Jemimah Remington-Maxwell
MAINGAT na nilagyan ni Jemimah ng betadine ang sugat sa kaliwang kamay ni Ethan bago iyon binalot ng benda. Naroroon na sila ngayon sa hideout sa nila sa Cavite. Tiningnan niya ang asawa na nakayuko pa rin. He was full of wounds. Gusto niyang umiyak uli pero pinigilan na ang sarili.
Narinig nila ang pagtikhim ni Marco Pulo para kunin ang kanilang atensyon. “Ang mahalaga ay walang nangyaring masama sa inyo,” anito. Kanina ay nai-kuwento ni Ethan ang lahat ng nangyari sa paghabol nito kay Hector Quintallan at ang pagkakita nito kay Jayden na siyang pumatay kay Hector. “Nakalabas na sa media at mga newspapers ang mukha ni Jayden bilang isang wanted person. Hindi na magiging madali sa kanya ang lumabas.”
“Nag-issue na rin ng manhunt ang NBI,” sabi naman ni Paul.
“Titingnan ko kung makakahingi tayo ng tulong sa Army sa paghahanap sa mga probinsya,” sabi naman ni Kevin.
“Hindi ako sigurado kung makikialam ang Army sa imbestigasyon ng NBI kay Destroyer,” wika ni Marco. “Unless mapatunayan na isang malaking threat sa mga mamamayan si Destroyer.”
“Hindi ba ganoon na rin 'yon?” tanong ni Jemimah. “The Destroyer has killed thirty-three people. And look at what happened today. Ano ang dahilan para patayin ni Jayden si Hector Quintallan? Magkakilala sila. Posibleng nagtutulungan sila. Alam ni Hector ang tungkol sa ating lahat. Target niya tayo.”
“Magpahinga na muna tayo,” suhestiyon ni Marco, sumulyap pa kay Ethan na nanatiling nakayuko at madilim ang mukha.
Lumapit sa kanila si Kevin para tulungan siyang alalayan si Ethan papasok sa loob ng kanilang kuwarto.
“Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo, Ethan,” wika ni Kevin bago lumabas. “Hindi mo alam na pupunta doon si Sullivan.”
Nang silang dalawa na lang ni Ethan ang nasa loob ng kuwarto, hindi na napigilan ni Jemimah ang yakapin ang asawa. Napahikbi na siya. “E-Ethan...”
Mahigpit na ginantihan ni Ethan ang yakap niya, nakasubsob ang mukha sa kanyang mga dibdib. Nararamdaman ni Jemimah ang panginginig ng katawan nito.
“N-nasa harapan ko na siya, Jemimah,” sabi ng asawa, may galit sa boses. “I tried firing at him but I failed.”
Bahagya siyang lumayo dito, ikinulong ang mukha sa magkabilang palad. “You’re hurt, Ethan. Nakasakay siya sa motor at mayroon din siyang baril. Paano kung nagpaputok uli siya sa'yo? Let’s just be thankful na walang masamang nangyari sa'yo maliban sa mga sugat na 'to.” Hindi na rin naitago ni Jemimah ang galit. “Sa susunod, hayaan mo kaming sumama sa'yo. Huwag mong solohin ang—”
Hindi na natapos ni Jemimah ang sinasabi nang yakapin ng asawa. “I’m sorry,” bulong ni Ethan. Ilang beses itong humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. “Huwag ka nang magalit, please. I’m sorry.”
Nabawasan naman ang inis ni Jemimah, hinaplos-haplos ang buhok ni Ethan. “Just don’t make me worry like this again,” pumiyok pa siya. “H-hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang makita ko ang kalagayan mo kanina. You know that when you’re hurting, I am hurting too.”
Bahagya siyang inilayo ni Ethan, pinakatitigan. Pinunasan nito ng mga daliri ang kanyang mga luha. “Don’t cry. I love you.”
Napahikbi pa rin si Jemimah. Nang tumakbo ito kanina palabas ng restaurant para habulin si Hector, gustong-gusto niyang sumunod. Ayaw niya na muling maramdaman ang naramdamang sakit noong mawala ito sa piling niya.
“I love you too,” bulong niya saka hinalikan ng mariin ang mga labi ng asawa. “Magpahinga ka muna. Mahahanap din natin si Jayden. Tumawag kanina si Joshua. Ang team nila ang tumingin sa crime scene ni Hector. Sinabi niya na may nakita pang dugo sa lupa kung saan dumaan ang motor ni Jayden. Nang lumabas ang result ay DNA ni Jayden ang nakita. He was shot, Ethan. Nasugatan siya. Magiging handicap niya rin iyon kahit papaano.”
“Pero kung may iba pang tumutulong sa kanya, magiging madali lang ang pagtakas,” umiiling na sabi ni Ethan. “But I will not give up. Hinding-hindi ako susuko. Hangga’t nakakatayo ako, hangga’t kaya kong lumaban, hindi ako susuko. Hahanapin ko siya. Kailangan niyang magbayad sa lahat ng ginawa niyang kasalanan.”
Inilapit ni Jemimah ang noo sa noo ni Ethan, nakatitig lamang sila sa mga mata ng isa’t isa. Nginitian niya ito. “Let’s just keep our faith, Ethan. Ang mga magagandang bagay ay nangyayari sa buhay natin tuwing malapit na tayong maubusan ng pag-asa. Naniniwala ako na darating ang sagot sa lahat ng katanungan natin. Darating ang pag-asa na matatapos din ang lahat ng ito. God will show us the way.”
“Sana nga,” mahinang wika ni Ethan, pumikit. “Hindi ko na gustong makitang nasasaktan ka, maging ang ibang mga kasama natin. Sana matapos na ang lahat ng ito.”
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mystery / ThrillerA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...