Chapter 15

1.2K 55 1
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
“BASE sa autopsy report ng bangkay ni Irma Guilaran, walang foul play sa pagkamatay niya,” imporma ni Douglas sa kanila. “Walang ibang fingerprints sa katawan niya. Walang nakitang kahit anong drugs sa katawan niya.”
“Ayon naman sa forensics, wala rin silang nakitang ibang fingerprints sa loob ng apartment ni Guilaran,” dugtong ni Paul. “The court can easily rule this as suicide. Pero dahil sa putol na daliri ng biktima, may oras pa tayo para mapatunayan na murder ito.”
“We need more leads,” umiiling na sabi ni Jemimah. Sa isang hotel sa Manila sila ngayong nag-stay habang nireresolba ang kasong ito. Umuuwi sila sa Cavite tuwing pinapatawag ni Marco. “Pupunta ako sa university na pinasukan nina Mortel at Guilaran.”
“Sasamahan na kita,” ani Ethan. “Puwede kayong bumalik muna sa Cavite para magpahinga. Kailangan din ng mga magbabantay doon.”
Tumango sina Douglas at lumabas na sila ni Ethan ng hotel room. Pero bago pa sila makarating sa sasakyan ay nakatanggap si Jemimah ng tawag mula kay Lizette Salcedo. Gusto nitong makipagkita at makipag-usap dahil may sasabihin din daw tungkol sa bago nitong nalaman tungkol sa pagkamatay ng legal father ni Jayden na si RJ Sullivan.
Sinabi niya dito na makipagkita na lang sa university na pupuntahan nila ngayon. Hindi naman kalayuan ang university at agad silang nakarating. Hinintay nila si Lizette sa cafeteria at pinanood lang ang napakaraming mga estudyante.
Ilang minuto ang lumipas bago nila natanaw ang paglapit ni Lizette. Bumati ito sa kanila bago naupo sa katapat na silya. “Thank you for letting me see you,” nakangiting sabi ng babae.
“Walang anuman,” sagot ni Jemimah. “You have helped us.”
Sandaling iginala ni Lizette ang tingin sa buong cafeteria. “Ano nga palang ginagawa niyo sa university na 'to? Related din ba sa Destroyer Case?”
Umiling siya. “We’re investigating another case.”
Tumango-tango si Lizette. May inilabas itong isang recorder sa dalang pouch. “Sinubukan kong hanapin ang investigator na humawak sa pagkamatay ni RJ Sullivan. Nalaman ko na matagal na siyang namatay dahil sa isang sakit. But I learned na mayroon siyang partner na madalas niyang nakakasama noon. His name is Wilbert Zuniga. Retired police officer na siya pero nakatira pa rin sa Mindoro. Ininteroga ko siya. Listen to this.”
Pinindot ni Lizette ang play button ng recorder at pinakinggan nila ang pag-iinteroga nito kay Wilbert Zuniga.
“Nalaman ko na matagal mong naging partner si Ruben Balao noong nagtatrabaho pa kayo bilang police officer,” boses iyon ni Lizette. “Kasama ka rin ba niya sa pag-iimbestiga sa kaso ni RJ Sullivan noon?” Ipinaliwanag ni Lizette sa mabilis na paraan kung ano ang kasong tinutukoy nito.
“Oo, kasama ako sa imbestigasyon,” sagot ng boses ni Wilbert Zuniga. “Pero si Ruben ang nanguna doon. Sinabi niya sa akin na kaya niya na mag-isa ang resolbahin ang kasong iyon kaya nakasama niya lang ako nang rumespunde kami sa bahay ng mga Sullivan.”
“Nakalagay sa report na ginawa ni Ruben Balao na heart attack ang ikinamatay ni RJ Sullivan. Ang asawa niyang si Geraldine Sullivan ang tumawag sa mga pulis. According kay Geraldine, umalis sila ng araw na iyon at tanging si RJ lang ang naiwan. Pagbalik niya ay nakita na lang na nasa sahig si RJ, wala ng buhay. Sinabi rin ni Geraldine na matagal ng may sakit sa puso ang kanyang asawa. Tama ba ang lahat ng ito?”
