Bianca Cuares
NILINGON ni Bianca si Paul na nakasunod lamang sa kanya habang namimili siya ng mga librong bibilhin sa loob ng isang bookstore. Kanina ay nagpasama siya sa binata na magpunta sa isang mall para mamasyal at mamili. Hindi dapat siya papayagan ni Ethan pero dahil sinabi ni Paul na sasamahan siya ay pumayag na rin ang kapatid.
“Hindi ka ba nabo-bored?” nag-aalangang tanong niya.
Umiling si Paul. “Hindi naman. Go on. Susunod lang ako sa'yo. After nito, mag-dinner na tayo.”
Ngumiti si Bianca at tumango. Binilisan niya na rin ang pagpili ng mga librong bibilhin.
“Thank you nga pala sa pagsama sa akin ngayon,” aniya habang naglalakad na sila papunta sa isang restaurant. “Dahil sa'yo kaya pinayagan ako ni kuya.”
“Pero kailangan din nating makabalik kaagad.” Ngumiti si Paul. “Gusto ko lang na makalabas ka sandali.”
Simula nang makita uli ni Ethan si Jayden Sullivan ay hindi na siya nakalabas sa hideout nila. Napansin din ni Bianca ang ilang mga militar na nagbabantay doon, marahil ay dahil kay Kevin Pascua. Things were getting dangerous. Bawal na rin silang umalis nang walang kasama.
Hinawakan ni Paul ang isa niyang kamay, sa kabila nito ay ang eco-bag na kinalalagyan ng mga librong pinamili niya. “I’ll treat you dinner in my favorite restaurant.”
Iniyuko ni Bianca ang ulo para maitago ang pamumula ng mukha. Gustong-gusto niya tuwing hinahawakan ni Paul ang kanyang mga kamay. She felt so safe. Sumunod lang siya sa binata hanggang sa biglang mapatigil ito.
Ini-angat ni Bianca ang tingin. Nasa harap nila ngayon ang isang lalaki at babae. Nagulat siya nang makilala ang lalaking kaharap – ang Director ng SCIU na si Antonio Morales. Ang ama ni Paul. Pinakatitigan ni Bianca ang katabing babae ni Antonio, naaalala niya rin ito. Ito ang nakatatandang kapatid na babae ni Paul na si Vyen Morales.
“P-papa...” Hindi makapaniwalang wika ni Paul. “Ano'ng ginagawa niyo dito sa Dasma?”
Kumunot ang noo ni Antonio. “Ano'ng ginagawa niyo rin dito, Paul? Kadarating lang ni Vyen kaya naisipan naming mamasyal muna. Ikaw? Hindi ko inaasahan na makikita kita dito. I’ve been calling you this morning but you didn’t pick up.” Inilipat ni Antonio ang tingin sa kanya. “Sino siya? Girlfriend mo?”
Tumalon na naman ang puso ni Bianca dahil doon. Tinangka niyang hilahin ang kamay na hawak ni Paul pero hindi nito bitawan.
“Siya si Bianca.” Tiningnan siya ni Paul. “Kakilala ko.”
Nahihiyang tumango si Bianca kina Antonio at Vyen Morales. Siguradong hindi siya ipinakilala ni Paul na kapatid ni Ethan dahil alam nitong hindi pa pwede.
Sandaling nakatitig sa kanya si Antonio kaya iniyuko ni Bianca ang ulo. “She seems familiar,” narinig pa niyang sabi ng ama ni Paul.
“Oo nga,” wika naman ni Vyen. “Parang may gusto akong maalala dahil sa kanya.”
“Hindi ko alam na nandito ka pala sa Pilipinas, Ate Vyen,” pag-iiba ni Paul sa usapan para hindi maituon ng mga ito ang atensyon sa kanya.
“Nagulat din ako nang makita siya sa bahay,” sabi ni Antonio. “Sinabi ni Vyen na dito muna siya mananatili pansamantala. Sa bahay. She’s pregnant, hindi mo ba alam?”
“Pregnant?” Nasa boses ni Paul ang pagkagulat.
“Umuwi siya dito dahil hindi siya gustong panagutan ng nakabuntis sa kanya.” Marahas na napabuga ng hininga si Antonio. “Hindi niya naman sabihin sa akin kung sino iyon.”
“Papa...” sambit ni Vyen. “Sinabi ko naman na sandali lang ako dito sa Pilipinas. Kapag nakapanganak na ako, babalikan ko na ang trabaho ko sa States.”
Tumingin si Antonio sa anak na babae. “Umuuwi ka lang dito kapag may kailangan ka. Puwede ka namang dito na lang mag-trabaho sa bansa. Dito ka na tumira.”
Ngumiti lang si Vyen pero hindi sumagot. Tiningnan ni Bianca si Paul na nakatingin sa kapatid. Siguro ay hindi rin nito alam kung paano mapapagbago ang desisyon ng kapatid.
“Kumain na ba kayo ng dinner?” mayamaya ay taong ni Antonio. “We are about to eat. Join us.”
Sumunod lang sila kina Antonio hanggang sa makapasok sa loob ng isang high class na restaurant doon. Nanatili siyang tahimik at pinakatitigan lang sina Antonio at Vyen Morales. Matagal na rin mula nang nakaharap niya ang mga ito, bata pa siya. Pero hindi alam ng mga ito kung sino ba talaga siya.
“Ano nga pala ang ginagawa niyo dito sa Cavite, Paul?” tanong ni Antonio sa gitna ng kanilang pagkain. “Dito ka na ba tumitira?”
“Hindi,” pagsisinungaling ni Paul. “May kinausap lang akong kliyente dito.”
Tumingin si Vyen kay Bianca. “Gaano katagal na kayong magkakilala nitong kapatid ko, Bianca? Ngayon ko lang uli siya nakitang may kasamang babae sa pamamasyal.”
“B-bago lang,” nauutal na sagot ni Bianca. “S-sinamahan niya lang akong mamili ng mga libro ngayon.”
Tumango-tango si Vyen. “Ilang taon ka na nga pala?”
“T-twenty-two.”
Bumahid ang pagkagulat sa mga mata ni Vyen. Then she looked at Paul with a teasing smile. “Age doesn’t matter, right, Paul?”
“Vyen,” pagpapatigil ni Paul dito.
Mahinang tumawa si Antonio. “It’s a good thing that you’ve moved on, Paul. Kay Jemimah.”
Ramdam na ramdam ni Bianca ang matinding pag-iinit ng mukha dahil sa panunukso ng mga ito. Itinuon niya na lang ang atensyon sa pagkain.
“Hindi mo ba nakikita si Ethan, Paul?” tanong pa ni Antonio.
“Hindi,” muling pagsisinungaling ni Paul. “Si Jemimah lang ang nakikita ko.”
Napatingin na si Bianca kay Paul, seryoso ang mukha nito habang sumusubo ng pagkain. Pasimple niyang inilipat ang tingin sa ama nitong si Antonio.
Ito pala ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng inggit si Paul kay Ethan. Kahit ngayon lang uli nagkita ang mag-ama ay nababanggit pa rin ni Antonio si Ethan.
Pagkatapos nilang mag-dinner ay agad na ring nagpaalam sina Paul sa mga ito. Sumabay na rin sina Antonio at Vyen hanggang sa parking lot. Papasok na sila sa loob ng sasakyan ni Paul nang marinig ang pagtawag ni Vyen sa pangalan ng kapatid.
Lumapit ito sa kanila. Si Antonio naman ay nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan ng mga ito.
“Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan,” ani Vyen, may kinukuha sa dala nitong shoulder bag. “Palagi ko itong dala simula nang dumating ako dito sa Pilipinas. Gustong ipabigay ito sa'yo ni Mama.”
Nakita ni Bianca ang pagkagulat na bumahid sa mukha ni Paul bago inilipat ang tingin sa isang hindi kalakihang kahon na nakabalot sa gift wrapper.
Inabot iyon ni Paul, bahagya pang nanginginig ang kamay. “N-nakita mo... na uli si Mama? Alam mo ba kung nasaan siya?”
Umiling si Vyen, may lungkot sa mga mata. “Ipinadala lang 'yan sa akin sa States noong isang taon. There’s no return address. Ngayon ko lang naibigay sa'yo.” Ngumiti ito. “I’m happy na nakita kita ngayon, Paul. Take good care of yourself.”
“You take good care of yourself, Ate,” sabi ni Paul, seryoso. “Sigurado ka ba talaga na okay ka lang? You can tell me anything. Kung sino ang lalaking 'yon, kung ano ang—”
“Paul, I’m fine,” putol ni Vyen dito. “I’ll be fine. Desisyon ko 'to. Ako ang pumili ng landas na ito at tanggap ko naman na.” Hinaplos ni Vyen ang pisngi ng kapatid. “Go on. Umuwi na kayo ni Bianca. Mag-iingat kayo.”
