Jemimah Remington-Maxwell
KUMUNOT ang noo ni Jemimah nang makilala kung sino ang babaeng kalalabas lang ng pinto ng bahay ni Lauren Jacinto. Lumakad sila ni Ethan palapit kay Gabrielle Legaspi. Ngumiti ang babae pagkakita sa kanila.
“Ano'ng ginagawa mo dito?” tanong ni Jemimah.
“Napadaan lang ako,” sagot ni Gabrielle. “Inaalam ko kung nakabalik na si Lauren. Hindi niyo pa rin ba siya nahahanap?”
Umiling siya. “Paano ka nga pala nakapasok sa loob ng bahay ni Lauren? Are you trespassing?”
“Trespassing?” Mabilis na ini-iling ni Gabrielle ang ulo. “Hindi.” Itinaas nito ang isang keychain na may kasamang dalawang susi. “Ibinigay sa akin ni Lauren ang duplicate na ito noon.”
“Bakit ka niya binigyan?” tanong naman ni Ethan. “Do you also live here?”
“No.” Bumuntong-hininga si Gabrielle. “Hindi ko rin alam kung bakit niya ako binigyan nito noon. Sinabi niya lang na kung sakaling may mangyari sa kanya, ako muna ang magbantay sa bahay niya. She said something important is inside there.”
Nagkatinginan sila ni Ethan. “Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin?” ma-awtoridad na tanong ni Ethan.
Lumabi si Gabrielle. “Naalala ko lang noong nakita ko sa drawer ko ang mga susing 'to.”
“That something important,” ani Jemimah. “Sinabi ba ni Lauren sa'yo kung ano 'yon at kung nasaan nakatago?”
Umiling si Gabrielle. “But you can search for it. Here, you can take this.” Iniaro nito ang mga susing hawak. “Alam ko na mas kailangan niyo ito.”
Kinuha ni Jemimah ang susi bago tumingin kay Ethan. “We already searched this place last time. Ano pa kaya ang importanteng tinutukoy ni Lauren?”
“May dalawang susi diyan, ang isa ay siguradong sa front door.” Sumulyap si Ethan kay Gabrielle. “Sinubukan mo bang buksan ang ibang pinto sa loob ng bahay?”
Tumango si Gabrielle. “May dalawang bedroom sa loob, at isang banyo. Hindi kumasya ang isa pang susi.” Nagkibit-balikat ito. “Kaya hindi ko alam kung para dito ba talaga sa bahay na 'yan ang susing 'yan.”
Kinuha sa kanya ni Ethan ang susi at naglakad patungo sa front door. Nakasunod lang naman si Jemimah sa asawa hanggang sa makapasok sa loob ng bahay. Ganoon din si Gabrielle.
Iginala ni Ethan ang paningin sa buong bahay. “Matagal na bang dito nakatira si Lauren? Wala na siyang ibang tinutuluyan?”
“Wala na,” sagot ni Gabrielle. “Matagal ko nang kilala si Lauren at wala siyang nababanggit na ibang tinutuluyan.”
Humarap si Ethan kay Gabrielle. “Matagal mo na siyang kilala. Kung gano'n, alam mo kung ano sa mga gamit niya ang pinaka-importante sa kanya.”
Napaisip si Gabrielle. “Her laptop.” Iginala nito ang tingin sa paligid bago natuon sa isang built-in book shelf na hindi kalayuan. “And her books. Lauren is also a bookworm.”
Mabilis na lumapit si Ethan sa book shelf, tinanggal ang mga librong naroroon. Tinulungan niya na ang asawa hanggang sa mapatigil sila nang mapansin na may tagong pinto sa likod niyon.
Gamit ang susi na nanggaling kay Gabrielle, binuksan ni Ethan ang naturang pinto. The knob clicked open.
Napatingin si Jemimah kay Gabrielle na nasa mukha na ang pagkamangha. Pumasok silang tatlo sa loob ng madilim na kuwarto.
Ethan clicked the switch on the wall and light turned on. Ganoon na lang ang pagkagulat nila nang makita kung ano ang mga nakadikit sa dingding. Those were all articles about the Destroyer Case.
Humakbang si Jemimah palapit sa dingding, binasa ang mga nakasulat sa ilang sticky notes na naroroon.