“Hindi ko alam. Katulad ng sinabi ko, si Ruben na ang gumawa ng report. Siya ang nakipag-usap sa Geraldine na iyon.”
“Kilala mo ba si Geraldine Sullivan?” tanong pa ni Lizette.
Sandaling katahimikan ang dumaan bago sumagot si Wilbert. “Kilalang-kilala si Geraldine noong mga panahong 'yon. Napakaganda niya, napakalapit sa mga lalaki. Siya ang klase ng babae na nakukuha ang kahit anong gustuhin sa simpleng ngiti lamang.”
“Sinabi mo na kasama ka sa mga rumespunde sa bahay ng mga Sullivan noon. Then you saw the body. As a police officer, the first thing you will all do is inspect the body, right? Sa tingin mo ba ay inatake talaga sa puso ang biktima?”
Another long silence. Narinig nila ang pagbuntong-hininga ni Wilbert bago ito muling nagsalita. “Sa tingin ko ay may nakain o nainom siyang lason. Marami ng kaso ng poisoning ang nakita ko kaya sigurado akong nalason ang biktima. Hindi ko lang alam kung ano'ng nangyari at ganoon ang kinalabasan ng report ni Ruben. Hindi ko na pinakialaman dahil iyon din ang tinanggap ng pamilya ni Sullivan.”
“Hindi dahil tinanggap na ng pamilya ng biktima ang resulta ng imbestigasyon ay hahayaan mo na lang kahit sinasabi ng puso mo na may mali sa isang kaso. Hindi natin alam kung ano ang posibleng nangyari kung ginawa mo ang tama, ang dapat na ginagawa ng isang pulis na katulad mo.”
The recording stopped there.
“Tama nga ang hinala natin na may foul play sa pagkamatay ni RJ Sullivan,” wika ni Ethan. “At sigurado ako na may kinalaman doon ang asawa niyang si Geraldine. She must have bribed that police officer Ruben Balao.”
“Poison,” usal ni Jemimah. “Why would someone poison him?” Hindi nila alam kung ano'ng klase ng tao si RJ Sullivan. Katulad din ba ito ni Efren Mortel na isang halimaw na sumira sa buhay ng ibang tao kaya pinatay? Pero posible rin na biktima lamang din ito.
“Hindi natin malalaman ang buong story hangga’t hindi natin nakikita si Jayden Sullivan,” ani Lizette. “Siya na lang ang natitirang buhay sa pamilya niya. Siya na lang ang makakapagpaliwanag ng lahat ng nangyari.”
“Salamat sa impormasyon na ito,” sabi ni Jemimah sa babae. “Ipapaalam din namin sa'yo kapag may mga bago kaming nalaman.”
Napatingin sila sa tabi nang maramdamang may lumapit doon. Nagulat si Jemimah nang makita si Gabrielle Legaspi na nakangiti sa kanila.
“Senior Inspector,” bati ni Gabrielle, may hawak ang babae na mga libro. May nakasakbit ding bagpack sa likod. “Kayo nga talaga ang natanaw ko. Ano'ng ginagawa niyo rito?” Sumulyap ito kina Ethan at Lizette.
“Investigation,” sagot ni Jemimah, kumunot ang noo. “Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito? Estudyante ka dito?”
Tumango si Gabrielle. “I’m taking my master’s here.” Naupo ito sa isang bakanteng silya. “Ang pagkawala ba ni Lauren ang iniimbestigahan niyo dito? Hindi siya nagpupunta rito.”
“No.” Umiling siya. “Ibang investigation ang ipinunta namin dito.” Napaisip si Jemimah. Kung dito nag-aaral si Gabrielle, malamang ay alam nito kung saan ang opisina ni Efren Mortel. “May kilala ka bang professor na nagngangalang Efren Mortel dito?”
“The one who died?” tanong ni Gabrielle. “Usap-usapan siya dito sa campus ng mga estudyante, staffs at professors.”
“Alam mo ba ang relasyon niya sa isang estudyante?” tanong naman ni Ethan.
“Kay Irma Guilaran.” Tumango-tango si Gabrielle. “I heard she took her own life. Siya ba ang pumatay kay Efren?” Nang makita nito ang pagtataka sa kanilang mukha ay nagpatuloy. “I’m a journalist, remember? Madali na lang para sa akin ang makasagap ng mga balita. At alam na rin iyon sa buong campus.”
Napabuntong-hininga si Jemimah. News really do travel fast. Lalo na sa mga ganitong lugar.
“Pinatay nga ba talaga ni Irma si Professor Efren?” curious na tanong ni Gabrielle.
Nakatingin lamang siya sa babae. Wala silang masasabi tungkol sa isang on-going investigation, lalo na at hindi naman ito involved doon. Magsasalita pa sana si Jemimah nang magpatuloy si Gabrielle.
“Nagpunta ako sa burol ni Efren Mortel. Putol ang hinliliit niya sa isang kamay.” Bahagyang inilapit ni Gabrielle ang mukha sa kanila, bumulong. “Putol din ba ang hinliliit ni Irma?”
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Hindi pa naire-release ng SCIU ang katawan ni Irma Guilaran. Wala ring ibang nakakaalam ng tungkol sa putol na hinliliit ng babae maliban sa mga investigators. Ibinalita lang nila sa pamilya ni Guilaran ang nangyari dito pero siguradong hindi pa rin nakikita ng mga ito ang katawan ng biktima. Paano nalaman ni Gabrielle Legaspi ang tungkol doon?
“How did you know about that?” seryosong tanong ni Ethan.
Sumeryoso na rin ang mukha ni Gabrielle. Inilabas nito ang isang laptop sa dalang backpack. Binuksan nito iyon. Ilang saglit lang ay ipinihit na ng babae paharap sa kanila ang laptop para ipapanood ang isang video. “Have you seen this news a month ago?” She clicked the play button.
“Natagpuang patay sa saksak ang aktres na si Arcie del Rosario sa isang kagubatan sa Palawan malapit sa venue kung saan dapat siya ikakasal,” wika ng reporter sa video. “Ang hinihinalang suspect ay ang kanyang mapapangasawa na isang kilalang businessman, si Daryl Opena, na natagpuang nagpakamatay sa kanyang sariling hotel room. Naririto ang aming interview sa Chief of Police sa Palawan na rumespunde sa naturang krimen…”
“Ilang beses na pinagsasaksak ang biktimang si Arcie del Rosario,” imporma ng Chief of Police sa Palawan. “Iniwan din sa katawan ng biktima ang murder weapon at ang fingerprints ni Daryl Opena ang nakita. Hinanap namin ang suspect at nakita nga ang bangkay niya sa loob ng kanyang hotel room. He died of blood loss due to slitting his own wrist. There was no suicide note. Ang iniimbestigahan na lang namin ay ang pagkawala ng mga hinliliit ng dalawang biktima. Aalamin namin kung kagagawan din ito ni Daryl Opena.”
Tumigil na doon ang video. Naalala ni Jemimah ang tungkol sa pagpatay sa isang kilalang aktres noon pero dahil hindi naman interesado sa showbiz ay hindi rin napag-ukulan ng pansin. “What happened to the investigation?” tanong niya.
“It was closed as a murder and suicide of the suspect,” sagot ni Gabrielle. “Base sa mga balita, si Daryl Opena rin ang pumutol sa mga hinliliit nila bilang tanda ng pangako na magsasama sila habang-buhay.” Nagkibit-balikat ito. “Local police sa Palawan ang nag-imbestiga. Sa pagkakarinig ko sa mga katrabaho ko sa DP News, walang ebidensya na may third party sa krimen. Ipinagtataka ko lang na hindi na rin nag-request ng re-investigation ang pamilya ng dalawang biktima.”
Tiningnan ni Jemimah si Ethan na nasa mukha na ang interes. “We should request a report of that case,” anito sa kanya.
“He’s right,” singit naman ni Lizette. “Doon lang kayo makakasiguro kung iisa nga ang killer ng dalawang krimen na 'yan.”
Bumuntong-hininga siya at sandaling lumayo para tawagan si Douglas. Kung sakali nga na iisa lang ang gumawa ng pagpatay kina Efren Mortel at sa Daryl Opena na iyon, then they must be dealing with a serial killer now. A serial killer who had a very cunning tactic.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon