Jemimah Remington-Maxwell
MABILIS na tumakbo sina Jemimah sa interrogation room ng SCIU dahil sa tawag na natanggap na sumuko si Andy de Leon. Pagkapasok niya sa loob ay naroroon na si Paul. Umuwi kasi sina Mitchel at Theia sa Cavite.
Kaharap ni Paul ang isang lalaki na nakaupo, nakayuko. Agad na nakilala ni Jemimah ito, si Andy de Leon. Naupo siya sa tabi ni Paul. Si Ethan ay siguradong nasa kabilang side ng salamin doon, nanonood lamang.
“Nakatanggap kami ng tawag mula sa police station sa Manila,” pagsisimula ni Paul. “Sinabi nilang sumuko doon si Andy de Leon at inaming siya ang pumatay sa asawa niyang si Trisha de Leon.”
Tiningnan ni Jemimah ang lalaking kaharap. Madumi ang damit at katawan nito na halatang hindi pa naliligo. “Andy de Leon, tama ba? Inamin mo na ikaw ang pumatay sa asawa mong si Trisha de Leon. Bakit mo ginawa 'yon?”
Tumingin sa kanila si Andy, puno ng takot ang mga mata. “H-hindi ko gustong gawin 'yon. I-inutusan lang ako. Niloko lang ako. H-hindi ko gustong makulong, tulungan niyo ako. Kailangan pa ako ng mga anak namin.”
“Isinuko mo ang sarili mo na iniisip na hindi ka makakatanggap ng parusa sa ginawa mo?” tanong ni Paul. “Only those who acts under the compulsion of an irresistable force are exempted from criminal liability. Nagdesisyon kang patayin ang asawa mo. Kahit pa sabihin mong may nag-utos sa'yo, na nilinlang ka ng isang tao, hindi ka pa rin makakatakas sa parusa ng krimen na ginawa mo.”
Isinubsob ni Andy ang mukha sa nakaposas na mga kamay. Napaiyak na ito. “H-hindi ko sinasadya. H-hindi ko nakontrol ang... ang galit ko.”
“Pero puwede mo pang mapababaan ang sentensiya mo kapag tinulungan mo kaming mahuli ang nag-utos sa'yo,” dugtong ni Paul. “Sinabi mo na niloko ka lang, na may nag-utos sa'yong patayin ang asawa mo.”
Muling tumingin sa kanila si Andy, may galit na sa mga mata. “S-sinabi niyang may paraan para... para mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Na hindi dapat ako makaramdam ng pagseselos, magpakita ng pagseselos dahil kahinaan 'yon. Na hindi iyon pagpapakita ng pagmamahal. Na ang pagseselos ay para lang sa mahihinang tao... Na dapat kong alisin ang taong dahilan kung bakit ako nakakaramdam noon. Napaniwala niya ako. Nagtiwala ako sa kanya pero... pero... nang makalayo ako sa kanya, naisip ko na ginawa niya lang akong mamamatay-tao. At plano niya rin akong patayin.”
“Si Crow Overtaker ba 'yon?” tanong ni Jemimah.
Kumunot ang noo ni Andy. “Crow?” Umiling ito. “Hindi Crow ang pangalan niya. Nakilala ko siya sa ospital noong... noong sinuggest ng kakilala ko na magpatingin sa psychiatrist.”
Psychiatrist? Hinanap ni Jemimah sa mga larawang nasa mesa ang picture ni Julius Magpantay, ipinakita iyon kay Andy. “Siya ba?”
Sandali lang tiningnan ni Andy ang picture bago tumango. “Siya nga. Si Julius. Siya ang kasama ko noong patayin ko si... si Trisha. Siya ang nagsabing tama lang ang ginawa ko. Gusto niyang magpakamatay din ako!”
Nagkatinginan sila ni Paul. Si Julius Magpantay si Crow Overtaker. Hindi ito kilala ni Andy bilang Crow dahil hindi sila nagkakilala sa website na ginawa ng killer. Julius must have chosen Andy de Leon in his patient’s list. Tama nga ang hinala ni Ethan na may itinatago si Magpantay.
“Tatayo kang witness against him,” sabi ni Paul mayamaya. “May naiisip ka pa bang puwedeng makapagpatunay na si Julius Magpantay nga ang nag-utos sa'yo?”
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Andy. “Madalas siyang tumatawag sa akin. A-akala ko kino-comfort niya lang ako. Ipinapalabas niya na kawawa ako, na kailangan kong ipaghiganti ang ibinigay na sakit sa akin ni Trisha. Automatic na nagre-record ng calls ang phone ko, baka mahanap niyo pa doon ang mga usapan namin ni Julius. Kinuha ng mga pulis na nagdala sa akin dito ang mga gamit ko.”
“We’ll check on that,” sabi ni Jemimah. Puwede nang maging ebidensya iyon para madiin si Julius Magpantay.
“Artificial din ang mga daliri niya,” sabi pa ni Andy. “Napansin ko 'yon noong gabing... p-pinatay ko si Trisha.”
Nagulat si Jemimah. Artificial fingers? Hindi nila napansin iyon. Siguro dahil palaging naka-gloves si Julius Magpantay tuwing bibisitahin nila sa opisina nito.
Pagkatapos ng interogasyon ay lumabas na sila, naghihintay na sa labas si Ethan. “Na-check ko na ang call recordings na tinutukoy ni de Leon,” sabi ng asawa, itinaas ang hawak na cell phone ni Andy. “It was indeed the voice of Julius Magpantay.”
Ethan played the recordings. Nakilala kaagad ni Jemimah ang boses ni Julius. He was still playing as a psychiatrist. Pero hindi para tulungang gumaling ang pasyente, kundi para gawin itong isang mamamatay-tao.
Ikinuyom ni Jemimah ang mga kamay. “Lahat ng mga sinabi niya sa atin ay kasinungalingan. Siguradong alam niya rin kung nasaan si Mae Latido. He’s framing his own girlfriend.”
“Hindi pa rin natin alam kung hindi sila magkatulong ng girlfriend niya dito,” sabi ni Paul.
Bumuntong-hininga siya. “Kapag hindi? Sana... sana buhay pa si Mae.”
“Artificial fingers,” usal ni Ethan. “Prosthetic fingers. Kung totoo nga ang sinabi ni Andy, may rason na kung bakit wala tayong makitang kahit ano'ng fingerprints sa lahat ng crime scene.”
“Naiintindihan ko na rin kung bakit noong minsang makipag-kamay si Mitchel sa kanya ay hindi tinanggap ni Julius,” sabi ni Jemimah. “Dahil doon pa lang ay magiging kaduda-duda na siya.”
“We need a warrant of arrest for Julius Magpantay,” utos ni Ethan. “Tatawagan ko ang police department na malapit sa hospital na pinagtatrabahuhan niya para ma-secure na hindi siya makakatakas.”
“I’ll talk to Chief Babor,” ani Jemimah, mabilis na tumakbo patungo sa opisina ng Chief.
Pero kahit naging mabilis ang pagkilos nila, hindi pa rin nila naabutan si Julius Magpantay sa ospital na pinagtatrabahuhan nito.
“Hindi po siya pumasok ngayong araw,” sabi ng assistant nito, natataranta dahil sa mga pulis na kasama nila. “Kahapon umalis din kaagad si Doctor Julius pagkaalis niyo.”
“Damn it,” naiinis na mura ni Ethan. Tumingin sa kanya ang asawa. “Go back to the headquarters, Jemimah. Kausapin mo si Marco na magpa-issue kaagad ng manhunt para kina Julius Magpantay at Mae Latido. Pupuntahan namin ang residence ni Magpantay.”
Tumango si Jemimah. “Be careful.” Hinalikan niya muna sa mga labi ang asawa bago lumakad palayo. Si Paul ay nakasunod lang sa kanya.
“He already knows he made a mistake this time,” sabi ni Paul pagkapasok nila ng sasakyan. “Alam ni Julius na malalaman na natin ang totoo kaya nagsimula na siyang magtago.”
“I just hope na walang nangyaring masama kay Mae,” ani Jemimah. “Kahit siya man lang ay mailigtas natin.”
“Let’s think positive, Jemimah,” nakangiting sabi ni Paul. “At least we already knew who our enemy is. Matatapos din ang lahat ng ito.”
Pinagmasdan lang ni Jemimah ang binata habang nagmamaneho ito. Paul had changed so much. He became a more positive person. Sigurado siya na may kinalaman si Bianca sa pagbabagong iyon. Kung anuman ang relasyong mayroon ang mga ito, masaya siya para doon. Sana lang ay hindi maging mahirap kay Ethan na tanggapin din iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...