I will find who you are.
It is not late... There’s still time...
“Jemimah,” narinig niyang tawag ni Ethan sa kanyang pangalan.
Nilingon niya ang asawa na nakatayo sa isang parte ng kuwarto. Lumapit si Jemimah dito para tingnan ang mga larawan na nakadikit sa dingding. Those were photos of Jayden Sullivan.
Marami silang nakita noong mga pictures ni Jayden sa laptop ni Lauren. Halos ganoon din ang nakadikit dito. Alam ba ni Lauren na si Jayden si Destroyer?
Kinuha ni Jemimah ang isang sticky note na nakadikit sa gitna ng mga larawan. SAVE HIM. Iyon ang nakasulat doon.
“Si Jayden 'yan, 'di ba?” narinig nilang tanong ni Gabrielle. “Bakit nandito ang mga larawan niya kasama ng mga articles ng serial killer na 'to? Siya ba si Destroyer?”
Tiningnan ni Jemimah ang babae. “I think it will be best if you leave for now, Gabrielle,” mahinahong sabi niya. “Hindi mo gugustuhing ma-involve sa imbestigasyong ito.” Akmang tututol pa si Gabrielle nang magpatuloy siya. “Please. This is for your safety. Thank you for your help.”
Tumango naman si Gabrielle. “Just do everything to find Lauren. Alive,” anito saka lumakad palabas ng kuwarto.
Napahawak na sa ulo si Jemimah. “Hindi ko gusto siyang itaboy pero napakarami na ang nanganganib ang buhay dahil sa kasong ito.”
“Tama lang ang ginawa mo,” bulong ni Ethan. “The more people involved in this case, the harder it will become. Hindi natin sila lahat mapoprotektahan.”
Tumingin si Jemimah sa asawa, naguguluhan. “Hindi ko... maintindihan ang lahat ng ito, Ethan. What are all these? Matagal nang iniimbestigahan ni Lauren ang Destroyer Case? Alam niya ang tungkol kay Jayden? At ano ito?” Itinaas niya ang hawak na sticky note. “She wants to save Jayden? From what? From his monstrosity?”
“Hindi ko rin maintindihan sa ngayon, Jemimah,” sagot ni Ethan. “Ang alam lang natin ay hindi isang simpleng newscaster si Lauren na hiningan natin ng tulong noon. Hindi siya naging interesado sa Destroyer Case dahil sa atin. At sigurado na mayroon siyang alam na hindi sinabi sa atin.”
Kinuha ni Jemimah ang isang picture ni Jayden Sullivan sa dingding. Nakangiti sa larawan ang lalaki na para bang napaka-inosente nito. “We need to find Lauren alive. She has to be alive. Dahil kung alam niya nga na si Jayden ang serial killer na hinahanap natin, hindi dapat siya magpapakatanga na lumapit pa sa lalaking 'yon.”
“Posible rin na inaasahan niyang mangyayari ito,” wika ni Ethan, seryosong nakatitig sa mga susing hawak. “Bakit siya magbibigay ng duplicate ng susi niya kay Gabrielle kung hindi niya alam na mapapahamak siya balang-araw?”
Tinitigan din ni Jemimah ang susi. What was Lauren Jacinto up to? How was she involved with this case? Ano ang rason para hanapin nito si Destroyer?
“I FOUND something,” basag ni Jemimah sa katahimikan. Naroroon sila sa Cavite ngayon at abala sa paghahanap ng bagong leads sa mga nakuha nila sa bahay ni Lauren kanina. Nakakalat sa sahig at mesa ang napakaraming articles, pictures, folders at papers.
Natuon ang tingin ng lahat sa kanya. Itinaas ni Jemimah ang isang pilas ng notepad. “This is Lauren Jacinto’s schedule. Isang linggo bago siya nawala, mayroon siyang appointment with a psychiatrist.” Sinabi niya ang pangalan ng ospital. “Walang nakasulat kung para saan pero baka may malaman tayo tungkol kay Lauren kapag nakausap natin ang doktor na tumingin sa kanya. Julius Magpantay, iyon ang pangalan ng psychiatrist na pinuntahan niya.”
“We’ll go there,” ani Ethan. “Kayo na muna ang bahala dito, Mitchel.”
Tumango lang naman si Mitchel.
Humarap sa kanya ang asawa. “Tawagan mo rin si Joshua para makipagkita sa atin sa ospital na 'yan. Sila ang nag-iimbestiga sa Destroyer Case. Sila ang nag-file na missing si Lauren Jacinto. Sila lang ang makakakuha ng warrant para makausap natin ang mga posibleng may relasyon sa pagkawala niya.”
Agad namang sumunod si Jemimah. Alam niyang hindi naglalabas ng impormasyon ang mga psychiatrist sa mga pasyente nila unless may warrant silang maipapakita.
Pagkatapos ng tawag ay agad na rin silang bumiyahe ni Ethan papunta sa Quezon City kung saan naroroon ang ospital na pinagtatrabahuhan ni Julius Magpantay.
Matagal din ang biyahe nila kaya pinagpahinga muna siya ni Ethan. Ginising lang siya ng asawa nang nasa tapat na sila ng isang ospital.
Sa entrance pa lang, nakita na nilang naghihintay si Joshua. Nakipagkamay sila dito. “Thank you for coming,” ani Jemimah.
“This our case also.” Ngumiti si Joshua. “Sinubukan kong kumuha ng warrant gamit ang mga larawan ng appointment ni Lauren na sinend niyo sa akin. Thankfully, I got it fast.” Ipinakita nito sa kanila ang search warrant para sa mga diagnosis ni Lauren Jacinto, kung sakaling regular itong nagpapa-check-up doon.
“That’s good,” ani Ethan.
Pumasok na sila sa loob ng ospital. Ipinakita lang ni Joshua ang NBI badge nito at agad na silang itinuro sa kinaroroonan ng opisina ni Julius Magpantay.
Hindi pa sila nakakakatok sa pinto ng opisina nang bumukas iyon at lumabas ang isang babae. Nagulat si Jemimah nang makilala ito. Sa pagkakatanda niya ay Mae Latido ang pangalan nito – ang kaibigan ni Lizette Salcedo na ipinakilala sa kanila noon. Isang blogger at college professor.
Mukhang nagulat din ang babae pagkakita sa kanila. Ano ang ginagawa nito sa opisina ng isang psychiatrist? May appointment din ba ito?
“Senior Inspector,” bati sa kanya ni Mae. “I’m surprised to see you here.”
“So are we,” sagot ni Jemimah. “May business kami dito ngayon. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?”
“May business kayo kay Julius?” nagtatakang tanong ni Mae.
“Kilala mo siya?” seryosong tanong ni Ethan.
Lumuwang ang pagkakangiti ni Mae. “Of course, he’s my boyfriend.”
Tumango-tango si Jemimah. So that was the reason why she was here. Sobrang liit nga naman talaga ng mundo.
“Is there something wrong?” May bumahid ng pag-aalala sa mukha ni Mae. “M-may ginawa ba si Julius?”
“Wala naman,” sagot ni Jemimah. “May ilan lang kaming katanungan tungkol sa isang pasyente niya.”
Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Mae dahil doon. “He’s still on break kaya puwede niyo siyang makausap. Paalis na rin ako. Marami pa akong kailangang i-check na mga exams ng mga estudyante ko.”
“Ano nga pala ang itinuturo mo?” naisipang itanong ni Jemimah. She was just curious. Mae Latido was a sophisticated woman. Hindi kaagad maiisip na isang college professor ito.
“I teach Information Technology students,” sagot nito. “Programming ang subject. Tinuturuan ko rin sila ng paggawa ng mga websites. I can make one for you if you want.”
Nagpasalamat na lang si Jemimah dito. Wala talaga siyang interes sa mga social media o anumang may kinalaman sa computer. At kung sakaling gusto nilang magpagawa ng website, kay Theia na lamang.
Nang makaalis si Mae ay kumatok pa rin si Jemimah sa medyo nakaawang na pinto.
“Come in,” boses ng isang lalaki.
Pumasok sila sa loob at nakita ang isang lalaking nakasuot ng white doctor’s gown, white gloves, habang nakatingin sa kaharap na laptop. Tumingala ito, kumunot ang noo pagkakita sa kanila.
“Can I help you with something?” tanong ni Julius.
