Jemimah Remington-Maxwell
NAKATITIG lamang si Jemimah sa puntod ni Antonio Morales sa loob ng mahabang sandali. Hindi niya pa rin mapaniwalaan na ganito ang kahahantungan ng Director ng SCIU na dati ay hinahangaan at nirerespeto niya.
"He chose death over suffering," narinig niyang wika ni Mitchel. "A psychopath always wanted to win. Gusto niyang ipakita na siya pa rin ang nanalo sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Para nga naman hindi natin makita ang pagdurusa niya sa kulungan habang-buhay."
"Ito ang gusto niya," malamig na wika naman ni Ethan na nasa tabi. "Ito ang pinili niya. He must be suffering in hell now. At hanggang sa hukay ay isinama niya ang kanyang nakaraan."
Hinawakan ni Jemimah ang kamay ng asawa, marahang pinisil iyon. "Calm down." Sinulyapan niya sina Paul at Bianca na nakatayo rin hindi kalayuan. "Wala na tayong mababago pa sa nangyari."
Lumakad na sila pabalik sa kanya-kanyang mga sasakyan. Dumeretso sila sa SCIU dahil na rin sa utos ni Marco.
"Douglas," bati ni Jemimah sa lalaki pagkarating nila sa headquarters. Ito ang nagpunta sa trial ni Jayden Sullivan kanina. "May hatol na ba?"
Tumango si Douglas. "Ngayon ang huling trial niya. Lauren Jacinto did a great job hiring the best lawyer in this country. Umamin din si Jayden sa lahat ng kasalanan niya, ganoon din sa mga utos ni Antonio Morales. He revealed everything in court. He was sentenced guilty but mentally ill. May inilabas kasing psychological report sina Lauren galing sa psychiatrist na tumingin kay Jayden nitong nakaraang mga araw."
Mahinang tumawa si Mitchel. "Sinabi ko na sa inyo, gagawin ni Lauren ang lahat para mapababaan ang sentence ni Sullivan. I guess the court ordered a mental rehabilitation for him as well?"
"Yes," sagot ni Douglas. "He was sentenced ten years in prison for multiple murders. Kasama na doon ang mental rehabilitation niya. Pero may chance siyang makakuha ng parole in five or eight years kung kakikitaan ng doktor na maayos na ang mental health niya."
That was fine. Kung kakikitaan ng pagbabago si Jayden ay baka mapaaga ang paglaya nito. Siguradong nakatulong din sa kaso nito ang katotohanang si Jayden pa rin ang tumulong na mahuli ang mastermind sa Destroyer Case.
"Si Julius Magpantay naman ay may sentence na life imprisonment," dugtong pa ni Douglas. "Hanggang sa trial ay hindi pa rin siya nagpakita ng konsensiya."
Wala nang magagawa sina Jemimah doon. They tried to talk to Magpantay pero matigas na talaga ang puso nito.
"Pinapatawag na tayo ni Marco sa opisina niya," singit ni Mitchel.
Pagkarating nila sa opisina ni Marco Pulo ay nagulat pa si Jemimah nang makita doon si Lizette Salcedo. Masayang bumati ang babae sa kanila.
"Lizette, it's nice to see you again," bati niya. "Kumusta na si Mae?"
Malungkot na ngumiti ang babae. "Paralyzed pa rin ang katawan niya pero sinabi naman ng mga doktor na kailangan lang ipagpatuloy ang pagbibigay ng gamot at therapy sa kanya. I'm planning to bring her to the States. Mas maraming magagandang ospital doon na makakagamot sa kanya." Sandali itong huminto. "Nandito ako para... para magpaalam sa inyong lahat."
"Oh." Tumango-tango si Jemimah. Nakakalungkot na babalik na ang babae sa States. Pero tama lang din ang desisyon nito na humanap ng magandang ospital para kay Mae Latido. "Thank you for all the help."
"Wala 'yon. Ginawa ko ang lahat ng 'to para kay Tony." Napuno na naman ng kalungkutan ang mukha ni Lizette. "Pero wala na siya. Wala na rin akong dahilan para manatili dito." Sumulyap ang babae sa kinatatayuan ni Douglas. "But I'm glad na mapaparusahan ng habang-buhay na pagkakakulong si Julius Magpantay. Ibabalita ko ito kay Mae mamaya."
"Ipagdadasal ko ang tuluyang paggaling ni Mae, pati ang kaligtasan niyo," ani Jemimah, ngumiti. "Bisitahin mo pa rin kami minsan kapag maayos na ang lahat."
Tumango-tango si Lizette. Bumuga ito ng hininga bago nagpaalam sa kanilang lahat. Nagpasalamat din ito kay Marco at lumabas na ng opisina.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Nabasag lamang iyon nang tumikhim si Marco Pulo. Tumayo ito mula sa kinauupuan.
"Everything that happened was totally unexpected," panimula ni Marco. "Hanggang sa dulo ay ginulo pa rin talaga ni Antonio ang lahat." Umiling-iling ito. "Nakausap ko na ang presidente. I'll be stepping down from being SCIU Chairman tomorrow. Kailangan ko na lang ng pahintulot niyo, ng buong team ninyo, na isara ang Destroyer Case."
Tumingin si Jemimah kay Ethan. Ito ang gusto niyang sumagot niyon.
"Do it," maikling sagot ni Ethan.
"Gusto kong ilagay ang pangalan ni Jordan dito." Malungkot na ngumiti si Marco habang nakatingin sa hawak na folder. "Matagal niyang ginustong maisara ang kasong ito noon. Hindi ko pa rin mapaniwalaan na ang mismong itinuring niyang malapit na kaibigang si Antonio ang sumira sa pangarap na iyon."
"Let's forget everything, Marco," sabi ni Ethan. "Wala na si Antonio. Kalimutan na natin ang lahat at magsimula ng panibagong buhay. Siguradong iyon ang gusto ni Papa."
Tumango-tango si Marco bago muling bumalik sa kinauupuan. Sinulyapan siya ni Ethan, nagpapaalam. Bahagya lang namang tumango si Jemimah bilang pahintulot.
Lumapit si Ethan sa mesa ni Marco at inabot dito ang dalawang sobre na naglalaman ng resignation letter nila. "You're still the Chairman, Marco. Kaya ikaw ang dapat tumanggap nito."
Mahinang tumawa si Marco, inabot ang mga sobre. Napatingin naman si Jemimah kina Mitchel, Paul at Douglas nang sunod na iabot ng mga ito ang kanya-kanyang resignation letter.
"Wala talaga kayong iiwan sa team niyo, ah?" biro pa ni Marco. Tumayo ito at kinamayan silang isa-isa. "Good luck to all of you. Masaya ako sa naging desisyon niyong ito. As much as this agency needs people like you, hindi ko naman gustong ipagkait na magkaroon naman kayo ng tahimik at mapayapang buhay. I'll see you again some other time."
Lahat sila ay sumaludo sa lalaki bago nagpaalam. Hawak-hawak ni Ethan ang kamay niya hanggang sa makalabas sila ng SCIU Headquarters. Sinundan nila ng tingin ang ibang mga kasamahan nang lumakad ang mga ito patungo sa kanya-kanyang sasakyan.
Inilipat ni Jemimah ang tingin sa asawa. Sandali silang nagtitigan bago sabay na ngumiti. "Let's go home," she whispered with happiness in her heart.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mystère / ThrillerA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...