Jemimah Remington-Maxwell
NILAPITAN ni Jemimah ang asawang si Ethan na nakaupo lamang sa waiting area ng ospital kung saan dinala sina Paul at ang kapatid nitong si Vyen Morales matapos mailigtas sa sunog sa bahay ni Antonio Morales. Nakayuko lamang si Ethan, nakakuyom ang mga kamay.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nila nakikita si Bianca. Sinabi ni Joshua sa kanila ang lahat ng nangyari, ang tawag na natanggap ni Bianca kaya nagpunta ang mga ito sa bahay ni Antonio. Sinabi nitong iniwan si Bianca sa labas ng bahay pero hindi na ito nakita.
“N-nagkamalay na si Paul,” sabi ni Jemimah. “S-sinabi niyang si Jayden Sullivan ang may gawa ng lahat ng iyon.”
“I still can’t reach her phone,” mariing sabi ni Ethan. “W-we shouldn’t have left her alone.”
“Ethan, calm down.” Lumuhod si Jemimah sa harapan ng asawa. “Mahahanap natin si Bianca. Magtiwala tayo na mahahanap natin siya.”
“Si Antonio ang gumawa ng lahat ng ito.” Napuno na ng galit ang mga mata ni Ethan. “Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalamang ligtas si Bianca. Bakit siya pa? Bakit ang kapatid ko pa?!”
Niyakap ni Jemimah ang asawa na nanginginig na sa galit. Pagkarating nila mula Pampanga ay ito kaagad ang bumungad na balita. Kung maayos lang ang signal sa lugar na pinuntahan ay mas binilisan nila ang pagbiyahe.
Kanina ay tinawagan nila si Marco para ipaalam ang nangyari. Sinabi nito na nagpa-issue na ng manhunt para kay Antonio Morales. Pero tama si Ethan. Hindi sila mapapakali hangga’t hindi nalalaman ang kalagayan ni Bianca ngayon.
Napatingin si Bianca kay Douglas nang lumapit ito sa kanila. “Paul is trying to leave his bed,” sabi ng lalaki. “Kanina pa siya pinapakalma ng mga nurse.”
Sinulyapan ni Jemimah si Ethan. “Let’s talk to him. Siguradong sinisisi niya ang sarili sa lahat ng ito.”
Sumunod naman ang asawa sa kanya. Pagkapasok nila sa loob ay nakaupo na sa kama si Paul, hawak ng dalawang lalaking nurse. Natanggal na ng lalaki ang IV na nakakabit dito. May galit sa mukha.
Tumingin sa kanila si Paul, napayuko pagkakita kay Ethan. “T-this is my fault,” umiiyak nang sabi nito. “H-hindi ko dapat iniwan si Bianca. Walang pakialam si papa sa amin. Ginawa niya lang akong pain para makuha si Bianca. Pakawalan niyo ako!” Nagpumiglas uli ang lalaki. “Hahanapin ko siya! Hahanapin ko siya! Hayup siya!”
“Paul, calm down,” naiiyak na sabi ni Jemimah. “Let’s all calm down first. Walang mangyayari kung magkakagulo tayo dito. Siguradong iyon ang gusto ni Antonio, ang masira ang team natin, ang samahan natin para hindi tayo makakilos ng buo.”
“No one is blaming you, Paul,” sabi naman ni Ethan. “Importante din sa'yo ang kapatid mo at alam kong napakahirap pa ring tanggapin na ang ama mo ang kalaban natin.”
Tumigil sa pagpupumiglas si Paul pero punong-puno pa rin ng sakit ang mukha. “I... I will never forgive him if he hurts Bianca. Wala nang halaga sa akin kahit ama ko siya.”
Malinaw na nakikita ang galit ni Paul para sa amang si Antonio. Maging si Jemimah ay nakakaramdam ng galit. Paanong nagawa ni Antonio na gamitin, saktan ang sariling mga anak para sa mga plano nito? Wala ba talagang halaga dito ang pamilya?
Napatingin siya kay Ethan nang marinig ang pagtunog ng cell phone nito. Kinuha ng asawa ang aparato sa bulsa ng pantalon para tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe.
Nanlaki ang mga mata ni Ethan, humigpit din ang pagkakahawak nito sa cell phone. Nilapitan ni Jemimah ang asawa at tiningnan ang tiningnan nito. Someone sent him a message. It was a picture of Bianca chained on the floor. May pasa na sa mukha ng babae, nakapikit ito, katabi ang isang hatchet.
Ilang saglit lang ay may natanggap itong tawag. The number was Bianca’s. Sinagot iyon ni Ethan. “Hayup ka! Ano'ng ginawa mo sa kapatid ko?!”
Nakatitig lamang si Jemimah sa asawa na kakikitaan na ng matinding galit habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya.
“Huwag mo siyang sasaktan, Antonio. Ako ang harapin mo. Sa akin ka makipaglaban ng harapan, hayup ka! Antonio!” Galit na galit na sinipa ni Ethan ang upuang malapit dito nang marahil ay pagbabaan ng tawag.
“E-Ethan... w-what did he say?” tanong ni Jemimah, hinawakan ito sa braso para pakalmahin.
“Sa Antipolo. Sinabi niyang ipapadala niya sa akin ang address kung saan sila nagtatago,” sabi ni Ethan. “Sinabi niya na wala siyang pakialam kahit magsama tayo ng mga pulis. Sinabi niyang haharapin niya tayo at tatapusin ang lahat.”
“I will call Marco para makapunta kaagad tayo doon ngayon,” ani Jemimah. Hindi nila alam kung ano ang plano ni Antonio Morales pero kailangan nilang kumilos kaagad.
Nalipat ang tingin niya kay Paul nang magpumilit itong tumayo. “S-sasama ako,” sabi nito. “H-hindi ako makakampante na nandito lamang.”
“Paul, kailangan mo munang magpahinga para—”
“No!” sigaw ni Paul. Nagmamakaawa itong tumingin sa kanya. Ngayon lang nakita ni Jemimah ang ganoong desperasyon sa mukha ng binata. “P-please... I need to be there. I w-want to save her. I-ipinangako ko na hindi ko siya iiwan, na hindi ako aalis sa tabi ni Bianca. I am going to protect her.”
Hindi na alam ni Jemimah kung ano ang isasagot.
“Kailangan din niyang sumama,” mayamaya ay sabi ni Ethan, nakatingin na ito sa cell phone. “Nakalagay sa message ni Antonio na gusto niyang kompleto ang buong team na binuo niya sa pagpunta doon. Kung hindi ay hindi na rin buong makakabalik si Bianca.”
Ikinuyom ni Jemimah ang mga kamay. Inalis niya sa isipan ang mga negatibong bagay na makakapagpatakot lamang sa kanya. Tatapusin na nila ang lahat ng ito. Makakaharap na nila ang demonyong sumira sa mga buhay nila. Naniniwala siya na poprotektahan sila ng Diyos sa labang ito. Darkness would never rule. Kahit na ano'ng gawin pa ni Destroyer, nakatakda nang matapos ang kasamaan nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mister / ThrillerA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...