Nagpasalamat si Bianca sa babae. Pagkapasok nila sa loob ng sasakyan, ilang sandali munang pinakatitigan ni Paul ang ibinigay ni Vyen bago iyon binuksan. It was a photo album.
Nakitingin lang si Bianca sa mga larawang naroroon sa photo album. Those were photos of Paul with his mom since he was young. Inilipat niya ang tingin kay Paul at nakita ang malungkot na ngiti sa mga labi nito.
“Mga larawan namin ito ni mama sa iba’t ibang lugar na napupuntahan ng pamilya namin noong buo pa kami,” sabi ng binata. “Mom likes taking photos. Madalas niyang sabihin na nakakulong sa mga larawang iyon ang mga memories natin. And seeing those photos will help us heal our wounds someday.”
“Siguradong nami-miss ka rin ng mama mo kung nasaan man siya ngayon,” wika ni Bianca. “Itinatago niya ang mga larawang 'yan, ibig sabihin hindi ka pa niya nakakalimutan.”
Isinara ni Paul ang photo album at ipinasok iyon sa loob ng compartment ng sasakyan. Hindi na ito nagsalita, pinaandar na lang ang sasakyan.
Nararamdaman ni Bianca ang kalungkutan ng binata pero hindi naman alam kung paano ico-comfort ito. Nanatili na lang siyang tahimik, nakatingin sa unahan ng sasakyan hanggang sa makauwi sila.
Pagkalabas ng sasakyan, si Bianca na ang nagdala sa mga pinamiling libro. “Ako na ang bahala dito,” sabi niya.
Nakatitig lamang sa kanya si Paul. Medyo madilim sa parteng iyon, ang tanging liwanag lang ay nanggagaling sa mga poste ng ilaw. Hindi kalayuan ay ang malaking bahay na pag-aari ni Marco Pulo kung saan sila lahat pansamantalang tumitira.
Humakbang si Bianca palapit sa binata. “A-ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya.
Makikita ang kalungkutan sa mga mata ni Paul. “Gusto ko uli siyang makita... si mama. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganito siya. Wala akong pakialam kung may bago na siyang pamilya, basta magpakita lang siya uli. Makipag-usap uli sa akin. Miss na miss ko na siya.”
“Siguradong makikita mo uli siya balang-araw,” wika ni Bianca, ngumiti para subukang alisin ang lungkot ng binata. “Magtiwala ka lang.”
Itinaas ni Paul ang isang kamay, masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. “I’m sorry,” bulong nito. “Hindi ko na dapat ikaw idindamay sa mga -problema ko. I should be thankful na buhay pa ang mga magulang ko. I’m sorry, Bianca.”
Humugot ng malalim na hininga si Bianca. “It’s okay, Paul. Kahit hindi ko na uli makikita sina papa at mama, alam ko namang nasa mabuting kalagayan na sila.”
Paul just stared at her for a long while. Hindi naman napigilan ni Bianca ang salubungin ang pagtitig nito. His black eyes were mesmerizing. Para bang pilit nitong binabasa ang laman ng kanyang isipan, ng kanyang puso.
“You’re so beautiful, do you know that?” tanong ni Paul na nakapagpalundag sa puso ni Bianca.
Bianca could see fire lit in his dark eyes. Unti-unting bumaba ang mukha ni Paul palapit sa kanya pero hindi naman maigalaw ni Bianca ang katawan para lumayo. Her heart thundered in her chest.
Hinayaan lang ni Bianca si Paul hanggang sa lumapat ang mga labi ng binata sa mga labi niya. Pakiramdam niya ay biglang nanlambot ang mga tuhod. Nabitawan niya rin ang eco-bag na naglalaman ng mga pinamiling libro. Siguradong mapapaupo siya sa lupa kung hindi kaagad naipulupot ni Paul ang isang braso sa baywang niya.
He was hugging her tight she couldn’t breathe. Naramdaman ni Bianca ang paggalaw ng mga labi ni Paul sa mga labi niya. A moan escaped from her lips. Ito ang kauna-unahang halik na naranasan niya sa buong buhay.
Ipinikit ni Bianca ang mga mata. Ang mga kamay ay kusang umakyat pataas sa matipunong dibdib ng binata hanggang sa magtungo iyon sa likod ni Paul para mayakap din ito.
Her breasts were pinned so hard on his chest. Siguradong naririnig na nito ang malakas na kabog ng kanyang puso.
Paul growled. Hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa baywang niya kasabay ng pagpapalalim sa halik.
The sensation Bianca was feeling was overflowing. Hindi niya maipaliwanag ang lahat ng damdaming bumabalot sa puso nang mga sandaling iyon.
Hindi na namalayan ni Bianca na unti-unting gumagalaw ang kanyang mga labi para tugunin ang halik nito. She angled her head, moaning as Paul gently bit her lower lip before sucking at it.
Bianca’s knees wobbled. Nakakaramdam siya ng kakaibang pag-iinit at kiliti sa parteng puson. Hindi niya alam kung ano ang maitatawag sa sensasyong iyon pero nagugustuhan niya.
“So sweet...” Paul murmured in her mouth. His one hand begun caressing her back.
Bianca shivered. Sandaling naglayo ang kanilang mga labi, nagtitigan. She could see desire in Paul’s eyes. At higit na bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil doon.
Bumaba ang tingin ni Bianca sa bahagyang nakaawang na mga labi ng binata. Gusto niya pang—
Bumalik sa reyalidad ang isipan ni Bianca nang makarinig ng mga yabag. Mabilis siyang lumayo kay Paul at pinulot ang mga libro na nahulog, tarantang pinagpapasok iyon sa eco-bag.
“B-Bianca...” narinig pa niyang sambit ni Paul, magaspang ang boses.
Tumayo si Bianca, niyakap na lang ang eco-bag at ibbang librong hindi naipasok. “S-s-siguradong hinahanap na tayo ni kuya,” nauutal na sabi niya, hindi tumitingin sa lalaki.
Napatingin siya sa isang militar na nagbabantay sa lugar na iyon na nakalapit na sa kanila. Nakakunot-noo itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Paul. Hindi na iyon pinag-ukulan ng pansin ni Bianca at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok, nagulat pa si Bianca nang makasalubong ang kapatid na si Ethan.
“Bianca.” Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. “May nangyari ba? Bakit ganyan ang itsura mo?”
“W-wala, kuya... n-nagmamadali kasi akong pumasok kanina at nasira pa ang kinalalagyan nitong mga librong binili ko...” pagsisinungaling niya.
“Nasaan si Paul?”
Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso. “N-nasa labas pa. Papasok na ako sa kuwarto ko, kuya, para... para maayos ko na ang mga ito.”
Hindi na niya hinintay na makasagot ang kapatid at dali-daling pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.
Nanghihinang sumandal si Bianca sa pinto, naibagsak na naman ang mga dalang libro. Padausdos siyang napaupo sa sahig.
What just happened?! Itinaas niya ang isang kamay para haplusin ang mga labi. Hinalikan siya ni Paul! At tinugon niya ang halik na iyon! Hindi siya lumayo. Hindi siya tumutol. She had gone crazy!
Isinubsob ni Bianca ang mukha sa dalawang kamay. Hindi niya na alam kung paano haharapin ang binata. Bakit? Bakit iyon ginawa ni Paul? Nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. At parang nakatatandang kapatid lang ang dapat na maging tingin niya dito.
Pero bakit hindi pa rin tumitigil sa malakas na pagtibok ang kanyang puso? Bakit nagustuhan niya ang halik na pinagsaluhan nila?
Hanggang ngayon, nararamdaman pa rin ni Bianca ang init ng mga labi ni Paul sa kanya, maging ang init at tigas ng katawan nitong nakayakap sa kanya kanina.
Napahikbi na si Bianca. Baliw na nga siya. Hindi niya na mapigilan ang sarili. She never felt this kind of wanting before. She wanted Paul for herself. She wanted to see him not just like an older brother but as a man.
Kasabay niyon ay ang takot. Bianca was scared that she might have loved him more than a friend. She was scared that because of that she would ruin everything. Pero kahit patuloy sa pagtanggi ang isipan, a part of her heart was telling her that she was going to love Paul Morales for the rest of her life. Na ito ang lalaking gusto niyang mag-alaga, pumrotekta sa kanya. Ang lalaking gusto niyang pag-alayan ng puso, ng lahat-lahat.
Hindi alam ni Bianca kung bakit. Kahit ano'ng gawin ay walang mahanap na sagot kung bakit si Paul pa. Ito ang gusto niya. Kahit pa malayo ang agwat ng edad nila. Kahit pa siguradong ikagagalit iyon ni Ethan. Bianca wanted Paul. Her heart wanted to stay beside him always. Her heart wanted to love him.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mistério / SuspenseA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...