halimaw.”
Malakas na sinampal ni Antonio ang pisngi niya, tumama pa ang dulo ng baril na hawak nito sa ulo ni Bianca. Nakaramdam siya ng pagkahilo. It hurts so much she cried.
Tumayo si Antonio at sinipa ang kanyang sikmura. “Ano kaya ang reaksiyon ni Jordan ngayon habang sinasaktan kita? Too bad I can’t see his pain.”
“Demonyo ka!” sigaw ni Bianca, basang-basa na ng luha ang mukha, namimilipit sa sakit. “Napakasama mo... d-demonyo ka...”
“I was born in hell,” sabi ni Antonio. “Hindi na bago sa akin ang natatawag na demonyo. Sa impyerno ako pinalaki. Doon ako nanggaling at doon lang ako mananatili. Kaya ipagpapatuloy ko na ang kasamaang ito hanggang sa aking huling hininga.”
Tumayo si Antonio at lumapit kay Jayden. Ibinigay nito sa lalaki ang baril na hawak. “There is one bullet here, Jayden. Tatapusin na natin ang lahat ng ito. Haharapin ko silang lahat, kakalabanin ko sila ng harapan. You know what to do when everything goes wrong. Kill yourself. Let’s die together.”
Tumango lang naman si Jayden. Hindi mapaniwalaan ni Bianca na sumusunod ang lalaking iyon sa ipinag-uutos ng demonyong katulad ni Antonio. Masyado na ba talagang nalason ang utak nito? Would he sacrifice his own life for a devil? He was insane.
Humarap sa kanya si Antonio. “Siguradong pupunta kaagad dito sina Ethan kapag nalamang nandito ka.” Inilipat nito ang tingin sa bombang nasa sahig. “Magkikita-kita tayong lahat sa impyerno.”

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon