Chapter 25

1.1K 53 1
                                    

Crow Overtaker
NAKASANDAL lamang si Crow habang pinagmamasdan ang isang lalaki na nakaharap sa isang video camera habang nakatutok ang baril sa sentido. Ngumiti siya habang pinapakinggan ang sinasabi ng lalaki – ang pamamaalam nito sa mundong pinasakitan lamang siya.
Makalipas ang ilang sandali, narinig niya na ang malakas na putok ng baril. Bumagsak ang lalaki sa sahig, umaagos ang dugo mula sa sentido, tumalsik pa ang iba sa dingding.
Umayos ng tayo si Crow, lumakad palapit sa video camera. Nakatalikod siya kaya hindi makikita doon. Isinara niya ang camera para tumigil iyon sa pag-record.
Tiningnan muna ni Crow ang isa pang bangkay ng lalaki na naroroon, tadtad ng tama ng bala sa katawan. Dalawang bangkay sa isang kuwarto. Ngumisi siya. Crow liked the color of red that filled the room now – because of blood.
Nilapitan niya ang mga bangkay para kunin ang hinliliit ng mga ito, ilagay sa loob ng garapon. Pinakatitigan ni Crow ang garapon, may walo ng hinliliit doon. Kaunti na lang ay mapupuno niya na ang garapon. Pagkatapos ay magpupuno uli siya ng panibago.
Binuksan ni Crow ang itim na bag na dala para ibalik doon ang garapon pero nabitawan iyon nang biglang bumukas ang front door dahil sa malakas na pagsipa. Natapon ang mga laman ng itim na bag sa sahig. Nakita pa niya ang pagkabasag ng bote ng perfume na naroroon.
Narinig niya ang pagtawa ng isang lalaki mula sa likod. “Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Akala mo ba hindi ko mate-trace ang kinaroroonan mo?”
Kinuha ni Crow ang baril na nasa sahig, pumihit paharap para itutok sa lalaking kararating lang. “Ano'ng ginagawa mo dito, Hector?” galit na tanong niya. “Why the hell are you ruining my work?”
Ngumisi lang si Hector, hindi man lang natinag ng nakatutok na baril dito. Iginala nito ang paningin sa paligid. “Gusto lang kitang kumustahin, masama ba 'yon? Simula nang makalabas tayo, naging sobrang busy mo na sa mga obra mo.” Inabot nito ang video camera, binuksan iyon para panoorin ang video na naroroon.
Inilapag muli ni Crow ang baril malapit sa bangkay ng isang lalaki pagkatapos ay sinimulan nang ayusin ang mga nahulog na gamit sa sahig. Pinakatitigan niya ang nabasag na perfume. Umiling siya at maingat na nilinis iyon.
“You really are a genius,” wika ni Hector. “Napapatay mo sila nang ginagamit lang ang mga salita mo. Hindi ba napaka-boring naman noon?”
Tumayo si Crow matapos mailagay lahat ng gamit sa itim na bag. Tiningnan niya si Hector. “We are different, Hector. Hindi ako katulad mo na may temper issues. Masaya ka ba na nakikita sa TV ang ginagawa mo? I’m surprised na nakakapaglakad ka pa sa kalsada gayong kalat na sa mga diyaryo, at news channel ang mukha mo.”
Tiningnan siya ng masama ni Hector. Ibinagsak nito sa sahig ang hawak video camera, lumapit sa kanya. Marahas siya nitong itinulak pasandal sa dingding, naglabas ng hunting knife para itutok sa leeg niya.
Ngumisi si Crow, walang kahit anong reaksiyon sa mga mata. “Hindi na ako marunong matakot, Hector.”
Nag-igtingan ang mga panga ni Hector pero pinakawalan na rin naman siya. “Nagpunta lang ako dito para siguraduhing buhay ka pa.”
Lumapit si Crow sa kinapapatungan ng cell phone ng lalaking nagpakamatay sa harapan niya, kinuha iyon at ipinasok sa loob ng itim na bag. Sinulyapan niya pa ang video camera na nasa sahig. “Hindi ba dapat nag-iingat ka na, Hector? Paano kung mahuli ka?”
“Iyon naman ang gusto ko.” Ngumisi pa si Hector. “Thrill. Action. Gusto kong mamatay ng lumalaban.”
Bumuntong-hininga si Crow. “Go and kill more before you die. Para hindi masayang ang lahat.” Hindi na niya hinintay na sumagot ito at lumakad palabas. Kailangan niyang makaalis kaagad sa lugar na ito bago dumating ang mga pulis. Hindi siya katulad ni Hector na magagawang tumakas, makipaglaban.
Pagkapasok sa loob ng kanyang sasakyan ay nakatanggap ng tawag si Crow mula sa isa sa mga target niya. Sinagot niya iyon. “Yes, Henry?” Saglit siyang nakinig sa umiiyak na lalaki. “Ganoon ba? I’m sorry to hear that... No, hindi mo kailangang gawin 'yan. Hindi ka pa puwedeng magpakamatay. Dinaya ka nila... huwag mong tapusin ang buhay mo ng gano'n na lang... Nasaan ka ngayon? Kakausapin kita.”
Ngumisi si Crow. This time will be different. Magugulat ang mundo.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon