Chapter 38

1.2K 64 9
                                    

Crow Overtaker
NAPANGITI si Crow nang marinig ang malakas na pagsabog na sigurong galing sa labas ng SCIU headquarters. Kumatok siya sa pinto ng opisina ni Chairman Gonzalvo, binuksan ang pinto at nakitang palakad-lakad sa loob ang lalaki.
“Everything is fine now, Sir,” sabi ni Crow, pumasok sa loob ng opisina.
“Nakarinig ako ng pagsabog,” nababalisang sabi ni Tony. “Iyong bomba ba 'yon? May mga nadamay ba? Bakit ba kasi hindi niyo ako hayaang lumabas?”
“It is an order from our head, Sir.” Inalis ni Crow ang helmet ng SWAT uniform na suot. “Mas importanteng misyon para sa amin ang masiguro ang kaligtasan niyo.”
Tumingin sa kanya si Tony, napabuntong-hininga. Ngumisi si Crow. Hindi alam ng lalaking ito na naririto siya hindi para protektahan ito kundi tapusin ang buhay.
Lumapit si Tony sa working desk nito para kunin ang mga gamit. “Kailangan kong lumabas para makita kung ano nang nangyayari.”
Tahimik na humakbang si Crow palapit sa nakatalikod na lalaki, inilabas sa bulsa ang isang injection.
“Hindi puwedeng—” Hindi na naituloy ni Tony ang sinasabi nang isaksak niya sa gilid ng leeg nito ang injection. Tangka pa nitong hawakan ang kamay niya pero hindi na nagawa nang mapabagsak sa sahig. Agad na umepekto ang gamot para maparalisa ang katawan nito.
Sinubukang igalaw ni Tony ang katawan pero hindi nagtagumpay. Lumuhod si Crow sa sahig. “Hindi mo na maigagalaw ang katawan mo, Sir. Mabilis makaparalisa ang gamot na ibinigay ko sa'yo. Pero huwag kang mag-alala, makakapagsalita ka pa naman.”
Hinawakan ni Crow ang magkabilang balikat ni Tony para sapilitan itong paupuin at pasandalin sa working desk. Pagkatapos ay tumayo siya para hubarin ang suot na SWAT uniform. “Napakadali lang makakuha ng ganitong uniform. Napakadaling magpanggap na isa ako sa mga agents na rumespunde dito.” Tumawa siya. “Napakadali lang talagang manloko.”
Muli siyang tumingin kay Tony na nagpupumilit pa ring makagalaw. “S-si-sino ka... a-ano'ng...”
“Ako?” Ngumiti si Crow. “Crow. Puwede mo akong tawaging Crow Overtaker. Hindi mo ako kilala kung hindi ka bumibisita sa website ko. Anyway, dahil hindi natuloy na mapatay ka ng Jobald na 'yon kaya iba na lang ang gagawa. Okay lang ba sa'yo?”
“H-h-hayup ka...” nahihirapang sambit ni Tony.
“Alam mo, importante ang magkaroon ka ng plan A at plan B sa lahat ng ginagawa mo,” dugtong ni Crow, hindi pinansin ang lalaki. “Katulad ngayon. Nagkakagulo sila sa labas habang malaya kong nagagawa ang lahat dito.”
Napatingin siya sa pinto ng opisina nang makarinig ng pagkatok. “Oh, nandito na ang bisita mo.” Ngumisi si Crow at binuksan ang pinto.
Pumasok sa loob ang isang lalaking bisita na tinutukoy niya. Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata ni Tony Gonzalvo pero dahil paralisado ang katawan ay hindi makagalaw.
“Hindi na siya makakagalaw,” sabi ni Crow sa bisita.
Humakbang ang lalaki palapit kay Tony. “Gusto mo akong makaharap, hindi ba? Nandito na ako ngayon sa harapan mo para ibigay ang gusto mo. Ang makasama ang asawa mo uli.”
“D-Destroyer...” usal ni Tony. “H-ha... h-halimaw ka...”
Walang emosyon sa mukha ni Destroyer. “Hindi na dapat aabot sa ganito ang lahat, Chairman. Hindi kita gustong patayin pero sinagad niyo na ang pasensya ko. Natigil na ang paggawa ko ng mga obra dahil hindi niyo ako tantanan.”
“H-hi... h-hindi kami t-titigil h-hangga’t h-hindi nakukuha ang... ang katarungan...” galit na sabi ni Tony.
“Kaya nga ako na mismo ang magpapatigil sa inyo.” Lumuhod si Destroyer sa harapan ni Tony. “Ano ba ang gusto mong malaman? Kung bakit ko pinatay ang asawa mo?”
Naupo si Crow sa sahig, katabi ng mga ito. “Gusto ko rin marinig,” nakangiting sabi niya.
“She was a... sinner, Chairman,” pagsisimula ni Destroyer. “May asawa na siya pero lumalandi pa siya ng ibang lalaki. Akala mo ba napaka-loyal ni Diana? Tuwing umaalis ka sa misyon, iba’t ibang lalaki ang pinapupunta niya sa bahay niyo para makatalik. She was just a fucking horny slut.” Hinaplos-haplos nito ang baba. “Hindi lang ako sigurado kung anak ko ang ipinagbubuntis niya mamatay siya. Nakita mo naman sa autopsy report iyon, 'di ba?”
“Wow,” paghanga ni Crow. “Two kills in one. Gusto ko ring humanap ng buntis na papatayin.”
“M-mga... h-halimaw kayo...” Makikita na ang pagtulo ng mga luha ni Tony. “W-wa... w-wala kayong k-karapatang h-husgahan ang... ang iba. H-hindi kayo Diyos.”
Tumayo si Destroyer. “I am better than your God. Dahil nililinis ko ang mundong ito.”
“B-baliw ka na...” puno ng pait na wika ni Tony. “P-parurusahan ka ng Diyos sa l-lahat ng kasalanan mo... m-mabubulok ka sa... i-impyernong, h-hayup ka...”
“Nanggaling na ako doon, Chairman,” malamig na sagot ni Destroyer. “Tapusin na natin ang pag-uusap na ito.” Inilabas nito ang baril sa likod ng pantalon, ikinabit ang silencer, ikinasa iyon bago itinutok sa katawan ni Tony. “Gusto ko lang ipaalala na hindi ko gustong gawin ito.”
“H-hindi ako t-takot mamatay,” pagpupumilit pa ni Tony na magsalita. “And... I am c-certain y-you will lose. M-malapit n-nang matapos ang... k-kasamaan mo. S-sa tingin mo ba t-tatantanan ka ng team ni Maxwell? N-nagkakamali ka.”
Nag-igtingan ang mga panga ni Destroyer. “I will never lose,” anito saka sunod-sunod na pinaputok ang baril na hawak sa katawan ni Tony.
Kumislap ang mga mata ni Crow pagkakita sa mga dugong tumalsik mula doon, umaagos na sa sahig ng opisina. Inilipat niya ang tingin kay Destroyer na inaalis ang silencer ng baril.
“Are you not going to chop his body?” excited na tanong ni Crow.
Tumingin sa kanya ang lalaki, wala pa ring kahit anong emosyon sa mga mata. Tumalikod ito nang hindi sinasagot ang tanong niya.
“Puwede ko bang kunin ang hinliliit niya?” muling tanong ni Crow.
“Do what you want,” sagot ni Destroyer bago lumabas ng pinto.
Maluwang na napangiti si Crow, kinuha ang pocket knife sa bulsa at pinutol ang hinliliit ni Tony Gonzalvo. Pagkatapos niyon ay muli niyang isinuot ang SWAT uniform at helmet bago sumaludo. “It was nice meeting you, Chairman.”
Malakas na tumawa si Crow at lumabas na rin ng opisina. Pagkalabas niya ng building ay tiningnan ang pagkakagulo ng mga taong naroroon. Patuloy pa ring inaapula ng mga bombero ang sunog.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa mapatigil sa tapat ng isang sasakyan kung saan nakatayo ang isang lalaki na may kausap na mga pulis. Nakita niya na ito minsan. Ethan Maxwell. Ito ba ang Maxwell na tinutukoy ni Tony? Ang team nito ang tatapos sa kasamaan nila?
Dumako ang tingin ni Ethan sa kinatatayuan niya pero dahil nakasuot ng SWAT helmet ay hindi nito nakikita ang mukha niya. Bahagya lang siyang tumango at naglakad patungo sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon