Bianca Cuares
“HINDI mo pa ba nakakausap si Paul?” Napatingin si Bianca kay Theia nang lumapit ito sa kinauupuan niya sa garden. “Hindi pa rin ba siya lumalabas?”
Umiling si Bianca, pinunasan ang mga luha. “N-natatakot ako na... na lapitan siya. H-hindi ko alam. Alam kong napakasakit sa kanya na malamang si... si Antonio si Destroyer. We are after his father.”
Hinaplos ni Theia ang likod niya. “That’s why he needs you, Bianca. Ikaw ang nakaintindi sa kanya noon. Ikaw rin ang makakaintindi sa kanya ngayon. Hindi man nagsasalita o lumalapit si Paul, siguradong kailangan niya ng makakausap, ng makakasama. Imposibleng ipagtabuyan ka niya.”
Tumingin si Bianca kay Theia. “N-nalaman ko lang kanina ang lahat. Ang mga natuklasan niya. I know the truth is always cruel. Pero... pero mahirap pa rin tanggapin iyon, lalo na kay Paul.”
“Go to him, Bianca.” Ngumiti si Theia. “The truth is cruel, yes. At mahirap ngang tanggapin iyon. Pero puwede rin na mabawasan ang sakit na nararamdaman ng isang tao kapag nasa tabi niya ang mga mahal niya.”
Kahit natatakot ay sumunod si Bianca. Wala na siyang pakialam kung ipagtabuyan man ni Paul. Gusto niya itong damayan sa sakit ng katotohanang sumampal sa kanilang lahat.
Ilang beses na kumatok si Bianca sa kuwarto ng lalaki hanggang sa bumukas iyon. What she saw broke her heart. Punong-puno ng kalungkutan ang mukha ni Paul.
Napahawak ito sa ulo. “H-hindi ko gustong makita mo akong ganito, Bianca. I... I’m sorry.”
Napaiyak na siya sa harapan ng lalaki, niyakap ito ng mahigpit. “I’m here, Paul. H-huwag mong sarilinin ang lahat.”
Humugot ng malalim na hininga si Paul bago ginantihan ang yakap niya. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang mukha. “Hindi ka ba takot sa akin, Bianca? A-anak ako... anak ako ng kriminal na matagal ninyong hinahanap. H-hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit si Papa? Kaya umalis si Mama dahil doon? Si Papa ang pumatay sa... sa...” Napaiyak na ito. “Bianca, I’m so sorry. I’m sorry. Pamilya ko ang sumira sa pamilya mo. I’m sorry. I’m sorry.”
“N-no... no, Paul,” garalgal na sabi ni Bianca, tumingala dito. “W-wala kang kasalanan. Bakit ka humihingi ng tawad sa kasalanan ng iba? Wala kang alam. S-stop this...”
Bahagya siyang inilayo ni Paul. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Bianca. Naguguluhan na ako. Paano nagawa ni Papa ang lahat ng ito?” Napaupo na ito sa gilid ng kama. “Nahihiya na ako sa'yo... sa inyo, alam mo ba 'yon? Tuwing naiisip ko na si Papa ang dahilan ng pagkawala ng mga magulang mo, gusto kong magwala. Pero... pero gusto kong manatili dito, Bianca. Gusto kong manatili sa tabi mo.” Nagyuko ito ng ulo. “Please... tell me you want me to stay here, Bianca. Tell me you still love me.”
Lumapit si Bianca sa nobyo. “Sa tingin mo ba magbabago ang nararamdaman ko sa'yo dahil doon? I love you, Paul. And I want you to stay here with us.” Niyakap niya ito. “Alam ko na mahirap ang lahat ng ito. H-hindi mo naman kailangang kalabanin ang papa mo. Just stay with me here. I know they will understand you... us.”
Humugot ng malalim na hininga si Paul. “I love you more, Bianca. Poprotektahan kita. Poprotektahan ko ang pagmamahalan natin kahit... kahit sino pa ang makalaban ko.”
Tumango-tango si Bianca, tahimik na umiyak. Naniniwala siya dito. Kahit na ang ama nito ang sumira sa kanilang pamilya, hinding-hindi magbabago ang tingin niya kay Paul. Iba si Paul kay Antonio.
Hinapit siya ni Paul para paupuin sa kandungan nito. “Don’t cry,” he mumbled. “Sana matapos na ang lahat ng ito, Bianca. Sana bumalik din si Mama para maipaliwanag ang lahat.”
Ipinikit ni Bianca ang mga mata. Sana nga. Sana matupad na ang lahat ng hiling at dasal nila nang walang nasasaktan o napapahamak.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mistério / SuspenseA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...