Chapter 33

1.1K 60 1
                                    

Theia Mendoza

NARINIG ni Theia ang pagbukas-sara ng pinto ng kuwarto nila ni Mitchel. "Theia," banggit ni Mitchel sa kanyang pangalan. Hindi inalis ni Theia ang tingin sa dalawang laptops na kaharap, kunwari ay hindi narinig iyon. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mapaiyak na naman. Kanina matapos marinig ang nangyari sa mga ito ay mabilis siyang nagtungo sa loob ng kuwarto.

Narinig ni Theia ang mga yabag papalapit sa kinauupuan niya. "Sweetie," bulong ni Mitchel, ipinulupot ang mga braso sa leeg niya. Ipinatong nito ang baba sa kanyang ulo.

Naiinis na lumayo si Theia, tiningnan ito ng masama. "Do not touch me." Lumakad siya patungo sa kama, pabagsak na naupo doon. "I hate you." Hindi na niya napigilan ang mapaiyak ng malakas. Hindi maintindihan ni Theia ang sobrang sakit na nasa puso sa kaisipang muntik nang mawala sa kanya si Mitchel nang araw na iyon.

Lumuhod si Mitchel sa harapan niya, ang mga kamay ay nakahawak sa kanyang tuhod. "Theia, don't be like this," nagmamakaawa na ang boses nito. "Huwag ka nang magalit sa akin, hmm? Huwag ka nang umiyak."

Tiningnan niya si Mitchel. Nakasuot lamang ito ng puting sando at nakikita niya ang benda sa balikat nito kung saan nadaplisan ng bala. "Y-you... you almost died." Isinubsob ni Theia ang mukha sa dalawang kamay at doon humagulhol. "H-hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon."

Niyakap siya ni Mitchel, mahigpit. Hinalik-halikan nito ang kanyang buhok. "I'm here, Theia. I'm alive. Thankfully, nandoon na sina Ethan para mailigtas ako."

Bahagya siyang lumayo dito. "Huwag ka nang pumunta sa kung saan-saan ng mag-isa, Mitchel. Please. Sinabi mo na mapanganib ngayon kaya pinasama mo ako sa lugar na ito, kaya sinabi mong kailangan nating mag-ingat. Alam mo ba kung gaano kasakit na malamang muntik ka nang... m-muntik ka nang-" Iniyuko ni Theia ang ulo. "P-please don't die. D-don't leave me. S-sinabi... sinabi mong pakakasalan mo ako. Panindigan mo iyon."

Itinaas ni Mitchel ang isang kamay para masuyong haplusin ang pisngi niya. "I'm sorry for worrying you," bulong nito. "Hindi na ako uli aalis mag-isa. May pagkakamali rin ako. I know I cannot fight. I know it's dangerous pero madalas ay lumalakad pa rin ako mag-isa. Hindi na iyon mauulit. Kaya huwag ka nang umiyak, hmm? Nasasaktan ako."

Tiningnan ni Theia si Mitchel. Mahabang sandaling nakatitig lamang sila sa mga mata ng isa't isa bago niya ito niyakap, nag-iingat na huwag madali ang sugat nito.

Ilang sandali lang ay narinig niya na ang mahinang pagtawa ni Mitchel. Tumingin ito sa kanya. "Hindi na galit ang girlfriend ko?" nakangising tanong nito.

Lumabi si Theia, umiling. "H-hindi naman ako galit sa'yo. Natakot lang ako."

"I'll take good care of myself, sweetie," pangako ni Mitchel. "For you."

Hinaplos ni Theia ang buhok ni Mitchel. She stared at his eyes for a long while. "I love you," she whispered shyly. Matagal na iyong nasa puso niya pero hindi masabi sa lalaki dahil nahihiya. At dahil hindi rin siya sanay na nagsasabi ng ganoong mga salita.

Kitang-kita ang pagkagulat sa itim na mga mata ni Mitchel bago iyon napalitan ng kakaibang kislap. Maluwang na napangiti ang lalaki. Ngayon lang nakita ni Theia ang ganoong klase ng kasiyahan sa mga mata nito. Iniyuko niya ang ulo dahil sa pamumula ng mukha.

But Mitchel caught her chin, pushing it up so they could stare at each other's eyes. "I know that, Theia." Ngumiti ito. "I love you more."

Tumalon ang puso ni Theia. Para maitago ang pag-iinit na nararamdaman ay hinalikan niya na lang sa labi si Mitchel. They kissed passionately. Mahal na mahal niya ito. At gusto ni Theia na sanayin ang sarili na sabihin sa lalaki ang nararamdaman. After everything that happened today, she realized that she should tell him how much she loved him every single day. Dahil hindi nila hawak ang kanilang oras sa mundong ito. Habang nabubuhay pa sila ay ipaparamdam niya kay Mitchel kung gaano ito kahalaga sa kanya, kung gaano niya ito kamahal.


[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon