Prologue

2.4K 78 3
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
NAKATITIG lang si Jemimah sa asul na kalangitan at hindi na naman napigilan ang pagbagsak ng mga luha. The sky was so calm. Kailan kaya magiging kasing kalma ng kalangitan ang buhay nilang lahat? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Ang pakikipaglaban?
“Jemimah...”
Tumalon ang puso ni Jemimah nang marinig ang pagtawag ng asawang si Ethan. Lumingon siya dito at ngumiti. Lumapit sa kanya si Ethan, hinaplos ang kanyang buhok. Kahit na nakakaramdam ng pagod, ng takot, nawawala ang lahat ng iyon tuwing nararamdaman ang haplos ng asawa.
Niyakap niya ito sa baywang, isinubsob ang mukha sa matipunong dibdib. “Ethan...” Tumingala si Jemimah dito. “I... I’m scared...”
Nakatitig lang sa kanya si Ethan bago ito tumango-tango. “Ako rin,” bulong nito. “Pero kailangan kong maging matatag para sa'yo... para sa ating lahat.” Ibinaba nito ang ulo para dampian ng halik ang kanyang mga labi.
Agad namang tinugon ni Jemimah ang halik ng asawa, hinigpitan ang pagkakayakap sa katawan nito. If only they could stay like this forever. Bahagyang inilayo ni Ethan ang mga labi para halikan ang nakapikit niyang mga mata.
“Let’s go inside,” bulong nito. “Susubukan na nilang buksan ang flashdrive na iniwan ni Papa.”
Iminulat ni Jemimah ang mga mata, tumango. Kanina lang ay may nakuha silang clue sa posibleng password ng flashdrive na iyon. Nag-usap-usap ang lahat para pagdesisyunan kung susubukan ang clue na iyon. At heto na nga, susubukan na nilang buksan ang flashdrive na posibleng naglalaman ng kritikal na impormasyon tungkol sa Destroyer Case.
Mahigpit na hinawakan ni Ethan ang kanyang mga kamay. Sumunod lang naman si Jemimah sa asawa hanggang sa makapasok sa loob ng bahay. Lumapit sila sa kinauupuan ni Theia na nakaharap sa computer.
Tumingin si Theia kay Ethan, hinihintay ang pahintulot nito. Humugot muna ng malalim na hininga si Ethan bago tumango. Si Jemimah naman ay lihim na nagdarasal na tama ang password na susubukan nila. Isang try lang ang pagsubok, kapag mali ay maghihintay uli sila ng ilang taon para makasubok uli. They couldn’t wait for a long time. Dahil nagsisimula nang kumilos si Destroyer. Hindi puwedeng madagdagan pa ang mga buhay na nawala.
Isinaksak ni Theia ang USB flashdrive sa computer. She typed the six numbers that they got as a clue. 040114. Theia took a deep breath before pressing enter.
Lahat sila ay pigil ang hininga habang nakatingin sa computer screen. The screen turned black. Iba’t ibang codes ang lumabas doon bago sumunod ang mga salitang nakapagpatigil sa kanila. Ang mga salitang hindi nila inaasahan. The truth about the Destroyer Case that only Jordan Maxwell found out...

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon