Chapter 28

1.1K 57 1
                                    

Hector Quintallan
NAKASANDAL lamang sa isang poste si Hector habang pinagmamasdan ang mga taong lumabas sa apartment niya nang hapong iyon. Tumaas ang isang gilid ng mga labi ni Hector habang isa-isang pinag-aaralan ang mga ito.
Inilipat niya ang tingin sa hawak na larawan ng isang lalaki. “Mitchel Ramos,” usal ni Hector. Ang lalaking iyon ang isa sa mga target niyang patayin. Napakarami pang kailangan niyang hanapin at patahimikin.
Muli niyang ini-angat ang tingin. Malapit na sa kanya ang Mitchel na iyon. Kayang-kaya niya na itong patayin pero dahil may mga kasama ito ay hindi maaari.
Mahigpit na ikinuyom ni Hector ang mga kamao. Gustong-gusto niya nang makapatay uli. Nauuhaw siya sa dugo. Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Hector para kalmahin ang sarili.
Papatayin niya si Mitchel Ramos. Kung si Crow ay mas gusto ang makapatay ng marami. Gusto niyang mga espesyal na tao ang mapapatay niya. Para makilala rin siya ng mundo. Para maraming mga tao ang makikita niyang nagdurusa.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon