Ethan Maxwell
KINAMAYAN muna ni Ethan si Joshua bilang pagbati bago naupo. Nakipagkita siya ngayon dito sa isang restaurant sa Makati para makipagpalitan ng impormasyon tungkol sa Destroyer Case.
“Katulad ng sinabi ko sa tawag, sana ay ikaw lang ang nakakaalam ng lahat ng ito,” panimula ni Ethan. “Kahit sa ibang miyembro ng team mo sa NBI, o sa Chief ninyo.”
Ngumiti si Joshua. “Makakaasa ka na walang ibang makakaalam ng tungkol sa imbestigasyon ninyo. I don’t really follow our Chief’s orders. Because I know someone big is pulling the strings in this Destroyer Case. At hangga’t hindi pa siya nahuhuli, ang mapapagkatiwalaan ko lang ng lubos ay sarili ko.”
Inilabas ni Ethan sa bag na dala ang isang folder na naglalaman ng summarized report ng kanilang imbestigasyon. “This is nothing much,” aniya. “Siguradong kapareho lang din ito ng sa inyo. Maliban sa mga ibang parte na hindi niyo alam.”
Joshua pushed one black folder on the table towards him. “Kristina Lopez’ case report.” Inabot nito ang folder na binigay niya para simulang basahin.
Ganoon din naman ang ginawa ni Ethan sa report na natanggap. Ilang sandali lang ay narinig niya ang muling pagsasalita ni Joshua.
“Your sister is alive,” anito. “How is that possible?”
“Hindi siya nakasama sa pinatay ni Destroyer noon. Wala siya sa bahay nang patayin ni Destroyer ang mga magulang ko.”
“Pero sabi sa case report, tatlo ang nakitang bangkay sa bahay ninyo sa Laguna noon.” Napuno na ng pagtataka ang mukha ni Joshua.
“My sister’s death was staged. Nalaman ko lang din nang sabihin sa akin ni Marco at makita ko siya uli.” Bumuntong-hininga si Ethan. “Hiding her was the only way to save her.”
Sandaling nakatitig lamang sa kanya si Joshua bago ito ngumiti. “You really are like your father. Nasabi niya na rin sa akin 'yan noon.” Ibinaba nito ang tingin sa report na hawak.
“Nabanggit mo noon na iniligtas ka ni papa,” wika niya. “Saan? Paano?”
Tumingin sa kanya si Joshua, seryoso ang mukha. “Ang tito ko ay biktima ni Destroyer. Mikel Salvador. Siguro naman ay nabasa mo rin ang case report niya.”
Nagulat si Ethan. Hinanap niya sa isipan ang tungkol sa nabasang case report ni Mikel Salvador. Isa itong biyudo na may tatlong anak. Pero wala siyang maalala na naroroon ang pangalang Joshua Sann. Mapapansin nila iyon kung sakaling mayroon.
“Nagtataka ka siguro kung bakit wala kayong nakitang link kay Salvador at sa akin,” wika ni Joshua sa nasa isipan niya. “Tinulungan ako ni Jordan na mapalitan ang identity ko. He said hiding me in a different identity is the only way to save me. Dahil sigurado daw na hahanapin ako ni Destroyer.”
“Bakit?”
“Dahil siguradong iniisip ni Destroyer na nakita ko siya noong pinatay niya ang tito ko.” Humugot ng malalim na hininga si Joshua bago ikinuwento sa kanya ang nangyari noon. “Namatay ang mga magulang ko noon dahil sa isang plane crash noong six years old pa lang ako. Simula noon, palipat-lipat na ako ng tirahan sa mga kamag-anak nila. Nasa high school ako nang ampunin ni Tito Mikel. Malalaki na kasi ang tatlo niyang anak at may sarili ng buhay. Gusto niya ng makakasama. It was a rainy evening... kababalik ko lang galing sa school nang pumasok ako sa loob ng bahay at nakitang patay na ang Tito ko.
“He was killed the same way as the other Destroyer victims,” pagpapatuloy ni Joshua. “Nang buksan ko ang pinto, nandoon pa rin ang killer. Tinatanggal ang pagkakatali ng tito ko sa kama. But I didn’t see his face. Dahil natakot ako at mabilis na tumakbo palabas.”
“At paano mo nakilala si Papa?” tanong ni Ethan.
“Siya ang nag-iimbestiga sa Destroyer Case,” sagot ni Joshua. “Nang tumakbo ako palayo, dumeretso ako sa police station para i-report ang nangyari. The police kept me secluded until the NBI came. Hindi ko gustong makipag-usap kahit kanino. Hanggang sa lumapit sa akin si Jordan. Nalaman niya na pamangkin ako ng biktima. Sinabi ko sa kanya ang nakita ko. He asked me to come with him. Telling me he will save me.
“Sinabi ni Jordan na kahit hindi ko nakita ang mukha ang killer ng tito ko, iisipin pa rin niya na nakita ko siya. And that will endanger my life. Ang tanging magagawa na lang ay ipalabas na nawawala ako, palitan ang identity ko.” Bumuntong-hininga si Joshua. “Tinulungan niya ako ng pasekreto, pinag-aral, pinakain. He was like a father to me. Kaya napakasakit na dahil sa kasong ito ay nawala siya.”
“May sinabi ba si Papa tungkol sa Destroyer Case? May iba pa ba siyang nailigtas?” tanong pa niya.
Umiling si Joshua. “As far as I know, ako lang. At sa tanong kung may nasabi siya tungkol sa Destroyer Case, wala ang sagot ko. Jordan Maxwell is a very dedicated investigator. Hindi niya ilalabas kahit kanino ang tungkol sa on-going investigation niya. Kahit sa akin pa. Or kahit sa'yo, tama ba?”
Hindi sumagot si Ethan. Pero tama si Joshua. Ni minsan ay walang nabanggit na critical information ang kanyang ama tungkol sa Destroyer Case. Nakikita niya ang study room nitong puno ng mga investigation tungkol sa kaso pero hanggang doon lang 'yon.
Ibinalik ni Ethan ang tingin sa hawak na report ni Kristina Lopez. Everything in the report was organized. Minsan na siyang nakabasa ng report na ginawa ng kanyang ama, halos ganitong-ganito rin iyon. Hindi maikakaila na si Jordan Maxwell nga ang mentor ni Joshua Sann.
“Natagpuan ang chop-chop na katawan ni Kristina Lopez na nakasilid sa garbage bag sa loob ng isang warehouse sa Quezon City,” wika ni Joshua. “The same modus operandi kaya masasabing si Destroyer talaga ang gumawa. At first I thought this was a copycat. It had been years since his last kill. Pero isa pa rin si Kristina na biktima. Malalaman natin kung copycat nga ba 'to kapag nahuli ang killer.”
Binuklat-buklat ni Ethan ang report, nakita doon ang pictures ng biktima, ng crime scene, maging ang mga ebidensya. Mayroon din doong pictures ng isang footage sa dashboard camera. “There’s a footage,” usal niya.
“Yes. Nakausap namin ang dalawang lalaki na huling nakasama noon ni Kristina Lopez sa isang bar,” ani Joshua. “Sinabi nila ang motel kung saan iniwan noon si Kristina. Walang CCTV ang motel. Pero may napansin kaming ilang sasakyan na nakaparada doon na maaaring kumukuha ng video ang dashcam. We found one car na nakita ang paglabas ni Kristina Lopez, kasunod ng isang lalaking nakasuot ng purong itim.”
Pinakatitigan ni Ethan ang mga larawan. Hindi ganoon kalinaw ang kuha pero malalaman na si Kristina Lopez nga ang babae base sa damit na suot nito. Madilim din ang paligid kaya imposibleng makita ang itsura ng lalaking kasama nito. Pero makikita na pumasok ang mga ito sa loob ng isang itim na sasakyan. Ford Escape. Iyon ang description na nakasulat sa report. Pero walang nakitang plate number.
Kumunot ang noo ni Ethan nang mabasa ang kasunod na page. “You found Kristina Lopez’ phone signal?” Ibinalik niya ang tingin kay Joshua.
Tumango ang lalaki. “Sinubukan naming tawagan ang nakuha naming phone number ni Kristina. To our surprise, it rang. Dahil nakabukas naman ang GPS ng phone, kaya nahanap namin ang kinaroroonan niyon. Then we found that black Ford Escape car sa tindahan ng mga second-hand na sasakyan. Kinausap namin ang may-ari ng shop at sinabing nakita na lang nakaparada ang sasakyang iyon sa harap ng shop isang gabi. Mabuti na lang at hindi pa nalilinis iyon.”
Binuklat-buklat ni Ethan ang report at nakita nga ang mga larawan ng naturang sasakyan. There were no fingerprints except Kristina’s.
“We tried calling Kristina’s phone again,” pagpapatuloy ni Joshua. “At doon nga namin nakita ang cell phone niya na nasa gilid ng passenger’s seat. Nahulog marahil iyon doon nang hindi napapansin ng biktima, maging ng killer. Walang naitulong ang phone na 'yon, pero mayro'n kaming nakuhang soil sample sa trunk ng sasakyan.”
“Soil sample,” ulit ni Ethan. “Hindi ganoon kadaling mahanap ang match ng isang soil sample. It will take a lot of time for the forensics. Pero hindi dapat na sukuan ang isang ebidensya.”
Tumango si Joshua. “That’s why nakuha naming lead ang isang lugar sa Zambales. Nagpa-utos ako ng search para sa mga kahina-hinalang lugar. But it took a lot of time as well because the place is huge.”
“But you found something,” ani Ethan. Inilapag niya ang report sa mesa – sa pahina kung saan naroroon ang pictures ng isang bungalow house sa loob ng isang kagubatan. “Jayden Sullivan’s hideout,” usal niya sa nakasulat na description sa report.
“May mga nakita kaming dugo sa sahig ng lugar na iyon,” ani Joshua. “When tested, we found Lauren Jacinto’s DNA. May nakita rin kaming isang kahoy, naroroon ang fingerprints ni Lauren. Sa dulo ay may dugo na nag-match sa DNA ni Jayden Sullivan. Posibleng tinangkang lumaban ni Lauren gamit ang kahoy na 'yon.”
Pinakatitigan ni Ethan ang pictures ng bungalow house na iyon, ang sahig ay puno ng dugo. “May nakita kayong bangkay?” tanong niya.
“Wala. Some of the blood were animals’ blood. Kaya hindi ko pa masasabi kung patay na ba si Lauren Jacinto.”
Isinara ni Ethan ang folder. “Alam na ni Jayden na hinahanap natin siya kaya nagsisimula na siyang tumakbo, magtago.”
Sinulyapan ni Joshua ang hawak naman nitong report. “Places as patterns?” Ipinakita nito ang mga circled places sa report.
“Pinag-aralan ko ang mga lugar kung saan nakita ang bangkay ng bawat biktima ni Destroyer,” pagpapaliwanag niya sa mga binilugang lugar sa report na iyon. “There are thirty-three victims all in all. Binawas ko na ang kapatid ko sa bilang. Fifteen victims were killed inside their homes. Ang kauna-unahan ay si Cherie Manalo, ang ina ni Frank Rodriguez. At ang huli ay si Gilbert Sullivan. After that nagsimula naman siyang pumatay sa loob ng mga abandoned buildings, dinadala niya doon ang mga biktima niya. Those were the sixteenth to the twenty-second victim.
“Sa twenty-third to twenty-ninth victim, napalitan na naman. Nakita ang mga bangkay sa loob ng trunk ng mga sasakyan. Ang thirtieth victim – ang asawa ni Tony Gonzalvo – maging itong thirty-third na si Kristina Lopez ay parehong natagpuan sa loob ng mga warehouse. Bumalik lang sa loob ng bahay noong patayin ang mga magulang ko, the thirty-first and thirty-second victims.”
Kumunot ang noo ni Joshua, mukhang nakuha ang ibig niyang sabihin. “It has a pattern but it changed a few times. Nasira lang ang pattern nang mapatay ang mga magulang mo.”
“There was no other choice. Hindi naman talaga target ni Destroyer sina Papa. Pinatay lang sila dahil iniimbestigahan niya ang kasong ito,” ani Ethan. “Kaya sinaksak muna sila sa puso noon, bago pinagputol-putol ang katawan. It was an easy kill not an execution.”
“You’re curious about this?” tanong ni Joshua. “Kung bakit nagpapalit ng lugar ng crime scene si Destroyer?”
Bumuntong-hininga si Ethan. “It’s just my curiosity. Napansin ko lang na kahit nagpapalit siya ng lugar ay may pattern pa rin 'yon. Para kasing magkakaiba ang gumawa niyon.”
Nakatitig lamang sa kanya si Joshua sa loob ng ilang sandali bago ito tumango-tango. “Curiosity. There is always something in someone’s curiosity. Malalaman din natin ang sagot diyan.” Isinara na ni Joshua ang folder at ipinasok sa loob ng briefcase na dala nito.
“I have a question, Joshua,” wika ni Ethan, seryoso. “Ano ang alam mong ginawa ng Tito Mikel mo na naging dahilan kung bakit tinarget siya ni Destroyer? You know the Destroyer was playing God. He was trying to clean this world of evil-doers. He was targeting sinful people sa kanyang paningin.”
Sandaling natahimik si Joshua. Hindi napalampas ni Ethan ang pagkuyom ng mga kamao ng lalaki.
“He was a gambler,” mahinang sabi ni Joshua. “Pinagtatrabaho niya ako noon pero lahat ng perang kinikita ko ay napupunta lang sa pagsusugal niya. And he was also an abuser. Kapag wala akong kinikita o kapag natatalo siya sa pagsusugal ay binubugbog niya ako.”
“You hated him?” tanong ni Ethan.
Tumango si Joshua. “Aaminin kong masaya akong makalaya sa kanya. Iniimbestigahan ko ang Destroyer Case hindi dahil sa tito ko kundi dahil kay Jordan.”
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...