Lumapit si Joshua sa working desk, ipinakita ang police badge. “Ako si Inspector Joshua Sann. Nandito kami para magtanong tungkol sa iniimbestigahan naming kaso. Mayroon ka bang pasyenteng nagngangalang Lauren Jacinto?”
Sumandal si Julius sa swivel chair nito, sandaling pinagmasdan sila, pinag-aaralan. Julius Magpantay was a fine man. Siguro ay nasa thirties pa lamang ito. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok, malinis ang mukha. His eyes were expressionless. O baka hindi niya lang mabasa iyon.
Isinara ni Julius ang laptop na nasa harap, ngumiti. That smile was enough to change his aura. Now he looked like a gentle sheep. Well, isa itong psychiatrist. Dapat lang na katiwa-tiwala ang itsura nito sa harap ng mga pasyente.
“You know our rules, Inspector,” mahinahong sabi ni Julius. “Hindi kami makakapagbigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa mga pasyente namin hangga’t—”
“Walang warrant,” putol ni Ethan dito. Inilipat ni Julius ang tingin kay Ethan. “We already have a warrant, Mr. Magpantay.”
Inilapag ni Joshua ang warrant sa table ni Julius na agad binasa iyon. “Lauren Jacinto,” usal ni Julius.
Tiningnan ni Julius ang isang folder na nasa mesa, sandali itong naghanap doon bago muling tumingin sa kanila. “Sigurado ba kayong pasyente ko siya? Wala siya sa listahan ko.”
“She has an appointment with you,” sabi ni Jemimah. Sinabi niya ang araw at oras na nakasulat sa notepad ni Lauren para sa appointment nito dito. “Alam mong makakasama kung magsisinungaling o magtatago ka sa amin.”
Mahinang tumawa si Julius. “Bakit ko naman gagawin 'yon? May warrant kayo kaya wala akong ibang magagawa kundi sumunod. But sadly, I don’t have a patient with that name. Titingnan ko kung may naka-schedule nga ako nang araw na 'yan.”
Hinayaan nilang maghanap sa hawak nitong notebook si Julius. “Jacinto.” Tinapik-tapik ng lalaki ang notebook. “May schedule nga ako sa kanya.” Napaisip ito. “Do you have a photo of her? Para maalala ko kung nakita ko na nga siya at nakausap.”
Kinuha ni Jemimah sa loob ng body bag na dala ang picture ni Lauren at inilapag sa table. Sandali iyong pinakatitigan ni Julius.
“Naalala ko na.” Muling sumandal si Julius sa kinauupuan nito. “She’s not my patient. Hindi rin siya nagpatingin sa akin nang araw na iyon. Naaalala ko siya dahil sa mga tanong niya.”
“Anong mga tanong?” tanong ni Joshua.
“Some things about psychology. At itinatanong din niya kung pasyente ako na nagngangalang...” Sandaling huminto si Julius, nag-isip. “J-Jayden. Jayden Sullivan.”
“Mayroon ka bang pasyenteng ganyan ang pangalan?” tanong naman ni Ethan.
Umiling si Julius. “Wala. Sinabi ng babaeng 'yan na nakita niyang pumasok sa ospital na ito minsan ang tinutukoy niya. Hindi lang ako ang nag-iisang psychiatrist dito, posibleng makita niya ang Sullivan na 'yan sa records ng iba.” Humugot ng malalim na hininga ang lalaki. “Naguguluhan ako. What’s happening here? May nangyari ba sa Jacinto na ito? Pinaghihinalaan niyo ba ako?”
“As long as you’re not hiding something, hindi ka namin paghihinalaan,” seryosong sabi ni Joshua.
“Wala akong dapat itago dahil hindi ko naman kilala ang mga tinutukoy niyo, Inspector. Tatawagin ko kayo kung sakaling tumawag uli for an appointment ang Lauren Jacinto na 'yan.”
Kung alam lang ng lalaki na nawawala ngayon si Lauren. Pero sapat naman na ang malaman nila na nagpunta nga dito si Lauren, na wala itong record sa isang psychiatrist. At ang importante, napatunayan nilang alam ni Lauren Jacinto na may problema sa pag-iisip si Jayden. Dahil hindi nito itatanong si Jayden sa isang psychiatrist kung wala.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Gizem / GerilimA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...